Chapter 18: Empty Room

82 4 3
                                    

18,

Haylie Tuazon

Hindi ko alam na sa pagmulat kong muli ng mga mata ko ay may kahaharapin akong malaking responsibilidad....

“Haylie's awake!” rinig kong sigaw ng isang babae.

Unti unti akong naupo ngubit ramdam ko ang pagkirot ng tagiliran ko kaya agad akong napahawak doon at napadaing. Saan ko naman ba ito nakuha?

Pinilit ko na alalahanin ang mga nangyari. Hanggang sa maalala ko ang naging paghaharap namin ni Terravia sa training room.

“'Wag po muna kayong kumilos. Baka lalong mainpeksyon ang sugat niyo.” malamunay na tinig ng isa pang babae. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka-puti siya. Isa siyang nurse.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto at puro puti ang nakita ko. May mga aparato na tumutunog na nakakabit sa akin. Hindi ko alam kung para saan. Paglingon ko sa bintana papalubog na ang araw kaya nag-aagaw na ang kahel at asul sa kalangitan.

“Nasaan ako? Anong nangyari?”

“Nasa ospital po kayo sa mansyon.”

“Nasaan si Aunt at Lolo?”

Bigla siyang napaiwas ng tingin sa akin. Inalalayan niya ako para makaupo at tyaka siya yumuko na parang nagpapaalam.

“Tawagin niyo na lamang po ako kung may kailangan kayo.” iniwan niya ako ng hindi sinasagot ang katanungan ko.

Pakiramdam ko ay may mali. Sinuri ko ang sarili ko. Bukod sa nararamdaman kong kirot sa tagiliran ko parang may ibang nangyari sa sarili ko. Hindi ko lang matukoy kung ano iyon.

Bumukas ang pintuan ng silid at bumungad sakin ang hindi pamilyarbna mukha. Hindi ko siya kilala sigurado ako do'n. Ngayon ko lang siya nakita. Matangkad na babae,maputing maputi,may mahabang malapit sa berdeng kulay buhok,mga matang akala mo ay laging may pinapsang problema.

“Glad you're awake.”

“Sino ka?”

Ngumisi siya sa tanong ko at naglakad papalapit sa paanan ng kama kun nasaan ako ngayon.

“Just call me Grendy.”

“Bakit ako nandito? Nasaan sila Auntie? Si Lolo?”

Umiling iling siya na parang ayaw sagutin ang tanong ko. Ano ba ang problema nila?

“Answer me. I'm begging you.”

Nawala ang ngisi niya at bumalik ang kaninang mukha niya na nakita ko pagkapasok niya.

“I c-can't answer you right now. But I assure you that they are in a good condition. No need to worry.”

Hindi ako nakumbinsi sa sinagot niya, “Sila Dark at Terravia?”

Huminga siya ng malalim, “They're coming.”

Eksaktong pagkasabi niya ay bumukas ang pintuan at dire-diretsong pumasok si Dark at walang pasabing niyakap ako. Nabigla ako kaya hindi ako kaagd nakapag-react.

“I told you dear brother. Haylie is doing good.”

Humiwalay si Dark sa pagkakayakap sa akin kaya ako naman ay tinignan si Teravia na may nagtatanong na mga mata. Nakuha niya naman na naguguluhan ako kaya lumapit siya. Sana naman sabihin niya kung anong nangyayari dahil naguguluhan na ako.

“You are sleeping for almost two months.” napanganga ako. Paanong nangyari 'yun? “Matapos ng laban natin ay lumabas ka. Nakita ka ni Dark at nawalan ka ng malay. Dinala ka niya dito at akala namin napagod ka lang pero nagtaka kami na umabot na ang dalawang araw hindi ka pa gumigising.”

Beyond Darkness | ✔Where stories live. Discover now