RESTRICTED
"Ano bang sagot ang gusto mo?" Nakangiti at nakaluha kong tanong.
Ilang segundo rin ang nagdaan bago siya makapagbigay ng sagot. Siguro ay hindi niya inasahan ang tanong ko.
"Syempre, gusto ko oo." Nanlalaki at natataranta niyang sagot.
Sa kabila ng pag-iyak ko ay hindi ko napigilan ang mapatawa sa reaksyon niya.
He looked like a lost kid trying to find the way home. Cute and adorable.
"Answer me, please. Huwag ka naman tumawa lang diyan." Nakasimangot nitong saad na tila ba natatae habang nakaluhod.
Kinalma ko ang sarili ko at baka hindi ako makapagpigil ng tawa at hindi na makasagot sa kanya.
"Yes, payag ako. Magpapakasal ako ulit sa'yo." Buong puso kong sagot na may kasabay na mabilis na pagtango.
Hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. He got up from kneeling and without a warning, he lifted me up on the ground. Karga-karga niya ako habang sumisigaw at inikot-ikot ako sa ere.
Mabuti na lang at hindi mahigpit ang pagkayakap niya sa'kin at hindi naipit ang bandang tiyan ko.
"Andrew!! Ibaba mo ako, ano ba? Tumahimik ka at nakakahiya sa mga kapit-bahay." Suway ko sa kanya habang natatawa na rin.
Nakinig naman siya at huminto.
Nang ibaba niya ako sa sahig ay mataman niya akong tinitigan habang sapo ang aking magkabilaang pisngi.
Bakas sa kanyang mukha ang sobrang kaligayahan. His face illuminated brightness. Malayung-malayo sa mukha niya kanina na kasing dilim ng nagsusungit na langit. Hindi ko tuloy malaman kung siya ba o ako ang mas masaya ng sandaling 'yon. All I know is that I'm happy, too.
"I can't believe that this is happening." He said as he caressed my check softly.
"I can't either." Maluha-luha ko ring saad.
Nagulat na lang ako ng walang kung anu-ano'y siniil niya ako ng malalim na halik. He kissed me with intensity that is familiar but I was not able to name in the past. But now that I know that he loves me, finally, I can put a name to it. It's a kiss, a kiss that's full of love.
Agad kong iginapang ang dalawa kong braso sa kanyang balikat. Ninanamnam ang pagsusugpo ng aming mga labi nang buong kagalakan at pagmamahal. Sa pamamagitan ng halik na 'yon ay gusto kong iparating sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
We shared a kiss so passionately. A kiss that I know we did because of love. A kind of kiss that only those in love persons can give. It was full of passion, longingness, respect, adoration, affection, intensity and love. A kiss that only him can give me.
Nang matapos kaming maghalikan ay kapwa kaming naghabol ng hininga dahil sa matagal na paghuhugpong ng aming mga labi. Kung hindi lang siguro mauubusan ng hangin ang tao pag naghahalikan ay baka hindi pa kami huminto sa aming ginagawa.
Muli niyang ikinulong ang kanan kong pisngi sa mainit niyang palad. Ipinatong niya ang kanyang noo sa aking noo habang ang isang braso ay nakapulupot sa aking bewang.
"I love you, Chloe, more than you know." He whispered between every heavy breath.
"I know. I know." Sagot ko.
Pinaglayo niya ang noo namin at mataman akong tinitigan. Hindi ko mabasa ang iniisip niya pero natabunan ng konting lungkot ang kanyang mukha na hindi ko maintindihan.
Magtatanong na sana ako kung okay lang ba siya ngunit naunahan ng tinanong niya ako ng tanong na napakadaling sagutin.
"Do you love me, right?"
BINABASA MO ANG
Trapped In (COMPLETED)
General FictionWARNING: R18/SPG Chloe married her friend for personal reason. At katulad ni Chloe ay may sarili ring dahilan si Andrew kung bakit ito nakipagsundo. Pero paano kung ang kasalang nagumpisa lang sa isang kasunduan ay nahulog sa pag-iibigan? Could she...
