Chapter 38: I Don't Care

5.3K 139 5
                                    

"Chloe? Babe?" Rinig kong tawag sa akin.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Agad na bumungad sa aking paningin ang mukha ni Andrew na kababakasan ng sobrang pag-aalala.

"A-andrew?" Paos kong saad.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at nakitang nasa isang kwarto kami naroroon. A white room to be exact.

"Nasa'n tayo?" Nagtataka kong tanong.

Ilang segundo niya akong tinitigan bago bumuka ang kanyang bibig para sagutin ako.

"We're on the hospital." He answered.

It was like a bomb exploded in front of me.

Unti-unting nagdaan sa aking isipan ang nangyari bago ako magising. Andrew's family offering me money. Genevive Almeda pushing me on the floor. Nagsimulang umagos ang naglalakihan kong mga luha sa realisasyon kung bakit ako narito sa ospital.

"A-andrew?! Ang baby? Ang baby natin?" Umiiyak kong tanong habang pilit na bumabangon sa pagkakahiga.

Maagap naman siya sa pagpigil sa akin sa pagbangon. At di hamak na mas malakas siya kaya siya ang nanalo. Patuloy akong umiiyak habang inaalo niya ako.

"Sshhh..Don't worry. The baby is okay." He said that made me stop from trying to get out from bed.

Tumigil na ako sa pagpupumiglas at tinutukan ang kanyang mukha. I was trying to read his mind whether he's telling me the truth or he was lying. Baka kasi sinasabi niya lang ito para mapakalma ako.

"Totoo? Hindi ka nagsisinungaling? Tell me your telling the truth, Andrew!" Sigaw ko dala ng frustration at kaba.

At parang on cue naman na may isang doktora at nurse ang pumasok sa silid.

Naglipat ang tingin ko rito ngunit ramdam ko ang pananatili ng titig ni Andrew sa akin.

"Gising na pala si misis, Mr. Argonza." Nakangiting bungad na turan ng doktora na nasa mid 40's na ang edad sa tantsya ko.

Nilingon ko si Andrew dahil wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Nakita ko na nasa akin pa rin pala ang titig niya pero inilipat naman niya ito sa doktora nang nilingon ko siya.

"Kumusta po ang mga tests na ginawa, doc?" Tanong ni Andrew.

"All the tests are good. Nothing to worry about, Mr. Argonza. Your wife is safe as well as the baby. Mabuti na lang at nadala agad sa ospital ang asawa niyo. At sobrang higpit din ng kapit ng bata sa sinapupunan." Nakangiting turan ng doktor na siya ring nagpangiti sa akin mula ng ako'y magising.

The baby is safe. Thank God, our baby is safe.

Maraming sinabi ang doktor at tanging si Andrew lamang ang kumakausap dito. Nang marinig ko na walang nangyaring masama sa bata ay parang nakalimutan ko na ang nangyari sa paligid. I already heard what I wanted to hear.

Akala ko talaga ay mawawala na siya. Nang makita ko kanina ang dugo na umaagos sa aking hita ay parang nalagutan ako ng hininga. Ni hindi ko alam kung umiyak ba ako dahil sa sakit na nararamdaman o dahil sa takot na baka tuluyan akong makunan.

Maybe it was both.

The thing is, I don't even remember how I got here. Tinulungan ba ako ng lola at mama ni Andrew o si Andrew ang nakakita sa akin. Hindi ko talaga matandaan kung ano sa dalawa. Marahil ay nahimatay ako habang namimilipit sa sakit at sa takot.

Napukaw lang ang atensyon ko nang kinausap ako mismo ng doktor.

"So Mrs. Argonza, magsabi lang kayo kung may iba kayong kailangan o may ibang nararamdaman. The nurse will check on you every four hours. Sige, maiwan ko muna kayo." Saad ng doktor na nasa akin ang paningin.

Trapped In (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon