Chapter 20: Draco

64 2 0
                                    

20,

Haylie Tuazon

“Hoy gumising ka!” naramdaman ko na may tumatapik sa pisngi ko habang sinasabi ang mga salitang 'yun.

“Ano ba ang ginawa mo dito at ang tagal magising?”

Minulat ko ang mga mata ko. Nanlalabo pa ito kaya pumikit akong muli at tyaka nagmulat. Nakataling mga paa at parehong kamay. Nakatayo ako at ang aking dalawang kamay ay nakatali ng kadena.

“O! Gising kana!”

Hindi ko kilala ang lalaking 'to. Pero isa lang ang masasabi ko. Masama rin siya.

Pinukulan ko ng masamang tingin si Markus at ngisi lang ang ipinakita niya. Napaka-walang hiya niya.

“Pakawalan niyo ko!” sigaw ko.

“You're not scared? Impresive.” malayong sagot niya.

“Ano ba ang kailangan niyo sakin!? Sa amin!?”

Bumaling siya sa kasama niya,“Should we call Alpha?” nagkibit balikat ang kasama niya kaya muli itong tumingin sa akin,“You'll know once the Alpha is here.”

“Shut her up she's so loud.”

“Sige,Markus.”

Kumuha ng panyo ang kasama niya at itinali sa bibig ko. Sinubukan ko pa ri'ng sumigaw pero hindi naman maintindihan ang mga sinsabi ko kaya sa huli ay ako rin ang napagod.

Ang cliché ng nangyayari sakin. Sa movies ko lang 'to napapanood at hindi ko akalaon na mangyayari sakin 'to. Uso rin pala sa mga werewolf ang kidnapping.

Talagang nagawa mo pa'ng magbiro,Haylie?

Napailing nalang ako sa isip ko. Hindi man lang ako pinaupo. Tsk.

Ilang minuto ang lumipas ng biglang bumukas ang pintuan na dalawahan at nakita ko kaagad ang seryosong mukha ni Uncle Draco. At nang magtama ang paningin namin ay kaagad siyang ngumisi na naghatid ng kilabot sa buong katawan ko.

Maraming nakasunod sakaniya sa pagpasok niya. Hindi ko ito kilala at sigurado ako na ngayon ko lang sila nakita.

“How are you my dear Haylie?”

Sira na ba ang ulo niya? Paano ako sasagot gayong may nakatapal sa bibig ko?

“Markus.” lumapit ito sakaniya, “Removed the handkerchief on her mouth.”

Tumango si Markus at nagtungo sa akin tyaka tinanggal ang tapal sa bibig ko.

“What do you need?” mahinahon kong tanong.

Uncle Draco smirked, “You.” nagtataka ko siyang tinignan, “Why? I mean why me?” Ano ba ang kinalaman ko? Gusto ko pa sanang idugtong.

“You don't know until now?”

Hindi amo umimik.

“You don't know that my betrayal started because of you?!” dumilim ang mukha ni Uncle at naging matalim ang mga titig niya. Parang biglang nag-iba ang emosyon niya.

Pumikit siya ng mariin at bumaling sa mga tauhan niya, “All of you except Markus and Teydus may leave.”

Hindi na nakaapila pa ang mga tauhan niya dahil ramdam nito ang galit sa tinig ni Uncle. Bigla akong nanlambot. Wala akong ideya sa mga pinagsasasabi niya.

Nakayuko lang si Teydus at Markus sa isang gilid habang nanatili sa unahan ko si Uncle.

“Your father,” madiin niyang sambit, “I can't forget the time when he first betrayed me.”

Ano ang ibig niyang sabihin?

“Ako dapat ang pinakasalan ni Helena. Ako dapat ang mamumuno sa buong pack sa takdang panahon ng magbitiw si Ama pero hindi iyon nangyari!”

Kinuyom niya ang kamao niya at tumingin sa  kanang pader nang may nag-aalab na galit ang mga mata.

