RESTRICTED
"Nagmamadali ka yata, Chloe?" Tanong ni Shaira nang maabutan ako sa opisina na nagkukumahog sa pagligpit ng aking gamit.
"Dapat nga maaga akong umuwi ngayon eh. Pero ito nga at ginabi na dahil sa pag-oovertime. May usapan kasi kami ni Andrew." Sagot ko na hindi na inabalang tignan ang direksyon niya.
Fifth monthsarry kasi namin at gaya ng nakasanayan namin mula ng mag-second monthsarry kami ay hindi namin ito pinalalagpas ng hindi isini-celebrate. My plan was to take an under time to go home early but unexpected thing happen in the office. Hindi na nga ako nakapag-undertime nakapag-overtime pa ng wala sa plano.
I already called up to him that I might go home a little bit late, pero hindi ko akalaing hindi pala konti lang. I'm three hours late, damn!
Ang plano ay alas syete kami magdi-dinner sa condo pero heto nga at alas diyes na ng gabi ay nandito pa rin ako sa opisina.
"Naku, may plano ka pala ngayong gabi. Sumabay ka na siguro sa akin, pauwi na rin kasi ako at susunduin ako ngayon ng pinsan ko at may dalang kotse." Pag-aanyaya niya.
"Talaga? Okay lang ba?" Tanong ko na paninigurado.
"Oo, okay lang 'yan. Ako na ang bahalang magsabi. Doon din naman ang dadaanan namin papuntang bahay nila." Saad niya.
"Salamat, Shaira. Malaking tulong talaga." Nakangiti kong turan.
Coding kasi ako at kailangan ko pang mag-commute para umuwi. Sinabi ko rin kasi kay Andrew na hindi na niya ako kailangang sunduin na agad din naman niyang sinang-ayunan dahil siya ang nag-presenta para maghanda para sa aming selebrasyon.
It was exactly 10:40pm nang dumating kami sa building ng condo ni Andrew.
"Salamat talaga, Shaira." Saad ko matapos huminto ang sasakyan ng pinsan niya.
Nagpasalamat din ako sa kanyang pinsan na hindi mo rin kikitaan ng inis dahil sa ginawang favor ng pinsan na ihatid ako. Mabuti na nga lang at talagang do'n din ang daan nila kaya medyo nabawasan ang hiya ko sa pakikisabay sa kanila.
Matapos magpasalamat at pinaandar ang kotse papaalis ay lakad-takbo akong pumanhik ng building. Hindi ako natagalan sa pag-akyat sa condo ni Andrew dahil saktong pagkarating ko sa harap ng elevator ay bumukas ito at bakante.
Surprise was understatement of what I felt when I opened the door, the whole unit was decorated. Maraming pulang baloons, petals ang sahig at kapansin-pansin din ang mga de-kuryenteng ilaw na hugis kandila sa buong paligid.
"Andrew?" Pagtawag sa kanya ang agad na pumasok sa utak ko.
Walang sumagot at tatlong beses ko pang inulit ang pagtawag ng sa wakas ay nadala na ako ng sariling paa patungo sa maliit niyang kusina.
"Andrew, I-i'm sorry." That was the first sentence I uttered when I saw him.
Nanatili siyang nakaupo sa silya kaharap ng mesa na may isang sinding kandila at pagkain sa harap.
Gusto ko mang lumapit at yakapin siya habang humihingi ng tawad ay hindi ko magawa. Napako ang paa ko ilang hakbang mula sa kanya dahil sa pag-aalalang galit siya sa akin.
"Kumain ka na ba?" Malamig na boses niyang tanong. Nakatingin pa rin siya sa akin pero di ko kakikitaan ng pagbabago ng ekspresyon ang kanyang mukha.
"Oo, kumain ako ng konti no'ng alas otso." Pagsagot ko ng totoo.
I wanted to lie about it but there's something in his eyes that told me that I should not lie or else...
"Mabuti naman. Pumasok ka na sa kwarto at mag-shower. I'll just fix these things up and we'll go to sleep." Turan niya at tumayo na para umpisahan ang pagliligpit.
BINABASA MO ANG
Trapped In (COMPLETED)
General FictionWARNING: R18/SPG Chloe married her friend for personal reason. At katulad ni Chloe ay may sarili ring dahilan si Andrew kung bakit ito nakipagsundo. Pero paano kung ang kasalang nagumpisa lang sa isang kasunduan ay nahulog sa pag-iibigan? Could she...
