16,
Haylie Tuazon
Magdamag kong inisip yung training na sinabi ni Lolo. Sabi pa niya na 'wag ko daw aasahan na madali iyon dahil kailanman ay hindi naging madali ang pagiging isang werewolf.
“Argh!” frustrated na sigaw ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Paano kung hindi pala ako werewolf at false alarm lang yung mga nalaman ko? Paano kung normal na tao lang si Mommy at sakaniya ako nagmana?
Parang may light bulb na umilaw sa itaas ng ulo ko. Oo nga ano! Hindi ko naman alam kung werewolf ang mommy ko o hindi. Kaya may posibilidad na sakaniya ako nagmana. Oo,kamukha ko si Dad but it doesn't mean na nakuha ko lahat ng katangian niya.
Dahil sa naisip ko ay gumaan ang pakiramdam ko kaya naman nakatulog ako ng payapa.
But I was wrong. Hindi ko nagamit na excuse iyon. Dahil hindi ko pa man naitutuloy ang sasabihin ko ay nagsalita na si Auntie na ginatungan pa ni Lolo.
“You are wrong my dear.” my jaw literally dropped with what Auntie said,“Paano mo po nasabi yun?” tanong ko.
She smiled widely like she remember a unforgettable moment in her life, “I clearly remember pa nung time na naglalaro kaming tatlo nila kuya.” huminto siya para mag-visualize nung memory na yun sa utak niya, “Hindi pa kami pinapayagan nila Dad na lumabas ng boundary mg mansion kaya tumatakas kaming tatlo ng patago.” humagkhik siya at napangiti naman si Lolo.
“Habang naglalakad kami papunta sa parke nakasalubong namin ang Mommy mo na umiiyak sa tabing kalsada. Hindi na nagpapigil ang dad mo at nilapitan na siya. Nung una hindi makalapit si Kuya dahil biglang naging dilaw ang mata ng mom at ipinapahiwatig lang na magt-transform na siya.”
Tumikhim si lolo at tumango, “A little werewolves can't control theirselves so that explain why.”
“So I am a werewolf po talaga?” tumango silang dalawa ng sabay. Ngumisi naman si Aunt at hindi ko gusto ko ang ibig sabihin 'nun kaya napalunok ako. “And you're training will start today.”
Kung hindi ka nga naman minamalas. Bakit pa nataon na wala kaming klase ngayon?
“Per—”
“No buts.”
Fine. Bahala na. Nakakairita naman bakit ba kasi kailangan pa nito? Binabawi ko na hindi na ako excited mag-transform ng anyo. Ayos na ako sa pagiging tao tutal maganda naman ako.
“Ako lang po ba mag-isa ang magt-training?”
“Yep. Pero magpapadala kami ng magbabantay sayo. Mahirap na dahil baka kung ano pa ang maggawa mo.” sabi ni Aunt. Ako pa talaga,huh?
Biglang pumasok sa isipan ko yung kambal. Pano kaya kung sila nalang yung magbantay sa akin? Tutal kilala ko naman na sila. At ms maganda na rin yun para araw araw kaming magkita kung araw araw man may training. Pero sana hindi naman.
“May kakilala po ako na pwedeng magbantay sakin.” sambit ko. “Sino?” kunot-noong tanong ni Lolo. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago nagsalita muli, “Pwede po ba na yung kambal na apo na lang ni Lady Betilda?” hindi siya agad sumagot kaya dinugtungan ko na kaagad, “Sila lang po kasi ang kilala ko at mapagkakatiwalaan ko.”
Umangat ang sulok ng kaniyang labi bago tumango. Para saan namn kaya ang pagngiti niya?
“Sige. Ipapatawag ko na sila ngayon din.” nanlaki ang mata ko, “Magsisimula na po kaagad!?” tumaas ang boses ko dahil sa gulat kaya napahalkhak silang pareho. “Kaagad.” ulit ni Auntie sa huli kong sinabi.
Hindi dapat ako mag-alala kasi hindi naman nila ako pababayaan,right? Hindi nga ba?
--
Mag-isa akong nandito sa training room na tinatawag nila. Parte ito ng mansyon at nasa loob lang din pero nasa bangdang ilalim nga lang. Naisip ko,marami pa sigurong mga lugar dito sa mansyon ang hindi ko alam. Mag-eexplore ako minsan.
ESTÁS LEYENDO
Beyond Darkness | ✔
FantasíaShe is the key to open the light that was hidden on the dark. She is the key for them to gain the peace. They're searching for her. And they will keep her away from those who want her. They both need her. But what if one day she'll wake up and every...