Episode 16: His Voice

16 1 0
                                    

(V's POV)

Fashion night na nang mga kids clothes collection ni Tita. Marami na ding mga bisita. Almost ready na din ang mga models lalo na si William.

"Kuya V, I am nervous."

"Don't worry William. Kuya V and your ate are going to cheer for you so you just walk on that stage and show them your handsome smile ok."

"Ok po kuya."

Niyakap ko naman siya at naghighfive kami. Lumapit naman samin si Vie.

"Are you ready bunso?"

"Yes ate."

"Don't be nervous ok. Nasa harap lang si Ate."

"Ok po."

"Now lets go. Magsisimula na tayo," sabi naman ni Maam Aira. Pumuwesto naman kami ni Vie sa harapan para agad kaming makita ni William. Nang magsimula na ay palakpakan ang buong crowd. Nakita naman namin si William na nakasmile lang all the time. Ang charming niya talagang bata. Napatingin naman ako kay Vie nang marinig kong nagsalita siya nang What. Agad naman siyang umalis. May problema kaya?

(Viennice's POV)

Bakit ba laging may problema every event? Nagmamadali akong naglakad papuntang backstage nang mareceived ko ang text ni Kristine na wala pa ang banda na kinuha namin para sa special performance. Ang sabi niya sa kin kanina ay papunta na sila pero bakit hanggang ngayon wala pa. Malapit nang matapos ang first set at ang banda na dapat ang susunod. Bigla akong natapilok nang di ko napansin ang wire sa harap ko dahil sa pagmamadali. Napahawak ako sa paa ko nang makaramdam nang kirot.

"Vie are you ok?," tanong sa kin ni V nang makalapit. Sinundan niya pala ako.

"I'm fine," sagot ko at pinilit makatayo ngunit agad niya na lang akong binuhat.

"V put me down. I can manage," sabi ko sa kanya dahil sa hiya pero di niya ako pinakinggan at binuhat pa rin ako. Pinaupo niya ako malapit sa backstage ngunit kita ko pa din ang stage. Malapit nang matapos at si William na nga ang nakikita ko. Paano na to? Agad akong napayuko dahil di ko na alam ang gagawin. Nagulat na lang ako nang hawakan ni V at hinilot ang paa ko na may sprain kaya napaangat ako nang ulo.

"May problema ba? Bakit ka umiiyak? Masakit ba ang paa mo?," tanong niya kaya agad kong pinahid ang luha sa mga mata ko.

"Maam JV, wala pa din po ang 6 Reload. Ano pong gagawin natin? Wala pong magpeperform," sabi sa kin ni Mich.

"Ako nang bahala."

Napatingin naman ako kay V nang sabihin niya yun. Tumingin din siya sa akin at ngumiti. Sumunod siya kay Mich papuntang backstage. Ano naman kaya ang gagawin niya. Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko na lang siya sa stage.

"Good evening everyone. I would like to say sorry dahil natagalan ang banda na magpeperform sana sa inyo ngayon so ako muna ang magiging substitute nila. Hope you like this song."

Nagplay naman ang background music niya. Someone like you ni Adele ang tumutugtog ngayon. Nakatitig lang ako sa kanya.

"I heard that your settle down that you found the boy and you're married now."

Ang ganda nang boses niya. Puno nang damdamin ang kanta niya. Parang pinagdadaanan niya yung meaning ng kanta. Napatingin naman siya sa gawi ko nang kantahin niya ang chorus.

"Never mind I'll find someone like you. I wish nothing but the best for you too. Don't forget me, I beg. I remember you said "Sometimes it last in love but sometimes it hurts instead".

Nagpalakpakan ang crowd nang matapos siyang kumanta. May iba pa ngang napaluha dahil sa kinanta niya. Nakita ko naman siyang papalapit sa akin nang makababa nang stage.

"Is your foot ok?"

Hindi naman agad ako nakasagot sa tanong niya.

"Vie," sabi niya kaya napatayo ako bigla at dahil masakit pa ang paa ko ay agad akong naout of balance pero agad niya akong nahawakan sa bewang kaya di ako tuluyang napatumba. Nagkatitigan ulit kami and this time nakikita ko sa mga mata niya ang repleksyon nang mukha ko. Mukha kong sobrang saya dahil sa kanya.

Book 2: Afraid to Fall in LoveWhere stories live. Discover now