“Dahil lang sa isang gabing 'yun nagbago ang lahat. Ang mga dapat ay para sa akin ay napunta sakaniya.”

“A-Ano ang ibig m-mong sabihin?”

Sa pagkakaalam ko ay si Uncle Draco ang pinaka pinag kakatiwalaan ni Dad kaya dito niya ko binilin ng mamatay sila ni Mom. Pero ano ang ibig sabihin ni Uncle? Naguguluhan ako.

He smirked, “Araw ng kasal namin ni Helena noon at pagpapatibay sa akin bilang susunod na mamumuno sa aming pack nang puntahan ako ni Daniel at sinabi na kailangan niya ng tulong ko,

“Bilang kapatid ay handa akong tulungan siya kaya sumama ako sakaniya. Pero hindi ko alam na sa aming dalawa siya ang magtatraydor sakin.”

Nakita ko ang pagpatak ng luha mula sa mata ni Uncle. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang pakinggan ang kwento niya.

“And I didn't expect what I see.” bumaling siya sakin, “Do you have any guess of what I saw?”

Nag-iwas ako ng tingin. Kahit na masama siya at handa siyang saktan ako at ang pamilya niya hindi ko pa rin kayang titigan ang mga mata niya. Puno ito ng sakit at hinagpis.

“I saw Helena kissing my brother! On the day of our wedding! And I found myself crying and pleading for her to tell me that she didn't mean it and I'll accept her explanation and apology because I love her! Pero ano?! Iginiit niya at sinabi na hindi niya na ako mahal! Na si Daniel ang mahal niya simula pa lang at napilitan lang siya na magpanggap na ako ang mahal niya!”

“Nawala sakin lahat. Lahat lahat. Ang babaeng pinakamamahal ko,ang pagiging susunod na pinuno ng pack at higit sa lahat ang pinakapinagkakatiwalaan kong kapatid.”

Sandali kong tinitigan si Uncle hanggang sa unti unting nagbago ang emosyon sa mukha niya. Ang kaninang malungkot at may hapis ay napalitan ng galit at paghihiganti.

His flaming eyes eyed me and I can sense the danger coming.

Marahas siyang lumapit sakin at hinawakan ako sa leeg. Hindi ko magawang pigilan siya dahil sa mga kamay ko na nakakadenang pareho.

“You! You are the reason why Helena didn't marry me!”

“H-Hindi k-ko alam a-ang i-ibig mong s-sabihin...” pilit kong sagot.

Nahihirapan na akong huminga at pahigpit ng pahigpit ang pagkakasakal niya sakin.

“Kung hindi sana nagbunga ang kataksilan nilang dalawa ako dapat ang papakasalan niya at hindi ang ama mo!”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.

Bunga ng kataksilan... Nagmamahalan ba talaga si Mommy ar Daddy? O napilitan lang sila na magsama dahil sa akin?

Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung ano pa ang uunahin ko. Marami pa akong katanungan na hindi nabibigyan ng mga kasagutan at ito na naman may bago na naman akong nalaman.

“You heard it right?! Your Mom married your Dad because of you! But she didn't love your dad. She loves me! But they forced her to marry your Dad instead of me! Dahil kahihiyan yun sa pamilya namin!”

“Kaya dahil sayo nagtaksil ako. Nang isilang ka sa mundong 'to maraming nagbago. Kaya ikaw ang susi ng kapayapaan,

Susi ng kapayapaan parang alam ko kung ano ipinapahiwatig niya...

“Kapag namatay ka matatapos ang gulo sa pagitan ng mga pack.”

After hearing that from Uncle I wish he'll kill me now. Unti-unti na ri'ng nanghihina ang katawan ko. Hindi na ako makahinga.

“And for that to happen I'll kill you now.”

I close my eyes silently praying to save everyone whose fighting for their lives. If my death will means a peaceful life for them. Then I will die willingly.

--*

Beyond Darkness | ✔Where stories live. Discover now