Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko ang kabuohan ng aking opisina. Kahit masakit sa loob ay kailangan ko nang magpadestino sa Manila. Hindi rin naman kasi pwede na dito pa rin ako sa Ilo-ilo magtrabaho pagkatapos naming ikasal ni Andrew.
I asked him for a one-month allowance and gladly he gave it to me. Hindi naman pwede na basta-basta na lang akong umalis at magpalipat sa Manila office nang basta-basta lang. I was just so thankful that my bosses approved my request of transfer. Hindi na ako nahirapan dahil maganda naman ang record ko sa trabaho at sadyang ako lang talaga ang pumili na manatili sa Ilo-ilo.
"Ma'am Chloe, mamimiss po namin kayo." Salubong na sabi sa akin ni Hannah pagkalabas ko ng opisina.
"Oo nga, maa'm. Napaka-biglaan po ng plano niyong pag-alis." Segunda ni Martha.
Binigyan ko sila ng simpleng ngiti. I'm going to miss them and that's for sure.
"Kailangan eh. Mami-miss ko rin naman kayo. Bigyan niyo nga ako ng group hug." Agad namang lumapit ang dalawa at niyakap ako.
Nagsunuran na rin ang ibang babae kong katrabaho. Kahit na mataas ang posisyon ko sa kanila ay kaibigan at kapantay pa rin ang turing ko sa kanila. Ni ayaw ko na sana magpatawag ng ma'am dahil ang ilan sa kanila ay nalalapit lang naman sa edad ko at naka-close ko na rin ngunit mas gusto daw nila na gumamit pa rin ng honorific lalo na sa oras ng trabaho.
"Basta, ma'am, pag nagawi ka uli dito sa Ilo-ilo huwag niyo pong kalimutan dumalaw." Naiiyak na paalala ni Sheryl na isa sa mga pinakamalapit sa akin.
"Oo ba, kayo pa ba kakalimutan ko?" Sagot ko. "Sige, mauuna na ako at mamayang alas kwatro na ang flight ko pabalik ng Manila."
Muli kong kinuha ang isang box na naglalaman ng natitira kong gamit na inilapag ko sandali nang niyakap nila ako.
"Ingat ka po, ma'am."
"Thank you. See you the soonest, bye." Huli kong paalam bago tuluyang nilisan ang lugar kung saan apat na taon rin akong nagtrabaho.
Eksaktong alas dos ng hapon ay narating ko ang apartment kung saan ako tumutuloy. Handa na ang mga gamit ko no'ng isang araw pa lang at agad ko rin namang sinilid sa bakanteng maleta ang mga natitirang gamit ko sa trabaho na huli kong kinuha sa opisina.
Hindi naman ako nagtagal sa pag-aayos at agad ding nakaalis sa apartment upang magtungo na sa airport. I was in the middle of waiting for my flight number to be announced when Andrew called.
"Hello?" I answered.
[Are you flying back here in Manila today or tomorrow?] He asked.
"Today, actually nasa airport na ako ngayon."
[Good. Tingin mo by 7pm ay nandito ka na?]
"Oo, 4pm ang flight ko kaya sure akong nakarating na ako by 7pm. Why?"
[Nakapag-set na kasi ako ng schedule sa shop ni Sissy Manalo, we need to buy clothes for the civil wedding next week. We still need to dress up so it would be convincing in the pictures.] Pagbibigay-alam niya.
"Okay. Darating ako, text mo lang kung anong address ng shop na 'yan." Sagot ko.
[No need, I'm going to fetch you. Mas mabuting nasa iisang sasakyan tayo instead na mag-convoy. After buying clothes, we still need to buy a ring.] Saad niya.
Napapamura na lang ako sa isipan. Ang dami kasing gastos kahit na for the show lang naman ang kasal namin at civil wedding lang ang magaganap. Napilit ko rin kasi si Andrew na ako na ang bibili ng sariling singsing at damit na susuotin. Kaya nga no'ng sinabi niyang siya na ang magbabayad for the plane ticket papuntang New York ay hindi na ako tumanggi pa.
BINABASA MO ANG
Trapped In (COMPLETED)
Fiksi UmumWARNING: R18/SPG Chloe married her friend for personal reason. At katulad ni Chloe ay may sarili ring dahilan si Andrew kung bakit ito nakipagsundo. Pero paano kung ang kasalang nagumpisa lang sa isang kasunduan ay nahulog sa pag-iibigan? Could she...
