(V's POV)
Nang makababa sa taxi ay nagulat ako kung bakit sa isang resto bar sila nagpunta kaya agad akong pumasok. Nakita ko naman agad si Viennice na nakatulog na sa mesa.
"Bakit kayo nandito?," agad kong tanong kay Kento.
"Itanong mo sa kanya bukas pag di na siya lasing. Sige alis na ako. Kaw na maghatid sa kanya," sagot niya at iniwan kami.
"Viennice. Viennice gising," sabi ko naman sa kanya habang tinatapik tapik siya.
"Oh... Wow..Nananaginip ba ako? Bakit nandito ang taong ma-," sabi niya nang magmulat ngunit agad din natulog ulit.
"Viennice umuwi na tayo," yugyog ko sa kanya. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinawakan ang mukha ko. Dahan dahan niyang nilalapit ang mukha niya sa akin nang bigla na lang bumagsak sa balikat ko ang ulo niya. Napabuga na lang ako nang hangin. Medyo kinabahan ako dun. Akala ko hahalikan niya ako. Kinuha ko na lang ang bag niya at binuhat siya palabas ng resto bar. Pumara ako nang taxi at nagpahatid sa kanila.
"Suplado mo," bigla na lang niyang nasabi nang nasa byahe kami. Nakasandal siya sa balikat ko kaya rinig na rinig ko.
"Suplado mo," ulit niya. Sino bang tinutukoy niya.
Si tita ang nagbukas sa amin nang makarating kami. Binuhat ko siya hanggang sa kwarto niya at inihiga siya. Kinumutan naman siya ni tita.
"Thank you V sa paghatid sa kanya."
"Ok lang po tita. Sige po mauna na po ako."
"Sige. Mag ingat ka. Thank you ulit."
(Pagkaalis ni V ay umakyat ulit ang mama niya sa kwarto ni Viennice.
"V saranghae," rinig niyang sabi ni Viennice habang tulog pa din. Paulit ulit niyang sinabi ito hanggang makatulog siya nang tuluyan.)
(Viennice's POV)
Nagising ako nang maramdaman ang sakit ng ulo ko. Agad akong napabangon at napahawak sa ulo ko.
"Anak. Mabuti naman gising ka na. Nagluto ako nang sopas para sayo. Bakit ka ba kasi naglasing kagabi?"
"Sino pong naghatid sa akin mama?"
"Sino pa nga ba eh di si V. Nakakahiya na dun sa tao. Ang dami na niyang naitulong sa atin."
"Po?"
Napatayo naman agad ako. Bakit si V ang naghatid sa akin eh si Kento ang kasama ko kagabi?
"Mama wala po ba akong ginawang kakaiba? I mean wala po ba akong mga sinabi?"
Sa totoo lang wala pa akong maalala kung anong ginawa ko kagabi.
"Wala naman. Tulog na tulog ka habang karga ka niya."
"Karga?"
"Oo binuhat ka niya. Nakakahiya nga eh. Ang bigat mo pa naman."
"Mama naman eh."
"Sige na. Kainin mo na yan nang mawala yang hangover mo."
"Nga pala anong ibig sabihin nang saranghae?," tanong niya nang palabas na siya nang pinto.
"Po? Bakit niyo po alam yan mama?"
"Narinig kasi kita kagabi. Binabanggit mo yun pati pangalan ni V. Ano ba ibig sabihin nun?"
"Po? Narinig ba yun ni V mama?"
"Umalis na siya nung sinabi mo yun. Ano ba yun?"
"Ahh wala yun mama."
"Nakung bata ka. Kumain kana."
Napaupo na lang ako sa kama nang makaalis si mama. Di na talaga ako iinom. Totoo pala yung sinasabi nila na di mo na alam kung anong masasabi mo kapag lasing ka na. Mabuti na lang at di yun narinig ni V. Paano ko na siya haharapin nito ngayon? Nakakahiya.
After 2 hours....
Sa venue na ako dumeretso para sa practice at photoshoot ng mga pets. Bago pumasok ay sumilip silip pa ako if nasa loob na si V. Nasaan kaya siya? Napalingon naman ako nang may kumalabit sa akin. Napaatras na lang ako nang makitang si V pala ang nasa likod ko.
"Anong sinisilip silip mo jan? Bakit di ka pumasok?"
"Ah wala. Sige," sagot ko lang at agad pumasok. Binilisan ko naman ang lakad ko at pinuntahan si Cass. Tumulong na din ako sa pag aayos ng mga design at napatingin ako kay V na nilalaro ang mga aso. Mahilig nga siya sa aso.
"JV tulungan mo si V mag assist sa mga aso. Magsisimula na ang photoshoot," sabi ni maam Aira.
"Ok po maam," sagot ko naman kaya nilapitan ko si V.
"Dalhin na daw natin sila sa photoshoot area dahil magsisimula na sila," sabi ko sa kanya nang di nakatingin at kinuha ang ibang aso.
Inarrange namin sila para sa photoshoot ngunit kapag umaalis na kami ni V ay sumusunod sila.
"V and JV, sumama na lang kayo sa photoshoot. Mukhang sa inyo lang ata nakikinig ang mga aso eh. Magbihis na kayo," biglang sabi ni Maam Aira."Po?," gulat naming sabi.
"Sige na. Go."
Nagkatinginan pa kami bago naghiwalay para magbihis. Nang makalabas ay pumuwesto na nga kami. Bale nasa mataas na upuan si V habang nasa kandungan niya ang isang poodle at hawak hawak niya ang dalawang chihuahua. Nasa sofa naman ako nakaupo habang may aso din sa kandungan ko at sa sofa. Meron din sa sahig. Steady lang silang nakaupo. Ang pwesto ko is nasa baba ng chair ni V. Magkatabi kami.
"Thats right. Ok tingin dito."
Capture capture capture.
"Nice dahil nakatingin lahat sila sa camera," sabi naman nang photographer.
"Ok another take."
Nakasmile lang ako all the time.
"Wag ka nang uminom ulit," sabi ni V sa akin pero di ko masyadong narinig.
"Ano?"
"Wag ka nang uminom ulit lalo na pag di ako ang kasama mo."
Nagulat ako sa narinig ko kaya agad akong napatingin sa kanya kahit medyo nakaangat ang ulo ko dahil nasa taas siya. Nakatingin din siya sa akin na nakayuko.
"Ok nice. Smile."
Nang marinig ko ang sinabi nang photographer ay agad akong napangiti at ganun din siya.
YOU ARE READING
Book 2: Afraid to Fall in Love
Fiksi PenggemarCast: Kim Taehyung Jannea Viennice Atienza It is about V who can't move on and afraid to fall again because of his past relationship and Viennice who falls in love easily and ready to risk anything for the one she loves. What will happened if Vienni...