(Viennice's POV)
Tinatawagan ko ngayon si V pero out of coverage ang phone niya kaya nagpasya akong puntahan na lang siya sa bahay niya. May nagbukas naman sa akin nang magdoorbell ako.
"Ask ko lang po sana si V, if nandito po siya?"
"Sino yan manang?," rinig kong tanong mula sa loob.
"Nagtatanong po sir if nasaan si sir V."
Napatingin naman ako sa loob at nakita yung Kento.
"Sige manang ako nang bahala sa kanya."
Humarap naman siya sa akin nang makaalis ang maid nila.
"Umalis si V kaninang umaga papuntang Korea. Emergency for Lhianna. Bakit?"
"Ganun ba. Magpapasama lang sana ako sa kanya."
"Para sa project ba yan ni mama?"
Ah so anak pala to ni Mrs. Arevalo.
"Yes sir."
"Sir? You can just call me Kento. Ang formal naman nung sir," sabi niya na tumatawa pa.
"Sige po mauna na ako."
"Wait. Pwede kitang samahan habang wala si V."
"Ah wag na. Baka busy ka din."
"No. I'm not busy. So ano bang gagawin natin?"
"Mag iinterview tayo nang mga pet owners."
"Ok. Just wait here. I'll get my car."
Binuksan nga ng maid niya ang gate at sumakay na ako sa kotse niya. Tinuro ko naman ang daan nang una naming pupuntahan. Nang makarating ay sinamahan niya pa din ako.
"Good morning maam. I am JV po and this Kento. Can we see your pet maam?"
Nilabas niya nga ang alaga niyang shih tzu. Ang cute naman. Nang matapos kami ay nagpunta pa kami sa ibang bahay para mag interview. Kasama ko pa din siya na alam kong nag enjoy din naman siya."Hi po. Ako po yung tumawag sa inyo kanina maam Kathy. Can we see your pet maam?"
"Yes come in."
Nang makapasok naman kami ay biglang may tumahol nang sobrang lakas at nakita namin ang nakaupong aso na sobrang laki. Nakatingin ito sa amin at tahol pa din nang tahol. Nagulat naman ako nang humawak sa akin si Kento. Takot ba to sa aso? Enjoy naman siya kanina sa mga pet ah.
"Don't worry po sir, ganyan po talaga siya sa mga bagong taong nakikita niya. Mamaya po di na po niya kayo tatahulan."
"Siya ba ang pet mo?"
"Isa po siya sir pero nasa loob po yung isasali ko sa fashion show. Pasok po tayo."
Nang makapasok ay nakita namin ang halos sampung ibat ibang klase ng aso. May dalmatian, may shih tzu, may labrador, may poodle at madami pa. Wow.
"Sayo lahat to?," mangha kong tanong sa kanya.
"Yes. I have been taking care of them for almost 10 years."
"Wow," nasabi ko na lang. Nang matapos kong interviewhin si Maam Kathy ay umalis na rin kami. Tama nga ang sabi niya dahil paglabas namin ay di na kumahol yung malaking aso. Tiningnan nga lang kami at tumalikod.
"Kain muna tayo Viennice. Nagugutom na ako eh."
"Ok."
Huminto nga kami sa isang restaurant. Siya na ang nag order nang para sa akin.
"Nga pala Kento, takot ka ba sa aso?," tanong ko habang hinihintay namin ang pagkain.
"Sa maliliit hindi pero sa malalaki yes. Nakagat na kasi ako dati kaya medyo takot ako lalo na sa malalakas tumahol."
"Lets take a picture Vie."
Wala naman akong nagawa dahil nakaselfie mode na ang phone niya kaya ngumiti na lang ako. Nang dumating ang order namin ay kumain na din kami.
(V's POV)
Nakayakap lang ako sa umiiyak pa ding si Lhianna. Bigla daw inatake si L habang kumakain sila. Nagpabook agad ako ng flight nang mawala siya sa linya kahapon. Nadatnan ko siyang nagpapahinga sa isang kwarto at sinabi nang doktor na masama sa kanya ang mastress at sobrang pag aalala dahil makakaapekto ito sa baby niya.
"Tahan na Y. Makakasama sayo to at sa baby mo. Kahit si L mag aalala sayo."
"Paano na kami ni baby nito kung mawawala si L?"
"Hindi siya mawawala Y. Gagaling si L para sa inyo. Lalaban siya. Magtiwala ka lang kaya please tumahan ka na."
Tumahan nga siya at pinainom ko nang tubig. Nagvibrate naman ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino ang nagmessage. Napatayo na lang ako nang makita ang picture na sinend ni Kento.
"V, what is the problem?," tanong sa akin ni Lhianna kaya napatingin ako sa kanya.
"Nothing," sagot ko at umupo ulit sa tabi niya.
"Don't try to flirt with her Kento or else I am going to kill you," reply ko sa message niya.
"Chill bro. Don't worry I'll take care of her."
Naikuyom ko naman ang kamay ko sa galit.
"V are you alright? If you need to go back just go. Parating na din naman si mama ngayon."
"Yes Lhianna. I really need to go back to Philippines. Just call me if L is awake. Just stay strong and take care of yourself ok. I gotta go."
"Ok. You take care also."
Agad akong tumakbo palabas nang ospital at agad dumiretso nang airport at nagpabook nang pinakamaagang flight ngunit fully book na ang pang umagang flight kaya panghapon pa ang ticket ko. Aish.... Kento...
YOU ARE READING
Book 2: Afraid to Fall in Love
FanfictionCast: Kim Taehyung Jannea Viennice Atienza It is about V who can't move on and afraid to fall again because of his past relationship and Viennice who falls in love easily and ready to risk anything for the one she loves. What will happened if Vienni...