Episode 20: With Kento

11 1 0
                                    

(Viennice's POV)

Malapit nang makumpleto ang listahan nang mga pet models namin. Si Kento pa din ang kasama ko ngayon sa pag iinterview. Ok naman siyang kasama. Masaya nga eh dahil madalas siyang magjoke kaya nagtatawanan kami sa byahe.

"May joke ulit ako."

"Ok anu yun."

"Sa loob ng elevator, nandun ang elevator guy, isang pinoy at isang amerikano. Sabi ng elevator guy, "Bababa ba?" Sagot naman ng pinoy, "Bababa." Sabi ng amerikano, "Excuse me, are you minions?"

Bigla naman akong tumawa nang malakas nang humagalpak siya ng tawa. Napahawak pa ko sa tiyan ko.

"May isa pa."

Napatango na lang ako dahil natatawa pa din ako.

"Umuwing umiiyak yung babae sa bahay niya. Nagulat yung mister niya at sabi "Hon bakit ka umiiyak?" Sagot naman nung babae, "Sabi kasi ng mga kapitbahay natin mukha daw akong aso." Nagalit yung mister niya sabay sabing "Walang hiya sila! Bakit di mo kinagat? Bwahahaha..."

Napahawak na talaga ako sa tiyan ko sa sobrang sakit kakatawa. Kahit siya napapahinto sa pagmamaneho para lang tumawa. San niya ba nakukuha ang ganitong mga jokes? Havey na havey eh.

"Tama na Kento. Ireserve mo na yan next time. Masakit na talaga ang tiyan ko kakatawa."

"Ok. Ok. At least may next time pa," sagot niya at ngumiting tumingin sa kin bago pinaandar ulit ang sasakyan.

Nakarating kami sa last pet owner na iinterviewhin namin nang magring ang phone ko. Si V pala ang tumatawag. Ano namang kailangan niya? Bakit niya ako tinatawagan eh kasama niya naman si Lhianna?

"Vie lets go," sabi sa akin ni Kento.

"Coming," sagot ko na lang at nireject ang tawag niya. Pinindot ko naman ang silent mode at pinasok sa bag ang phone ko bago sumunod kay Kento.

(V's POV)

Pagkadating ko sa NAIA ay agad kong tinawagan si Viennice kaso di niya ako sinasagot. Ring lang nang ring at halos maka20 missed calls na ako. Ano bang ginagawa niya at di niya masagot ang tawag ko? Tinext ko naman siya pero after 10 minutes ay wala pa din siyang reply. Nasaan ba siya? Tinawagan ko na lang si Maam Aira.

"Yes V?," agad na tanong sa akin ni maam nang masagot niya.

"Itatanong ko lang po kung nasaan si Viennice?"

"Ah shes with Kento. They interview the last pet owner."

"Where is it maam?"

Nang mabigay niya sa akin ang address ay agad akong pumara nang taxi at nagpahatid. Nang makarating ay nagdoorbell agad ako.

"Yes po?"

"Ahm nandito pa ba sina Jannea Viennice at Kento?"

"Nakaalis na po sila sir, mga 10 minutes from now po."

"Ganun ba. Sige thank you."

Tinry ko ulit tawagan si Viennice kaso di pa rin siya sumasagot. Ano ba Viennice? Sa sobrang inis ko ay sinipa ko ang maliit na bato na nasa paanan ko.

(Kento's POV)

Nagpunta kami ni Vie sa isang resto bar. Di ko nga alam kung bakit dito kami pumunta. Umiinom naman ako pero bakit kami nandito?

"Vie anong ginagawa natin dito?"

"Huh? Eh di magcecelebrate tayo dahil nakumpleto na din natin ang list ng mga pet models."

"Kailangan ba talaga dito?"

"Oo naman. Walang celebration without drinks."

Umorder naman agad siya nang pagkain at beer in can. Tinitingnan ko lang siya habang kumakain kami dahil ginagawa niyang tubig ang beer. Kada subo niya ay iinom din siya. Ano bang problema nito?

"Vie kumain ka muna nang maayos bago ka uminom. Mas marami ka pa atang naimon kesa nakain mo."

"Don't worry I can handle this."

"Tama na Vie. Sa tingin ko di ka pa uminom ng beer ever since. Look at you, lasing ka na."

"No I am not. I can handle this and this is not my first time. You need to drink too. Lets celebrate," sabi niya at uminom ulit.

Wala na akong nagawa kundi ilayo ang natitira pang can ng beer sa mesa at nilagay sa katabi kong upuan.

"Beer pa po dito," sigaw niya nang wala na siyang makitang beer sa mesa.

"Wag na po," sigaw ko din naman.

"Alam mo di ko alam kung bakit nagustuhan kita. Napakasuplado mo kaya. Di ka marunong ngumiti. Gwapo ka nga pero napakaarogante mo," sabi niya habang tinuturo ako. Ako ba sinasabihan niya?

"Pero dun ko nakita na may puso ka pala nang tinulungan mo ang tita mo na di masira ang event niya. Mabait ka pala nung tinulungan mo din ang kapatid ko at binalik mo siya sa akin. Yung pagligtas mo sa akin, doon ko ata naramdaman na gusto na kita pero kahit di mo sabihin kitang kita ko na si Lhianna pa rin ang nasa puso mo hanggang ngayon. Tingnan mo nga bumalik ka agad dun dahil sa kanya at iniwan mo ko dito," sabi niya at agad nakatulog sa mesa. Si V pala ang tinutukoy niya. Nagring naman ang phone ko. Si V ang tumatawag.

"Nasaan ba kayo Kento?," agad niyang tanong nang sagutin ko ang tawag niya.

"I'll sent you the address. You need to pick her up," sabi ko at binaba ang tawag. Tiningnan ko naman si Vie nang masend ko kay V ang address. I hope V find the true happiness he deserve.

Book 2: Afraid to Fall in LoveWhere stories live. Discover now