Chapter 12: Demand

60 3 1
                                    

12,

Haylie Tuazon

Pangalawang araw na ng pagpasok ko ngayon sa Grinders Academy at hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Lalo na at hindi ko sinipot yung prinsesa ng Nocuous pack at si Lady Betilda ang nagpakita.

Narinig ko pa silang nag-aaway ni Terravia dahil gusto nito na siya nalang ang magpakita. Kaso ayaw ni Lady Betilda dahil malaki ang galit nila sa isa't isa at maaaring makagawa lamang ng eskandalo at delikado 'yun para kay Terravia dahil nasa puder siya ng Nocuous pack kapag nagkataon.

"Here we go again."

Sinamaan ko ng tingin si Dark, "Sinabi ko ba na hintayin mo ako!?" sigaw ko.

Itinaas niya ang dalawa niyang kamay na simbol na sumusuko siya. Inirapan ko lang siya at binalil ang tingin sa Academy. Hanggang ngayon ay nasa tapat pa rin kami nito gaya ng nangyari kahapon.

"Male-late po ka-"

"'Wag sabing magtagalog,e!"

"Tsk. Okay,Madame."

Nagsimula na akong maglakad papasok at hinayaan siyang sumunod sa akin. Wala nang benda ang kamay ko dahil napatatuan na ako kanina at ang sakit! Akala ko pentel pen lamg ang ginamit dito pero mali pala ako. Totoong tattoo ito na sumisimbolo sa pagkakakilanlan kung sang grupo ka ng mga werewolf.

"I would rather leave you alone if I can." reklamo niya habang hinahabol ang mabilis ko'ng paghakbang na prang balewala rin dahil matanglad siya at lakad niya lang 'yung patakbo ko na.

"Bakit hindi mo gawin!?"

"I don't want to risk my allowance so I'd rather follow grandma's command."

"Takot ka pala."

Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil nakapasok na ako sa clasaroom ko. Sinalubong agad ako ng ngiti ni Veth.

Umupo ako sa tabi niya, "Kamusta?"

"Duh!? Ikaw ang dapat ko'ng tanungin niyan!"

"Huh? Bakit naman?"

She rolled her eyes, "Kalat na sa buong campus yung issue mo with Nocuous pack's princess."

"What the heck!?"

"Yes. And I want to tell you na matakot ka na,Haylie." sabay ngisi nito pero biglang nawala, "Ay oo nga pala. Mas lamang pa rin ang takot nila sayo."

Kumunot ang noo ko, "Bakit naman?"

"Tuazon ka,e."

Bago pa man ako sumagot ay dumating na ang Professor Mavhattan. At may kasalanan pa pala sa akin ang Dark Terrence na 'yun. Sabi niya Vigorous o Virtuous lang ang magiging propesor ko ngunit may nagmula naman sa Nocuous. Sisipain ko ang pinakatatago niya mamaya kaya humanda siya.

Hindi uso dito ang batian portion kada umaga kaya klase agad. Magaling naman magturo si Professor Mavhattan at hindi siya boring magturo lalo na at boring ang subject na ito.

I sigh.

"Excuse me,Mavhattan."

Sabay sabay naming nilingon ang pintuan. Isang lalaking matangkad,maputi at nakangisi ang nakita namin. Who is he?

"Ethan."

"Ethan?" tanong ko.

Seryoso akong tinignan ni Veth, "Joana's boyfriend."

"Sino si Joana?"

Inirapan niya ako bago umayos sa pagkakaupo.

"Nocuous pack's princess."

Beyond Darkness | ✔Where stories live. Discover now