Chapter 13: Fight

68 2 0
                                    

13,

Haylie Tuazon

"I want this,and this,and this also,and oh! This also!" I rolled my eyes. "How much lahat?"

"1,235 pesos po."

Naglabas ng two thousand cash si Ethan George,yung boyfriend ni Joana mula sa wallet niya at iniabot sa cashier. Ang dami kasi ng pinag-tuturo nitong si Joana at aakalain mo'ng ilang taong hindi kumain.

"Are you going to eat all of that?" kahit itong si George ay nagtataka.

"Yep! And you two will join me!" sabay palakpak.

Bakit ganon? Ang first impression ko sa babaing ito ay masungit at mataray. Pero mali ako. Ang isip bata niya pala. Bakit iba ang ipinapakita niya sa mga nasa school? Napailing nalang ako,wala akong pakialam.

Kasalukuyan akong naipit dito kasama sila sa may cafeteria. Hindi ko napasukan ang first subject ko dahil an rin sa kagagawa ng dalawang ito. At wala naman iyong problema sa mga propesor ko dahil nga may batas na sinusunod dito sa Grinders Academy para mapanatili ang kapayapaan ng bawat pack.

Napalingon ako kay Dark na nasa pwesto kung nasaan kami kahapon kumain. He's throwing me a dagger look na parang may utang akong eksplenasyon sakaniya. Pero kahit hindi ko sabihin alam ko na malalaman niya.

Nagtama ang mga mata namim at mas lalo niya akong sinamaan ng tingin. Sinamaan ko rin siya ng tingin dahil hinding hindi ako magpapatinag.

Naputol lang iyon ng may humarang sa gitna ng pagtitigan namin. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang isang babaeng may mahaba at kulot na buhok na kulay pink sa dulo. Nakaangat ang kanang kilay at naka-ekis ang mga braso.

Sino naman ang isang ito?

"Uy! Charlotte!"

I sigh. Kakilala ni Joana so ibig sabihin ka-pack niya ang mga ito.

"Hey,Joan. Who's this girl? Tranferee?" at tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. Ayaw na ayaw ko ng mga ganitong eksena.

"Yes. She's Haylie. Haylie Tuazon." pinagdiinan ni Joana ang apelyido ko at biglang namutla ang babae. Kahit na maputi siya at mapupula ang mga labi halata pa rin talaga kapag namumutla.

"O-Okay." at umalis na siya.

Anong ganap 'nun?

"A friend of mine."

Napatingin ako kay Joana ng magsalita. Kaibigan niya naman pala,e. Bakit hindi pa sumabay sa amin sa pagkain?

Dumating na yung gabundok na inorder ni Joana. Nagsimula siyang lagyan ang plato ng boyfriend niya at naghalikan pa sila sa harapan ko. Nag-iwas nalang ako ng tingin.

Bago niya pa malagyan ang plato ko ay may tumabi sa akin at umakbay. Tinignan ko kung sino iyon at sinalubong ako ng nakangising Dark Terrence Limaco.

"Dark!" Joana exclaimed. Tinanguan lang siya ni Dark.

"Join us." aya sakaniya ni George.

Hindi na siya tumanggi at kumuha ng plato niya. Una niyang nilagyan ang sa akin at sunod ang sakaniya. Mabuti nalang at kaunti lang ang inilagay niya dahil on diet ako.

"Akala ko ba magkasanib pwersa ang Nocuous at Noxious ? E,bakit parang close naman kayo?" pasimple kong bulong sakaniya.

Nagkibit balikat siya. Nice answer. Napairap ako.

"I don't know that you two are close."

Pinunasan ko ang bibig ko at uminom ng softdrink bago binalingan si Joana.

Beyond Darkness | ✔Where stories live. Discover now