(V's POV)
Madaling araw ang flight ko pabalik ng Korea. Sinundo naman agad ako ni Ji Young sa airport at dumiretso na kami sa Daegu. 10 am din kasi ang kasal niya. Nang dumating kami sa venue ay dumiretso ako sa kwarto kung saan siya nakastay. Nang makapasok ako ay nagulat siya nang ako ang makita niya.
"Anong ginagawa mo dito V?," agad niyang tanong sa akin. Lumapit naman ako sa kanya.
"Wag kang mag alala, wala akong gagawin sa kasal mo. Nandito ako to finally say goodbye to you. I hope maging masaya ka, yun lang naman ang gusto ko para sayo. Best wishes para sa inyo ni L," sabi ko sa kanya at bigla na lang siyang umiyak.
"Thank you V for letting me go. I know you will find the right woman who can be with you forever. I am really sorry for hurting you."
"Don't cry. Baka pumangit ka sa kasal mo." Napatawa naman kami pareho.
"V? Can we still be friends?"
"Yes. Of course. You're still my friend."
"Thank you."
"I need to go now. Baka marami pang gusto kang makita."
"You can stay until the reception."
"No. Its okay. Pupuntahan ko pa si Grandma. Best wishes again Lhianna."
"Thank you ulit for everything Taehyung. Hope to see you soon with your wife."
"Soon. Alis na ako. Goodbye," sabi ko at nginitian siya. Pagkalabas ko ng kwarto niya ay napahawak ako sa dibdib ko. Finally I let her go. Finally I have the courage to let her go. Dumaan naman ako kina Grandma bago pumunta ng dorm.
"Halmoni," pacute kong bati kay lola nang pagbuksan niya ako nang pinto. Agad ko naman siyang niyakap.
"Taehyung, apo."
"Halmoni. I miss you po. Si Haraboji?"
"Nasa loob. Halika at may niluto ako."
Kinuwento ko sa kanila ang nangyari at masaya sila para sa akin na naging matapang ako. Nagstay pa ako dun nang ilang oras. Mamayang four pa din naman ang flight ko papuntang Pilipinas.
(Viennice's POV)
Si Kristine ang kasama ko ngayon sa pag iinterview. Naiinis nga ako dahil sobrang pabida yun naman pala hindi alam kung ano ang about sa event dahil di niya binasa ang papers bago kami umalis. Yan tuloy imbes na makatulong siya sa akin, ako pa din pala ang gagawa nang lahat. Matapos mainterview ang lahat ay nafinalize na namin ang sampung models.
"Nasaan nga pala yung documents nang naunang models natin Kristine?"
"Documents? What do you mean?"
"Don't tell me di mo nadala?"
"I didn't bring any documents with me."
"I told you to bring it with you para di na tayo bumalik nang office yet kahit yun di mo nadala?"
Medyo napalakas na ang boses ko sa sobrang inis. Pagod na nga ako dahil ako na halos ang gumawa ng lahat na dapat tinutulungan niya ako."I am sorry. I think I forgot to bring it." Napasapo na lang ako sa noo ko. Wala din naman akong magagawa dahil nangyari na.
"Ok. I am sorry kong medyo napasigaw ako. Pagod lang ako. You can go now. Ako na lang kukuha sa office."
"Sorry ulit Viennice. Its my fault. Ako na lang kukuha sa office."
"No. Ako na. Magkita na lang tayo sa lunes."
Di ko na hinintay na makasagot siya. Agad na akong umalis at nagtungo sa office. Nang makapasok ay sa area ko lang din ulit ang pinailaw ko. Hinanap ko naman ang documents sa table ko pero di ko ito nakita kaya pinuntahan ko ang table ni Kristine at nakita doon. Nilalagay ko na sa envelope ko ang documents nang may bumukas nang pinto. Di ko kasi nilock yun dahil lalabas din naman ako agad. Pagkatingin ko sa may pinto ay nakita ko ang isang nakaitim na lalaki.
"Sino ka? Anong kailangan mo?," tanong ko habang kinakabahan na.
"Sa wakas natyimpuhan din kitang mag isa," sabi niya habang papalapit sa akin. Nakakatakot ang boses niya. Lumabas naman ako sa cubicle ko at tumakbo nang makitang malapit na siya. Hinabol naman niya ako. Nagpaikot ikot lang ako sa mga cubicle.
"Wag ka nang pumalag Ms. Beautiful. Mahuhuli din kita," manyak niyang sabi sa akin kaya mas kinabahan ako. Lord tulungan niyo po ako. Napatakbo naman ako nang bigla siyang tumakbo papunta sa akin. Dahil madilim sa ibang area ay nababangga ako sa mga boxes na nasa gilid nang daan hanggang sa matapilok ako at matumba. Tumawa tawa naman siya nang makalapit na sa akin. Umatras atras naman ako hanggang mahawakan niya ang paa ko. Nasipa ko naman siya kaya napatumba siya paatras. Pinilit ko namang makatayo at paika ikang naglakad.
"Tulong! Tulungan niyo ko!," sigaw ko habang papunta sa may pinto ngunit agad niya akong naabutan at tinulak ako sa may pinto kaya nauntog ang ulo ko sa pader at natumba. Nakita ko pa siyang tumawa na papalapit na sa akin. Medyo nahihilo na ako kaya napapikit na lang ako at nagdasal hanggat sa di ko na alam ang nangyari.
![](https://img.wattpad.com/cover/123934682-288-k94094.jpg)
YOU ARE READING
Book 2: Afraid to Fall in Love
FanfictionCast: Kim Taehyung Jannea Viennice Atienza It is about V who can't move on and afraid to fall again because of his past relationship and Viennice who falls in love easily and ready to risk anything for the one she loves. What will happened if Vienni...