Chapter 24: Final Countdown

50 1 0
                                    

24,

Haylie Tuazon

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Ramdam ko ang kirot ng mga sugat ko. The last time I remember Uncle shot me and get some of my blood. Para saan? Hindi ko alam.

“Shall we help, Acrius outside?”

Tinig 'yun ni Joana kung hindi ako nagkakamali. I groaned for them to notice that I'm awake. Buong akala ko katapusan ko na kanina. Kung hindi dumating sila Dark sigurado ako na....na tatapusin na ako ni Uncle.

Para akong binuhusan ng tubig sa naalala ko. Ang huling pagkakaalam ko bago ako tuluyang naealan ng malay ay nakikipaglaban siya kay Uncle. Hindi kaya.....

“Oh my gosh,Haylie! You're awake!”

“Stay put Joana! Don't be hysterical!” saway ni Ethan sa syota niya.

Sinubukan kong maupo ngunit agad akong nakaramdam ng kirot at napadaing.

“Don't move. Sariwa pa ang mga sugat mo.” sabi ng isang hindi ko kilala.

“Danny is right,Hails. Mahiga kana lang.”

“Si Dark?”

Nagkatinginan silang dalawa. Nangangamba kung sasabihin ba nila sa akin kung nasaan si Dark.

“Where is he?” tanong kong muli.

Nararamdaman ko na may masamang mangyayari. May mangyayaring hindi maganda kay Dark. Sana mali ang kutob ko....

“S-Sumugod sila sa kastilyo ng Noxious.”

Nanlaki ang mata ko. No!

“H-Hindi 'to pwede! Masama ang kutob ko! May mangyayaring hindi maganda mapapahamak sila!”

“Huminahon ka Haylie kasama niya si Light at ang iba pa.”

Kahit na pinapagaan ni Ethan ang loob ko ay nangangamba pa rin ako. Kailangan kong puntahan si Dark. Kailangan kong makapunta kung nasaan sila.

Inilibot ko ang paningin ko. Mga pawang kasamahan naming sugatan ang nandito sa silid na'to. Hindi ko alam kung nasaan kami. At kung ipapaalam ko sakanila na susunod ako ay paniguradong hindi nila ako papayagan dahil sa kondisyon ko.

“What time is it?”

Nagtatakang tinignan ako ni Joana dahil sa tanong ko pero sinagot niya rin, “9:45 pm.”

“The moon?”

“What?”

“Full moon.” si Ethan ang nagbigay ng sagot dahil hindi na-gets ni Joana.

Napatango ako at napapikit ng mariin.

I need to wait before the sun rise. At mayro'n akong apat na oras mahigit.

Bahala na.

--

Tahimik na sa buong silid. Halos lahat ay natutulog ng mahimbing maliban sa mga bantay na nasa labas. Sila Acrius.

Dahan dahan akong bumangon kahit ba kumikirot pa ang parte kung saan ako tinamaan ng bala kanina. Kahit na gano'n kailangan ko pa rin ituloy ang plano ko. Nararamdaman ko talaga na nasa panganib ang mga kasamahan namin.

Isinuot ko ang sapatos ni Joana dahil duguan an sapatos ko. Kumuha ako ng jacket na nasa lamesa at isinuot ito. Isinuksok ko sa kukote ko na isa akong werewolf kaya wala akong dapat na ikatakot.

Dahan dahan akong naglakad patungo sa pintuan. Binuksan ko ito at nakalikha ito ng nakakairitang ingay kaya agad akong kinabahan.

Nilingon ko ang mga natutulog at ni isa kanila ay walang nagising. Napabuga ako ng hangin sa kawalan. Muntik na.

Beyond Darkness | ✔Where stories live. Discover now