Chapter 19: Don't you dare

61 1 0
                                    

19,

Haylie Tuazon

Mabilis ang sumunod na nangyari. Ang alam ko nalang ay tumatakbo kami ni Dark ngayon at humahanap ng mapagtataguan. Hindi ko kabisado ang mansyon pero siya ay mukhang kabisado naman ito.

Huminto siya at hinarap ako.

"You should leave!" he shouted at me.

Umiling ako ng sunod sunod. "No! I can't leave you alone!" I shouted back.

Tinitigan niya ako at kita ko ang pagod sa mga mata niya. Hingal na hingal siya at tumatagaktak ang pawis niya.

"Please Haylie. If they both caught us you know what will going to happen." pakikiusap niya.

"Yes! Alam ko ang mangyayari kaya nga ayaw kitang iwan!" naiiyak na sambit ko.

I can't leave him in this situation.

Marahan siyang pumikit habang hinahawakan ang pisngi ko. I held her hand that is touching my face.

"I'm begging you. Leave this place and never come back again. Promise me that you'll be safe."

"How abo-"

"Don't mind me. I can protect myself." he assured.

Dahan dahan niyang binitawan ang mukha ko at ginawaran ng halik ang noo ko. Is it a goodbye?

He look at me and smile.

Hanggang kailan ko ulit makikita ang mga ngiti na iyan?

Nawala ang atensyon ko sakaniya ng tumingin siya sa likuran ko at nakarinig kami ng mga alulong. They're here.

"Leave this place now!"

I follow what he wants and run as fast as I could.

Kung hindi lang sana ako lumabas ng hospital dito sa mansyon hindi sana mangyayari ito! It's all my fault!

When I was outside the mansion I throw a look at it.

Would I see him again? Or it will end here?

Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa kakahuyan. Malabo ang paningin ko dahil sa mga luhang patuloy na bumabagsak mula sa aking mga mata. Paano na si Dark? Ang sabi niya sakin mahal niya ako and I feel the same!

Binulong niya sa akin kanina ang maaaring mangyari kapag napasakamay na ako ng mga Delta pack.

"They will going to use you against us. At dahil alam nila na mahal na mahal ka ng lolo mo magagamit ka nila para isuko nito ang buong pack sakanila."

Kinuyom ko ang kamao ko at pilit na pinapalis ang mga luha sa mata ko. Hindi ako dapat maging mahina. Hinding hindi ko hahayaan na isuko ni Lolo sa kanila kung ano man ang pinaghirapan ng pamilya namin. Hindi ako dapat lang na tumakbo gaya ng bilin ni Dark.

Dapat akong tumulong. Pero hinding hindi ko hahayaan na mahuli nila ako. Hindi...

Naghanap ako ng posibleng pagtataguan pansamantala. Malayo sa kaguluhan na nasa harapan ng mansyon.

Umupo ako sa ugat ng isang puno na may katabing isang malaking halaman. Hindi ako makikita dito nasisigurado ko iyon.

"Where is she?"

Narinig ko ang tinig na yun kung saan. Tinalasan ko ang mga mata ko pero hindi ko makita kung sino ang nagsalita.

"In the room. I left her there. Siguro naman nahuli na siya ng mga yun."

Wait. Pamilyar ang tinig na yun.

Dahil may dahon sa itaas ng uluhan ko na nagsisilbing silong hinawi ko ito ng dahan dahan at tinignan ang itaas ng puno. Nakita ko ang pamilyar na kulay ng buhok at ang isang lalaking kausap nito. Bigla akong kinabahan. Nakita kaya nila ako?

Beyond Darkness | ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora