15,
Haylie Tuazon
Pinatay ni Lady Betilda ang makina ng sasakyan at naunang bumaba. Huminga ako ng malalim bago siya sinundan. Parang de jà vù ang nangyayari ngayon dahil ganitong ganito ang eksena nung una niya akong dinala sa kanila.
Dire-diretso lang siyang pumasok sa loob ng mansyon na kung hindi ako nagkakamali ay pag-aari ng lolo ko.
Nagdalawang isip ako kung susunod ba ako o ano at mukhang napansin niya iyon kaya lumingon siya sa likuran niya, "Follow me." she commanded. Napalunok ako.
Hindi ko natignan ng mabuti ang kabuuan ng mansyon dahl sa pinagsama-samang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Natutuwa ako na natatakot na kinakabahan na hindi ko malaman. Makikita ko ang lolo ko at ang aunt ko pero ang tanong,tatanggapin ba nila ako?
Si Auntie siguro oo dahil nung unang beses kaming nagkita ay galak na galak siya. E,si lolo? Sa mga napapanood ko pa namang werewolf movies kadalasan yung mga pinuno ng pack ay nakakatakot. Ganon kaya siya?
Lady Betilda stopped walking kaya huminto rin ako. Tinignan ko kung nasaan kami. Inilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng silid na ito. Puti ang pintura at may mga larawan na nakasabit sa dingding. Sa unahan ay may upuan at sa itaas nito ay may nakalagay na sign na 'Vigorous'.
Bumaba ang tingin ko sa matandang nakakunot ang noo na nakaupo. Hindi naman siya ganon katanda dahil kung tutuusin ay parang nasa mid-forties and late fifties siya. Maaga kaya siyang nag-asawa? Bata pa rin kasi si Dad.
"Alpha Hebrew," at nagbow si Lady Betilda. Nagulat ako at hindi alam ang gagawin kaya nanatili akong nakatayo ng tuwid.
Tinapunan ni Alpha si Lady Betilda bago inilipat ang tingin sa akin. Kunot ang kaniyang mga noo at parang inaalala kung sino ako. Hindi niya ako kilala? Sabagay,siya nga ay ngayon ko lang nakita.
Nawala ang mga guhit sa kaniyang noo at unti unting lumambot ang emosyon. Did he recognized who is me?
"Haylie..."
Gulat akong tumingin sakaniya. K-Kilala niya ako?
"Yes. She is your son's daughter." si Lady Betilda ang sumagot.
"How did you find her?" naguguluhang tanong ng Alpha.
"It's a long story."
Ngumiti ang emperor sa akin kaya ngumiti ako pabalik. Bigla siyang sumeryoso ng magtama ang tingin nila ni Lady Betilda.
Lady Betilda sighed then look at me, "You should go to your room."
"P-Po?" she didn't notice my question instead ay may sinenyasan siyan sa likuran namin. Tinignan ko mung sino yun at nakita ko ang dalawang malalaking lalaki na nakasuot ng suite. Sa kulay pa lamang ng balat nila ay malalaman mo na isa silang werewolf.
"Guide her."
Before I could react ay kimuha na nila ang mga bagahe ko at nagsimulang maglakad. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sakanila.
Hindi naman siguro nila ako sasaktan?
Sa paglalakad namin patungo sa kung saan man ang kwarto ko ay tinignan ko bawat larawan na makita ko. Pamilyar ang marami sa akin lalo na ang mga larawan ng dad ko maging ni Uncle Draco.
Napahinto pa ako ng makita ang larawan nilang pamilya. Nakangiti ng malawak si Auntie,si Dad naman ay sakto lang at si Uncle ay nakabusangot. Kasama nila ang mga magulang nila. Hindi pamilyar sa akin si Lolo at Lola kaya hindi ko sila kilala. Si Lolo nakita ko ngayon pero si Lola hindi pa.
Base sa larawan ay kasing-edad ko lang sila ng kinuha iyon. Napangiti ako ng mapakla. Namimiss ko na si Dad.
Naramdaman ko ang mga pares ng matang nakatingin sa akin at awtomatikong nilingon ko yung dalawang lalaki. Lumunok ako bago pilit na tumawa at sumunod sakanila. Nasa itaas na kasi sila at masiyado akong naaliw.
YOU ARE READING
Beyond Darkness | ✔
FantasyShe is the key to open the light that was hidden on the dark. She is the key for them to gain the peace. They're searching for her. And they will keep her away from those who want her. They both need her. But what if one day she'll wake up and every...