"Hoy! Tulala ka na naman d'yan." Untag sa akin ni Andi.
Araw ng linggo at naisipan kong bisitahin ang kaibigan ko dahil wala akong ibang pinagkakaabalahan. Gamay ko na rin kasi ang bago kong trabaho kaya hindi ko na kailangan na mag-overtime o magdala ng trabaho sa bahay at mas relax na ako.
"A-ahh? Anong sinabi mo?" Tanong ko dahil sa totoo lang ay hindi ako nakikinig sa mga sinabi niya.
"Kung hindi ko lang talaga alam ang totoo sa inyo ni Andrew, iisipin kong nami-miss mo ang mister mong 'yon." Nakangisi niyang asar habang karga ang anak na si Aisha.
"Hindi no. May iba akong iniisip, dumi talaga ng utak mo." Tanggi ko na may kasamang iling.
I was not entirely lying. Yes, may bahagi talaga na si Andrew ang dahilan ng pagkakatulala ko nitong mga nagdaang-araw pero mas lamang na ang mama nito ang iniisip ko o mas mainam na sabihin na ang buong pag-uusap namin ang iniisip ko.
The day after the dinner happened, Andrew immediately went out of town for a forum in Davao. We didn't had time to talked about it because we're both dead tried when we got home.
Ang alam ko ay isang buong linggo siya mananatili doon at ngayon nga ang panlimang-araw na ako lang mag-isa sa condo kaya naman naisipan ko na dumalaw kina Andi kaysa magmukmok doon dahil hindi ko naman kayang matulog at magpahinga habang maraming bumabagabag sa aking isipan.
Maliban kasi sa nangyaring 'meeting the parents' ay wala din ni isa sa amin ang nagbalak na buksan ang paksa tungkol sa nangyari sa Batangas. I'm still bothered about it, I'm not sure if he feels the same because the way I see it, he's unaffected.
Iba na talaga pag playboy. Parang ang baba tuloy ng tingin ko sa sarili. Maihahanay niya na ako sa mahabang listahan niya ng babaeng naikama na wala namang relasyon. I felt so cheap.
"Hoy! Ayan na naman ang pagkakatulala mo." Tawag ni Andi sa atensyon ko sa pangalawang beses na may kasama ng medyo malakas na hampas sa braso.
"Aray naman." Reklamo ko habang haplos ang bahagi ng braso kong namula sa hampas niya.
"Alam mo, Chloe. You need to loosen up. Masyado kang stress nitong nagdaang buwan, nahahalata na tuloy ang wrinkles mo." Aniya habang umiiling.
"Seryoso? May wrinkles na ako?" Hindi makapaniwala kong tanong habang sinasalat ang sariling mukha.
Baka nga kasi tama ang sinabi niya. Wala pa naman akong magandang tulog nitong nakaraan.
"Naniwala ka naman? Pero kung hindi mo ititigil 'yang masyadong pag-iisip baka magkatotoo nga." Natatawa niyang sagot.
"Sige na, hindi na mag-iisip." Pagsuko ko.
Sana nga kaya kong hindi mag-isip.
"Yan, ganyan nga. Bakit kasi 'di ka pa gumawa ng sariling Aisha. Diba baby, para may kalaro ka na?" Tumawa naman ang inaanak ko sa sinabi ng kanyang ina na tila ba naunawan nito ang sinabi.
"Naku! Alam mo naman na imposible 'yan." Ani ko.
"Malay mo naman diba maka-score si Andrew sa'yo lalo pa't sa iisang kwarto lang kayo natutulog." Tudyo niya.
Minsan kasi nadulas ako sa pagkukwento sa kanya kaya nalaman niyang iisang kwarto lang ang tinutulugan namin ni Andrew. Wala eh, malaking tanga lang talaga ako.
Akala ko pa nga magagalit siya sa akin, gano'n kasi siya ka protective pagdating sa akin. Ngunit pinagtaka ko nang lubos na imbes sermunan ay tinudyo niya lang ako.
"Ewan ko sa'yo." Tanging nasabi ko at baka mahalata niya pang guilty ako.
I think what happened that night should remain between Andrew and I, and no one else should know about it aside from us. That matter was too personal and private.
BINABASA MO ANG
Trapped In (COMPLETED)
Ficción GeneralWARNING: R18/SPG Chloe married her friend for personal reason. At katulad ni Chloe ay may sarili ring dahilan si Andrew kung bakit ito nakipagsundo. Pero paano kung ang kasalang nagumpisa lang sa isang kasunduan ay nahulog sa pag-iibigan? Could she...
