Chapter 29: Bommie

5.6K 136 7
                                        

"Pasok." Sagot ko nang may kumatok sa pinto ng aking opisina.

"Chloe, may naghahanap sa'yo sa labas." Imporma ni Shine na nasa hampa pa rin ng pinto at di na inabala ang sarili sa pagpasok.

"Sino?" Taka kong tanong.

"Basta, labasin mo na lang." Nakangisi nitong saad at mabilis na umalis.

Nagtataka man ay sumunod na lang din ako sa labas matapos maisara ang computer.

Paglabas ko ay kataka-takang panay ang ngiti at bulungan ng mga kasamahan ko. Ngunit dahil may naghahanap nga sa akin sa labas ay ipinagsawalang-bahala ko na lang at pinagpaliban muna ang pagtatanong.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng silid sa aming departamento ay bumungad sa akin si Andrew na nakasandal sa dingding kaharap ng pinto. From the sight, it was obvious that he's waiting for someone.

"Anong ginagawa mo rito?" Bungad kong tanong ng tuluyan nang makalapit sa kanya.

"Wala man lang bang kiss muna dyan?" Pang-aasar nito bago ako hinila at binigyan ng halik sa noo.

"Seryoso nga. What are you doing here? Sa pagkakaalam ko hindi naman dito ang opisina mo, mister." Saad ko na nakapamewang.

Habang naghihintay sa kanyang sagot ay hindi ko mapigilan ang mainis habang dinig na dinig ko ang bulungan ng mga empleyadang babae tuwing dumadaan kung saan kami nakatayo ni Andrew. I know that he can easily attract girl's attention but I don't like those girls that are obviously displaying their interest.

Sino naman ang hindi maiinis kung hindi man lang nila inaral ang dencency ng totoong characteristic ng bulong? May bulong ba na kahit hindi naman kami magkatabi ay rinig ko pa rin ang mga sinasabi nila?

"Chloe?" Pukaw ni Andrew sa akin.

"Are you listening to me?" Tanong niya.

"Ano nga 'yon? Sorry di ko narinig." Hingi ko ng paumanhin.

"Paano mo maririnig eh hindi naman sa akin ang atensyon mo." Hindi nakangiti nitong turan.

Hala, siya pa ang galit? Kasalanan kaya niya kung kaya andami ko tuloy dapat panlakihan ng mata.

"Bakit kasi pumunta ka pa dito, dapat itinawag mo na lang ang sasabihin mo." Pagmamaktol ko.

Ewan ko ba, ayaw ko yung ideya na may ibang humahanga sa kanya. Tingin ko sa lahat kaagaw ko sa kanya.

"You don't want me here?" May inis din sa boses niyang saad.

"Are you ashamed to be seen with me. O may isang tao ka talagang ayaw mong makaalam na may asawa ka na?" Dagdag niya pa na hindi na kakakitaan ng tuwa ang mukha.

"Oo, andaming nakakakita sa'yo rito. Hindi mo ba pansin panay papansin ng mga katrabaho ko sa'yo na hindi ko naman kasama sa finance. Nakakainis na talaga. Huwag ka ng pumunta rito ulit. Makakahanap pa ako sa'yo ng away." I said as I crossed my arms over my chest.

"Ha? What are you talking about? Ano naman kinalaman ng mga katrabaho mo para may makaaway ka?" Nagtataka nitong tanong.

I was about to talk when someone caught both of our attentions when he suddenly coughed, obviously it was a fake one.

Pareho namin binalingan ang pinagmulan nito at nakita ko na nasa kaliwang gilid pala ni Andrew ang sekretarya at pinsang si Jerold.

Kanina pa pala siya sa gilid ngunit hindi ko man lang siya napansin.

"What?" Tanong ni Andrew sa pinsan.

"Bago pa kayo mag-away, Andrew, dahil sa hina mong pumick-up ay sasabihin ko na sa'yo kung bakit ganyan ang inaasta ng asawa niyo. Nagseselos lang naman siya sa mga babaeng katrabaho niya na panay ang lingon at pag-uusap tungkol sa'yo." Mahaba niyang pagsalaysay sa pinsan.

Trapped In (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon