It took me awhile to speak. I was thinking of possible reason why he's acting that way.
Matagal ko ng kaibigan si Andrew at alam ko na hindi siya mahilig mag-celebrate ng mga araw kasama ang isang karelasyon. Lalo pa't wala naman talaga kaming romantic relationship at mas lalong walang wedding mothsarry na tinatawag.
"May gana'n ba?" Nakakunot-noo kong tanong.
"We'll make one. Stop cressing that beautiful forehead of yours. Basta maghahanda tayo, I already made up my mind." Aniya habang tinatanggal ang kunot ng aking noo gamit ang kanyang isang daliri.
"Okay." Ani ko.
"Okay? As in, wala ka ng tutol pa? That's new." He said, stunned.
"Madali akong kausap eh. So may iba ka pa bang bibilhin?"
"Wala na. I've got everything I need." Sagot niya.
"Good. Magbayad na tayo ng pinamili." Ani ko at nagpatiuna na ng lakad habang tulak ang stroller.
Naramdaman ko na sumunod agad siya at kalaunan ay sabay na kami patungong counter.
"Good afternoon, sir." Nakangiting bungad ng cashier nang makita si Andrew.
"Good afternoon."
Talagang si Andrew lang ang nakita niya ha? At anong good afternoon? Eleven thirty-five pa naman ng umaga tsk tsk.
Hindi ko naiwasang mainis sa babaeng cashier dahil panay lang ang ngiti nito at pagpapa-cute kay Andrew. Hindi man lang ba niya ramdam ang matulis kong titig sa kanya?
"Buti naman, sir, at bumalik kayo ulit dito." Magiliw pang pagdadaldal ng babaeng malandi.
Wife is here, bitch!
Ito namang lalaking 'to hindi mapansin na nilalandi na siya ng cashier at panay pa talaga ang ngiti.
Pag-untugin ko mga ulo nila diyan eh!
"Pwedeng pakibilisan, miss?" Mataray kong saad na nakapameywang pa.
"Ganito ba talaga sa supermarket na 'to ang babagal ng mga empleyado?" Bulong ko pang dagdag na tama lang ang lakas para madinig niya.
"Sorry po." Hingi nito ng paumanhin ngunit halatang labas naman sa ilong ang sinasabi.
Imbes makaramdam ng awa dahil napagtarayan ko siya ay dumoble pa tuloy ang inis ko. Halatang maldita ang babaita.
Hindi na talaga ako mag-aayang mag-grocery dito sa susunod. I should take note of that.
"Why my wife is being grumpy, huh?" Malambing na saad ni Andrew.
Nailang naman ako sa ginawa niya dahil talagang niyakap niya pa ako mula likod at malambing na binigyan ng mga munting halik ang leeg.
Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ng cashier at ng lalaki nitong bagger sa gawi namin. Malamang ay naiilang din sila sa ginawa ng kasama ko.
Yes, I want to show the girl that he's mine but not in that way. Public display of affection is not really my thing.
"Ano ba, Andrew. Tumigil ka nga, nakakahiya." Bulong kong saway sa kanya habang ramdam ang pag-iinit ng aking psingi.
"I want to set my territory. I hate being jealous, you know." Aniya na itinigil na ang ginawang paghalik sa aking leeg pero nanatili pa rin ang dalawang braso na nakapulupot sa aking bewang.
Mali yata ang pag-construct niya ng sentence tsk tsk. But, jealous? Hindi naman ako nagseselos ah, naiinis pwede pa. Selos? Haha imposible, imposible talaga.
BINABASA MO ANG
Trapped In (COMPLETED)
Ficción GeneralWARNING: R18/SPG Chloe married her friend for personal reason. At katulad ni Chloe ay may sarili ring dahilan si Andrew kung bakit ito nakipagsundo. Pero paano kung ang kasalang nagumpisa lang sa isang kasunduan ay nahulog sa pag-iibigan? Could she...
