Chapter 27: In Danger

5.9K 137 5
                                        

"What's with this blindfold thing?" Andrew asked as I led him the way inside his condo.

"It's part of the surprise." I answered.

It's his 29th birthday, at naisipan kong gumawa ng konting selebrasyon para sa okasyon.

Nag-undertime din ako ng araw na 'yon para makapagluto at makapaghanda nang maaga. Hindi nga naman surprise na matatawag kapag siya ang mauunang makauwi kaysa sa'kin.

I also made sure that he won't see the kitchen. I waited outside his unit's door and then blindfolded him before entering.

It was a simple candlelight dinner. I cooked all his favorite food and if he'll ask, I'll give him extra gift later that night. Okay, that was really naughty of me.

Nang eksaktong nasa harapan na kami ng pandalawahan niyang mesa ay umikot na ako sa likod niya at kinalas ang pagkakatali ng puting panyo na gamit ko sa pagtakip sa kanyang mata.

"Surprise!" Malawak na ngiti kong saad habang iminuwestra ang itsura ng mesa.

I'm a good cook but I don't really have an idea about how to arrange a table so I had to ask for Andi's help on the table set-up.

Mabuti na lang din at hindi niya ako tinanong kung bakit nag-ieffort ako para kay Andrew. May plano naman akong sabihin sa kanya na mahal ko na ang kaibigan namin ngunit hindi pa ako handa para do'n.

I know that Andi warned me first hand. I know for sure if I'll tell her she would use the famous line 'I told you so' to me.

"You made all of this?" He asked with a hint of joy in the eyes.

It made me glad because I knew then that he liked it.

Tumango ako bilang sagot na may ngiti sa labi.

"Come here." Nakangiti niyang utos sa akin habang nakalahad ang kanang braso.

I took three steps near him and he pulled me for a hug. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Lagi naman gano'n ang reaksyon ng puso ko tuwing malapit at magkadikit kaming dalawa.

"Do you like it?" I asked, wanting a vocal confirmation.

Gusto kong marinig mismo sa labi niya kahit ba na alam ko naman base sa reaksyon niya na nagustuhan niya ang aking ginawa.

"I don't simply like it, babe. I love it." He answered.

Masaya ako sa narinig ngunit siguro magiging sampung beses ang saya na aking mararamdaman kung mismong ako na ang sasabihan niyang mahal at hindi lang ang aking ginawang surpresa.

I shook away the negative thoughts in my head and return his hug with a tight one.

"Masaya ako at nagustuhan mo." Saad ko.

Bahagya niyang inilayo ang katawan mula sa akin ngunit nanatiling nasa likod ko pa rin ang dalawang kamay.

"Mas masaya ako sa ginawa mo." Mahina niyang usal bago yumuko at hinandugan ng maingat at masuyong halik ang aking mga labi.

Sinagot ko ang bawat halik niya ng halik na may kasamang pagmamahal.

Sa bawat araw na nagdaan mula nang malaman kong mahal ko na siya ay mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko sa kanya. Even if I wanted to chain such emotion, I am a slave of it. I can't simply put a stop on falling deeply, it scares me. But being afraid would not do anything good.

Kailangan kong kumilos, kailangan kong humanap ng paraan para matugunan ang aking nararamdaman.

I admit, I did this because I want him to fall in love with me. Consummating our marriage is not enough to make him fall. I wanted love and not plainly sexual desire.

Trapped In (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon