Episode 28: HELP!

10 1 0
                                    

(Kento's POV)

Agad nawala sa linya si Viennice matapos kong marinig na sumigaw siya. Sobra naman akong nag alala dahil di ko na siya macontact. Out of coverage na. Tinawagan ko naman si JC.

"Hi there Kento," sagot niya sa akin.

"Cass can you check if nakauwi na ba si Viennice. If nasa bahay na ba siya nila?," natataranta ko namang sabi sa kanya.

"Why? Anong nangyari?," nag aalala naman niyang tanong.

"I can't reach her. Out of coverage na ang phone niya. Can you check it Cass?"

"Ok. I will call you back."

Nagpalakad lakad naman ako nang maibaba ang phone. Why did you scream Viennice? Nagpabook naman agad ako nang early flight pabalik nang Manila. Nagring naman ang phone ko at agad ko itong sinagot.

"Ano daw Cass? Nakauwi na ba siya?," agad kong tanong sa kanya.

"Wala pa daw siya Kento. Ano bang nangyari?"

"Kausap ko siya kanina. She said naglalakad na siya pauwi and then I heard she said "Sino ka?" then she scream and naputol na ang linya."

"Oh my God Kento. I hope mali ang iniisip ko."

"Bakit Cass?"

"Nakatakas kasi yung lalaking nagtangka dati kay Vie. Paano kung siya ang kumidnap sa kanya?," sabi niya at umiyak.

"What?"

"Paano kung binalikan niya si Viennice? My God Kento we need to find her," sabi niya at mas umiyak pa.

"Calm down Cass. I am going back now. We will find her," sabi ko na lang at pinatay na ang tawag. Agad akong nagbihis at dumiretso nang airport.

(V's POV)

Dahil wala kaming any activity ngayon ay naisipan kong tawagan si Willian via Skype. Ginawan ko din kasi siya nang account para may communication kami. Agad naman niyang sinagot.

"Hi little boy," bati ko agad sa kanya.

"Kuya V," sabi lang niya at umiyak na.

"Oh bakit ka umiiyak?"

"Ate Vie is not yet home."

"Why? Where is your ate?"

"I don't know. She did not answer her phone. Ate Cass is also crying here."

"Where is your Ate Cass? Can you call her for me."

Tumango naman siya at nagpunas ng luha bago umalis. Naghintay naman ako at bumalik nga siya kasama si Cass.

"William punta ka muna kay Grandma ok. Mag uusap lang kami nang kuya V mo."

"Ok po. Bye Kuya V."

"Cass whats happening? Where is Vie?," agad kong tanong sa kanya nang makaalis si William.

"Hindi pa siya umuuwi since kagabi. We found her wreck phone malapit dito sa bahay nila. I think yung Mark Adorbe ang kumuha sa kanya V."

"What? He is in prison di ba?"

"Yes pero nakatakas siya three days ago. Sinabihan ko siya na wag umuwi nang walang kasama o wag umuwi nang gabi dahil baka balikan siya nung Mark."

"Walang hiya siya. Di ko na siya bubuhayin pag sinaktan niya si Vie. Babalik ako jan. Keep me updated Cass."

"Ok."

Napakuyom naman ako sa kamao ko sa sobrang galit. Walang sinuman ang pwedeng manakit sayo Viennice. Magbabayad siya sa akin pag may nangyari sayo. Nagpabook ako nang early flight papuntang Manila. Hintayin mo ko Vie, ililigtas ulit kita.

(Viennice's POV)

Nagising ako dahil sa liwanag. Nang maibuka ko ang mga mata ko ay nakita kong nasa isang abandonadong building ako. Tiningnan ko ang sarili ko at nakita kong nakatali ako habang nakaupo. Nakatali ang dalawang kamay ko sa likod at nakatali din ang mga paa ko. Sinubukan kong ikutin ang kamay ko ngunit mahigpit ang pagkakatali sa akin. Nasaan ba ako? Sinong nagdala sa akin dito? Nakarinig naman ako nang yabag na papalapit sa area ko.

"Mabuti naman at gising ka na," sabi ng boses lalaki at tumayo sa harap ko. Nakahood siya at nang ipakita niya ang mukha niya sa akin ay nagulat ako nang makilala siya.

"Ano bang kailangan mo?," naitanong ko na lang sa kanya nang pasigaw.

"Wow. Ang tapang. Hmmm Kailangan ko?," sabi niya at lumapit sa akin. Napasinghap naman ako nang hawakan niya ang pisngi ko.

"Syempre ikaw ang kailangan ko at ang lalaking tumulong sayo."

"Wala na siya dito sa Manila. Umalis na siya."

"At sa tingin mo di siya babalik pag nalaman niyang nawawala ka?"

"Wala siyang pakialam sa akin kaya pakawalan mo na ako," sabi ko at umiyak na.

"Wag ka munang umiyak Viennice. Mamaya na pagwala nang buhay ang V na yun," sabi niya at tumawa nang malakas.

Please V sana di mo na to malaman. Sana wag mo na akong puntahan. Ayokong mapahamak ka.

Book 2: Afraid to Fall in LoveWhere stories live. Discover now