Chapter 9: Tattoo

73 2 0
                                    

9,

Haylie Tuazon

Nakaharap ako ngayon sa gate ng school na papasukan ko simula ngayong araw. Mga estudyanteng nagkakamustahan sa naging bakasyon nila at aakalain mo'ng mga normal pero hindi.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ng mahigpit ang strap ng backpack ko. Kinakabahan talaga ako lalo na at naiisip ko kung anong klaseng mga nilalang ang makakasalamuha ko.

"Are you planning to stand here forever?" iritadong puna ni Dark. Maging siya kasi ay na-stuck dito sa tapat ng gate kaya pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng dumdaan.

"Kinakabahan nga ako!"

"Kung ipapahalata mo na kinakabahan ka malalaman nilang tao ka."

Nilingon ko siya, "'Wag ka ngang mag-tagalog! Hindi mo bagay!"

He just laugh at me. Totoo naman ang creepy pakinggan. Dark speaking tagalog? Not his style.

"Psh. Why not? I'm a filipino."

"A filipino werewolf."

At naglakad na ako papasok. Bahala na kung ano man o sino ang mga makasalamuha ko nandito naman si Dark at siguro naman tanda niya pa iyong mga bilin ni Lady Betilda bago kami umalis ng bahay nila.

"Take a look of Haylie everytime."

"Don't you dare let her go somewhere without you."

"If something happen to her I'll cut your allowance."

That's only some of her rants. Kung magpaka-protective siya sa akin parang wala lang ang mga nangyari nitong nakaraan? Lalo na yung sinabi nila na werewolf daw ako. Nagpapatawa ba sila? Hindi ko rin alam kung bakit big deal yung oil na walang amoy.

"Saan ka ngayong first period?"

He just pointed the building infront of us. It is a five storey building at may sampung silid aralan. Yari ito sa mamahaling mga kagamitam at parang sinadya talaga.

"What floor?"

"3rd."

Ang tipid talagang sumagot. Siguro nung baby 'to hindi tinuruan ng nanay niya na mag A,B,C,D kaya ang tipid kung magsalita. Englishero pa! Nasa pilipinas naman sana. Napanguso ako. Hindi niya rin pala bagay mag-tagalog.

"You?"

Liningon ko siya at pagkatapos ay tinignan ang building sa kanang bahagi namin. It was a four storey building naman na may anim na classroom.

"There. 4th floor."

"Ihahatid muna kita."

Sinamaan ko siya ng tingin. Umangat ang sulok ng kaniya labi kaya lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

"What?" bakas ang pagkamangha sa tinig niya.

"I said don't speak tagalog!"

He silently laughed.

"Why not? Tara na nga."

Hindi na ako nakapalag ng akbayan niya ako at nagsimulang maglakad papunta sa building kung saan ang una ko ng subject.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante na nakakasalubong namin sa corridor. Ang iba ay binabati siya at ang iba ay masama ang tingin sa amin. Mapuputi ang mga estudyante dito siguro ay nasa dugo talaga ng pagiging werewolf ang maging maputi. Maputi rin ako gaya nila pero normal na tao naman ako.

"Why there are someone throwing you a dangerous look? Are you a camppus playboy or what?" bulon ko sakaniya.

Nasa pangatlong palapag na kami at malapit na sa classroom ko isang akyat nalang. Nasa bungad lamang kasi iyon.

Beyond Darkness | ✔Where stories live. Discover now