Episode 1: First Sight

54 1 0
                                    

(Viennice's POV)

"Ano na naman nangyari sayo?," tanong ni Cass sa kin. Bestfriend ko.

"Nagbreak na kami ni - hwa.....~," putol kong sagot at bigla na lang umiyak nang sobrang lakas.

"Hoy umayos ka nga. Pinagtitinginan ka oh," sita niya sa akin pero mas umiyak pa ko at sinubsob ang ulo ko sa mesa. Pinagpapalo ko din ang mesa.

"Vie alam mo ang oa mo na. May kayo ba nung Xander? Pagkakaalam ko di ka nililigawan nun ah," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Nagpaawa face ako.

"Ok ok crush mo siya kaya masakit sa yong may girlfriend na siya. Ok cge iiyak mo lang yan." Sinubsob ko ulit ang ulo ko sa mesa. Bakit ba kasi may girlfriend ka na Xander? Bakit hindi ako? Kaya ko namang ibigay sayo ang lahat kahit ang -. Opps maliban pala dun. Pero bakit? Pinagsisipa ko naman ang ilalim nang mesa.

"Ahm Vie tara na baka hinahanap na tayo sa office. Tapos na yung break time natin."
Nag angat naman ako nang ulo. Napansin kong sakin nakatingin ang lahat. Sa sobrang hiya ay tinakpan ko nang buhok ko ang mukha ko.

"Cass balik na tayo," sabi ko sa kanya at inabutan niya ako nang tissue at salamin.

"Ayusin mo yang sarili mo. Talo mo pa ang baliw sa gulo nang buhok at mukha mo."

Agad naman akong nag ayos at nang matapos ay bumalik na kami sa office. Event organizer kami ni Cass.

"JC and JV, come here," tawag sa min ni Maam Aira. Agad naman kaming lumapit sa kanya.

"You two, puntahan niyo si Mrs. Arevalo nang Wear Me and tell her na kailangan natin ang final schedule ng event niya and take also the final list of her guest."

"Maam bakit po kami?"

"Dahil kayo ang nakita ko. Bakit may problema ba?"

"Ahm wala naman po maam. Sige po alis na po kami maam," sagot ko at sabay kaming naglakad ni Cass palabas nang office.

"Vie kaya mo na yan," sabi agad sa kin ni Cass.

"No mas matapang ka sa kin so you better go," sabi ko rin sa kanya.

"Di ko kaya Vie. Siya lang ata ang kinakatakutan ko."

"Ok ganito na lang. We both go. Tara."

"Ok lets go."

Napakataray kasi ni Mrs. Arevalo. Yung boses niya nakakatakot. Galit siya sa mga tatanga tanga. Nang makarating sa shop ni Mrs. Arevalo ay nagtulakan ulit kami ni Cass kung sinong unang papasok. Dahil mas matapang siya ay nauna siyang pumasok at nasa likod niya lang ako. Nagtitiptoe kami habang naglalakad at nagpalingon lingon na para bang may hinahanap na multo. Napasigaw naman kami nang may biglang nagsalita. Napahawak na lang ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Titigilan ko siguro muna ang pag inom nang kape.

"Ano pong kailangan niyo maam," tanong sa min nung assistant ni Mrs. Arevalo.

"Ahm were from Good Events maam. I am JC and this is JV. Nanjan po ba si Mrs. Arevalo?," tanong din sa kanya ni Cass.

"Umalis lang siya saglit but she will be back soon."

"Ah ganun po ba. Were just going to wait for her."

"Ok po. Do you need anything?"

"No. Its okay. Thank you."

Iniwan niya naman kami.

"Meged Vie, muntik na kong atakihin kanina."

"Sinabi mo pa. Akala ko nga lumabas na yung puso ko sa dibdib ko."

Napatingin naman kami sa mga dresses na nakahelera sa harap namin.

"Ang galing talaga ni Mrs. Arevalo magdesign ng mga dresses. Its really amazing."

"Yeah. I hope masuot ko rin yan soon."

"Nangangarap ka na naman Vie. You can wake up now."

"Mahal din kasi nang mga yan eh. Hay matagal pa ba siya?"

Bumalik naman sa amin ang assistant ni Mrs. Arevalo.

"Excuse me maam. Medyo matatagalan pa po si Mrs. Arevalo bago bumalik. Ano po ba ang kailangan niyo?"

"Ah were here for the final schedule of her event and the final guest list."

"Ok po. I'll get it."

Matapos maexplain samin ang finalization ng event ay nagpaalam na kami. Nang makalabas at naghihintay nang taxi ay may dumating namang van na pumark sa shop ni Mrs. Arevalo. Bumaba ang isang lalaki at nagtanggal nang shades niya. OMG, sobrang hot and gwapo niya. Napatingin naman siya sa akin pero hindi nakangiti kundi galit ang mukha. Ang sama nang tingin sa kin. Parang gusto akong patayin. Napahawak na lang ako sa braso ni Cass. Ano ba naman yan. Member ba siya nang terorista? Bakit ganun siya makatingin? Bawal ba siyang tingnan? Ang gwapo naman niyang killer.

"Anong nangyari sayo?," tanong sa kin ni Cass nang makasakay kami nang taxi. Nakita ko namang pumasok siya nang shop ni Mrs. Arevalo.

"Wala. Nakakita lang ako nang male version ni Mrs. Arevalo."

Book 2: Afraid to Fall in LoveWhere stories live. Discover now