Episode 26: Moving On

10 1 0
                                    

(Viennice's POV)

Three days na ang nakakalipas mula nang umalis si V pabalik nang Korea. Napanuod ko na din ang teaser nang comeback nila and I think he is already happy wherever he is now. Lagi ko namang kasama si Kento simula nang umalis siya. Ang kulit kulit nga eh. Laging bumubuntot sa kin kahit san ako magpunta kulang na lang pati sa cr sundan ako. And speaking of him.

"Hi Vie long time no see."

"Patawa. Kahapon lang tayo nagkita long time no see agad?"

"Syempre naman, 13 hours kitang di nakita kaya long time yun."

Nahampas ko naman siya dahil sa joke niya.

"Aray. Nagiging sadista ka na ha. Binubugbog mo na lang ako parati. Meron ka?"

Hinampas ko ulit siya.

"Ok ok. Titigil na ako," sabi niya habang tumatawa. Lagi na akong tumatawa kapag kasama siya. Sobrang palabiro kasi.

"Nga pala Vie, I want to introduce you to my friends later. Can you come with me?"

"Hmm ok sure."

"Yes," sabi naman niya at tinulungan na ako sa trabaho ko.

(At night)

Pumasok kami sa isang resto bar at lumapit sa table nang tatlong lalaki. Namangha naman ako sa nakita ko. Ang gagwapo naman nila. Meged. Ngumiti silang tatlo sa akin. Wow perfect smile. Nagfriendship sign naman sila bago ako pinaupo ni Kento sa tabi niya.

"They are my friends from Thailand Vie. He is Mike, August and March. They can speak and understand English so you can talk to them freely."

"This is Viennice my friend," pakilala naman niya sa akin.

"So you are Viennice," sabi nung March.

"She really is beautiful in person right August?," sabi naman nung Mike sa katabi niyang si August.

"Yeah," sagot lang nito habang sa phone pa rin nakatingin.

"Sorry. He is busy texting his girlfriend in Bangkok. By the way, are you two still friends not more than that?"

"Stop it Mike. Viennice is not yet ready and I am happy having her as my friend."

"Ok. But Viennice, do you like Kento?," tanong niya sa akin kaya nagulat ako. Di tuloy ako nakasagot agad.

"Stop it Mike. Lets just drink. Waiter."

Save by the bell naman ang peg ko.

"What do you like to drink or eat Vie?"

"Just a lemon juice is fine."

"Ok."

Medyo naawkward naman ako dahil sa nangyari pero kailangan kong magrelax at wag nang isipin yun.

"Sorry about sa tanong ni Mike. Medyo madaldal lang talags siya," sabi naman niya sa akin.

"No. Its ok. Magccr lang ako."

"Ok. Bumalik ka agad."

Umalis nga ako para magcr. Nagtanong naman ako sa bouncer kung saan banda ang cr at nang maituro sa akin ay agad akong nagpunta. Pagkalabas ko ay may napansin akong lalaking nakahood na nakatingin sa akin. Nakamask siya at dahil medyo madilim ay di ko siya mamukhaan basta alam ko sa akin siya nakatingin. Nang mapansin niya sigurong nakatingin na din ako sa kanya ay agad siyang naglakad at lumabas. Sino naman kaya yun? Di ko na lang pinansin at bumalik na sa table nila Kento. Nagtagal pa kami nang isang oras bago kami umalis. Vacation week lang pala to nang tatlo bale next saturday, babalik na sila ng Bangkok. Naghiwalay lang kami sa parking area. Sasakay na sana ako sa kotse nang mapahinto ako dahil nakita ko na naman yung lalaking nakahood at nakamask. This time kay Kento na siya nakatingin.

"Vie whats wrong?," tanong ni Kento na nagpalingon sa akin sa kanya at nang binalik ko ang tingin sa lalaki ay nawala na siya sa pwesto niya. Hinanap ko naman siya pero di ko na nakita.

"Sino bang hinahanap mo Vie?," tanong niya ulit at tumingin din sa direksyon na tinitingnan ko.

"Wala. Lets go," sagot ko na lang at sabay na kaming sumakay sa kotse. Hinatid niya ako sa bahay at nang makapasok ay agad akong napahiga. Agad din akong tumayo para magpunas at magbihis. Bigla namang nagring ang phone ko.

"Yes Cass."

"Vie buksan mo yung tv. You need to see this," natataranta niyang sabi kaya agad kong inon ang tv.

"Nakatakas ang isang presong nagngangalang Mark Adorbe na kinasuhan nang attempted rape and trespassing noong nakaraang dalawang buwan. Sinasabi pang lulong sa alak at illegal na droga ang taong ito. Ngayon ay pinaghahanap na siya ng mga kapulisan."

"Vie you need to take care baka balikan ka niya," takot na sabi ni Cass sa akin.

"Don't worry Cass. Hindi ako uuwi nang walang kasama."

"You need to have a man who will protect you Vie. Sagutin mo na kaya si Kento."

"Cass I can take care of myself and Kento is just a friend. Nothing more. Sige na may tatapusin pa ko. Thanks sa info. Goodnight."

"Ok. Make sure to lock your doors and windows ok. OMG bakit ba kasi siya nakatakas? Ok. Bye."

Medyo natakot naman ako sa isiping pwedeng bumalik sa akin ang ganung pangyayari.

Book 2: Afraid to Fall in LoveWhere stories live. Discover now