Chapter 5: So It Begins...

6.1K 131 1
                                        

Sa buong oras na kumakain kami ni Andrew ay kapwa kami tahimik. May pagkakataon naman na nagsasalita siya pero tipid lang at tipid lang din ang mga sagot ko.

Kahit hindi niya sabihin alam kung may awkwardness din siyang nararamdaman katulad ko. Kahit kasi sabihin na magkaibigan kami ay hindi na naman gaya ng dati ang closeness namin. Wala din naman akong memories in the past na talagang nagka-bonding kami na kaming dalawa lang. Puro pang-aasar lang naman niya sa akin ang naaalala ko.

Maraming taon na rin ang lumipas simula nang grumadweyt kami sa college. And since then, I was away from our friends and him for years. At sa mga taong lumilipas na wala na kaming constant interaction medyo nagkaroon na akong ng ilang sa kanya. Hindi naman kasi katulad naming mga babae sa barkada na may groupchat sa social media kaya kahit hindi nagkikita ay wala namang gaanong nagbago sa pakikitungo.

It was a combination of awkwardness and nervousness that I was almost silent the time we were eating.

Nasa kalagitnaan siya ng pagkain ng leche flan nang basagin ko ang katahimikan. Siya na lang ang kumakain ng dessert at hindi na ako nag-order pa dahil baka masuka na ako sa kabusugan at kaba. Nagulat pa nga ako at may leche flan pala sa restaurant na 'to.

"A-ahmm.. Andrew, about the thing that I wanted to talk to you." Panimula ko.

Mula sa pagkakayuko ay tiningnan niya ako at ibinaba ang kutsarang hawak.

"What about it?" Tanong niya matapos punasan ang gilid ng labi ng table napkin.

I was mentally counting 1 to 5 to calm my nerves down. Nang hindi pa rin nawawala ang kaba ay napapikit ako habang kagat ang pang-ibabang labi at tahimik na nagdasal gamit ang isip.

Nang tingin ko ay wala naman akong pwedeng gawin para mawala ang kaba ko ay minabuti kong itigil ang kahibangan ko at harapin nang buong tapang si Andrew.

When I opened my eyes, I saw him looking down but he immediately met my gaze.

Napaubo pa siya bago magsalita. "So?" He asked, encouraging me to continue.

"I heard about your dilemma." Ani ko na ikinanuot niya ng noo.

"Dilemma? About what?" Naguguluhan niyang tanong.

I sighed deeply before I continue on talking.

"I heard you and Kaizer talked about your inheritance from your abuela." Nakita ko na nanlaki ang mata niya pero pinagpatuloy ko ang pagsasalita habang kaya ko pa. "Alam ko na naghahanap ka ng pwedeng pakasalan at maging asawa. I just want to ask if you've already found one."

Mga ilang segundo na hindi siya nagsalita pero pagkaraan naman ay sumagot din siya kahit alam kong nagdadalawang isip siya kung sasagutin niya ba ako o hindi, base na rin sa reaksyon na meron ang kanyang mukha.

"No, I haven't found anyone yet." Tipid niyang sagot at ngayon ay tutok na tutok sa akin na tila ba nakuha ang buong atensyon niya ng binuksan kong paksa.

"Good. I mean, yeah g-good." I stuttered big time.

"Good? What's good about it?" He inquired.

"I'm willing to be that wife. Don't speak yet, let me finish." Saad ko nang makitang bubuka na sana ang bibig niya. He has a very funny expression when he heard what I said. But I can't laugh with that situation even if I wanted to.

"I'm not volunteering because I like you, let me clear that first before anything else." Saad ko at ayaw ko namang isipin niyang may gusto ako sa kanya.

"I'm suggesting it because it could be beneficial to the both of us. You see, pinasusunod na ako ng mga magulang ko sa States at ang tanging paraan para hayaan nila ako na manatili sa Pilipinas ay kung kasal na ako at may asawa na. I came up with this idea dahil na rin sa narinig ko na pag-uusap niyo ni Kaizer." Tuloy ko.

Trapped In (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon