Chapter 39: Right Way

5.7K 143 8
                                        

It's been five days since the confrontation with Andrew's mother, abuela and Genevive happened. And three days since I got out from the hospital.

Dalawang araw lang naman ang tinagal ko do'n dahil naging maganda ang mga resulta ng mga tests na isinagawa sa akin. Andrew and I was so thankful that amidst what happened, the baby is healthy. At tsaka malakas talaga ang kapit nito sabi ng doktor.

Hindi rin kailanman nagpunta ang mama ni Andrew at ang abuela niya para dumalaw. Tanging si tito Anton lang ang dumalaw sa akin at humingi rin ng tawad sa nagawa ng asawa at ina. Stephen and Aaron wanted to visit according to Andrew pero dahil busy ang mga ito ay hindi na nakarating. Naintdihan ko naman at sandali lang naman ang inilagi ko sa ospital

Si Genevive ay nangibang bansa matapos ang nangyari. Andrew wanted to sue her but I stopped him from doing so. Ayaw ko na kasi ng gulo at tsaka hindi naman niya alam na buntis ako. Ang importante para sa akin ay ligtas ang dinadala ko, ayaw ko na magtanim pa ng galit.

Nagpunta na rin kami sa ob-gyne na inirekomenda ni Andi sa amin. The doctor prescribed me to take vitamins that is needed for my pregnancy. She told us the do's and dont's. Mas marami pa ngang tanong si Andrew kumpara sa akin. He was nervous yet ecstatic upon asking those questions.

I never thought that Andrew will be so happy to know that I'm pregnant with our baby. Natakot pa akong sabihin ito sa kanya sa pag-aakalang baka hindi siya magiging masaya sa balita. But again, he proved me wrong. Kasi mahirap man aminin pero sa tingin ko ay mas masaya pa siya kaysa sa akin.

After we confessed our love for each other I noticed that he looked at me full of love. Pero ngayon? May kung anong emosyon siya sa mata na unang beses ko pang nakita sa buong buhay ko. Mas malamlam. Mas malalim. Mas maraming kahulugan.

"What are you thinking, babe? Masyado yatang malalim." Saad niya matapos ipatong ang kamay sa kamay ko na nasa aking hita.

Napalingon ako sa gawi niya at binigyan siya ng tipid na ngiti.

"Ikaw. Naiisip kita." Ani ko.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Nagiging cheesy ka na rin yata gaya ko. But well, I'm flattered to know that you're thinking of me." Aniya at hinapit pa ako nang mas malapit.

"Mas cheesy ka pa rin noh." Saad ko at mas sumiksik pa sa kanya.

Bahala si kuyang driver dyan. Eh hindi uso sa aming dalawa ang space eh.

"I won't deny that. Guilty as charged." He chuckled sexily.

I looked passed the window of the taxi. Nakita ko ang mga taong nakasuot ng makakapal na tela. Mga taong kalimitan ay dilaw ang kulay ng buhok. Mga taong mapuputi at may matatangos na ilong. May mga tao ring maitim at kulot ang maitim ring buhok. I was getting nervous every passing seconds.

"Are you nervous?" Tanong niya na tila pa nababasa ang nararamdaman ko.

"Sobra." Maikli kong sagot at muling ibinalik ang tingin sa harapan.

He held my chin and guided it to face him.

"Don't be. Nandito ako, remember? We'll do this together, babe. I love you." Saad niya at kinintalan ng mabilis na halik ang aking labi.

"I know. I love you, too." I smiled.

Nandito kami ngayon sa Los Angeles. Pupuntahan namin ang mga magulang ko para pormal siya na ipakilala. It was his decision to go here. Oo at may balak talaga akong ipakilala siya sa mga magulang ko at kay ate pero pwede namang sa skype lang namin gawin 'yon.

Nagulat na lang ako no'ng araw na nakalabas ako ng ospital nang ibinalita niya sa aking nakapag-book na siya ng flight. Thank God, I already had my US visa. Pabigla-bigla naman kasi siya kung magdesisyon.

Trapped In (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon