Chapter 25: Night Sky

5.9K 159 5
                                        

RESTRICTED


"Naparami yata ang kain mo?" Mangha at natatawa kong tanong kay Andrew nang matapos nitong makain ang pangatlong pinggang kanin.

"What can I do? My wife is an excellent cook." Ngisi nitong sagot na siya namang aking ikinapula.

Everytime na ikino-compliment niya ako ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng sobrang saya. Noon ayos lang naman na mapuri ako ng pamilya, mga kaibigan at ibang tao pero pagdating kay Andrew ibang saya ang nararamdaman ko.

I didn't expect that when you're in love, you are subjected to feel emotion in a much higher level.

Pag masaya, sobrang saya. Pag malungkot, sobra ring malungkot.

Hindi ko napaghandaan ito dahil kahit sa panaginip ay hindi ko naisip na mahuhulog ako sa isang kaibigan. Halos mag-isang dekada na kaming magkaibigan at magkakilala, kaya sino naman ang makakaisip na sa hinaba ng panahong nagdaan na hindi tumibok ang puso ko ay sa isang kaibigan lang din pala ito mangyayari?

"Bolero ka talagang tunay, kaya marami kang nabiktimang babae eh." Naismid kong saad habang nilalagyan ng prutas ang kanyang plato.

"Diyan ka nagkakamali. I don't get my girls in the past because of words but because of my looks. I’m not a kind of guy that gives compliments that often. I only gave it to those who really deserves it." Seryoso nitong pahayag na nakakatitig sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin ng hindi ko makayanan ang intensidad ng kanyang titig. He intimidates the hell out of me whenever he put a serious expression.

Hindi na ako kumibo pa at ibinaling ang tingin sa asul na dagat habang kumakain ng manggang hinog.

Napili kasi namin na sa labas ng villa mananghalian. Naglatag lang kami ng malaking kumot at nagtayo naman siya ng malaking payong para hindi kami matamaan ng sikat ng araw.

"Bakit ka tumahimik?" Ilang sandali lang na walang nagsalita bago niya binasag ang katahimikan.

"Ha?" Tanong ko ng hindi ko siya masyadong naintindihan.

"Why are you silent all of a sudden? Is it because I mentioned about my girls in the past?" Tanong niya ulit na may pag-aalala sa mukha.

Hindi ko maintindin kung ano ang ibig niyang sabihin dahil wala naman akong matandaan na may ginawa akong kakaiba para isipin niyang nananahimik ako dahil dito. But just to assure him that everything was fine, I gave him a genuine smile.

"Ano bang pinag-iisip mo dyan. Past is past, Andrew. At hindi ako gano'n kababaw na babae para balik-balikan pa ang mga nagdaan na."

At isa pa, hindi naman niya ako mahal at hindi tunay ang aming relasyon kaya wala akong karapatan kung sakali mang mag-isip siya ng ibang babae ngayon.

Oo at masakit isipin pero wala na akong magagawa. Nandito na ako, nahulog at umiibig na. Kaya wala na akong magagawa pa kundi ang sikaping mapaibig din siya.

Napatingin ako sa aking kamay nang abutin niya ito at mahigpit na hinawakan.

"You're right, past is past. Ang importante ay ang ngayon at kung ano ang meron tayo. I just don't want you to think that you're shallow just because my past can affect you. You're never shallow, Chloe. You have the right to ask me anything about my past, understood?" He sincerely said as he leaned forward and kiss me on my forehead like he always does.

"Salamat." Maikli kong tugon.

Gaano man kaikli ang aking naging tugon ay malalim ang kahulugan nito. Salamat lang ang tanging salita na kayang iparating ang lahat ng gusto kong sabihin.

Trapped In (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon