Episode 14: Caring V

12 0 0
                                    

(Viennice's POV)

Nakalabas na ako nang ospital at nakabalik na rin ako sa trabaho. Kasama ko pa din si V hanggang ngayon. Inaasikaso namin ngayon ang pictorial ng mga kids model para sa front page ng magazine.

"Maam JV, nagback out po si Mrs. Delgado. Di na daw po sasali si Francis sa pictorial at sa fashion show."

"What? Bakit ba laging may problema tuwing final na? Saan tayo hahanap nang ipapalit sa kanya ngayon?," tanong ko habang nagpalakad lakad na. Ilang minuto na lang magsisimula na ang pictorial. Isip. Isip Viennice. Nagulat naman ako nang may humawak sa balikat ko mula sa likod. Agad naman akong napatingin at nakita si V.

"What if si William ang ipalit mo kay Francis," sabi niya sa akin. Si William? Ang kapatid ko?

"Pero first time niya kung sakali at di ko alam kung gusto niya."

"Don't worry. Ako ang bahala sa kanya," nakangiting sagot niya.

(V's POV)

"Kuya V. Ate Vie. Magkasama po kayo sa work?," agad na sabi sa min ni William nang makarating. Pinasundo ko siya sa driver ni tita.

"Yes William," sagot ko naman.

"Wow. Galing naman," sabi naman niya at pumalakpak.

"William, may sasabihin si Kuya V," sabi ko sa kanya at nilevel ang sarili ko sa kanya.

"Ano po yun Kuya V?"

"Ganito kasi yun. Gusto mo bang maglaro tayo bukas sa bahay niyo?"

"Opo Kuya. Gustong gusto ko po yun."

"Pero bago yun kailangan mo munang tulungan si Ate Vie mo sa work niya."

"Oo naman po."

"Gusto mo bang maging model? Yung kinukunan ka ng picture?"

"Model? Ano po yon?"

"Gaya niyan," sabi ko sa kanya at pinakita ang ibang mga kasama niya habang nagpopose at pinipicturan.

"Oo naman po kuya basta maglaro po tayo bukas ha."

"Oo naman. Promise ko yan," sagot ko at nagpinky promise pa kami.

"Kaya mo ba talaga to bunso?," rinig kong tanong sa kanya ni Vie.

"Oo naman ate. Ako pa."

Napangiti naman si Vie sa sinabi ng kapatid niya kaya napangiti din ako. Napatingin naman siya sa akin.

"Thank you."

Binihisan nga nila si William at ilang minuto na lang ay siya na ang susunod.

"Just always smile little boy, ok," sabi ng photographer sa kanya nang siya na ang model.

"Ok po," magalang naman niyang sagot at nagsimula na siyang kunan. Nasa may likod lang ako nang photographer kasama si Vie. Ayos naman ang naging resulta ng pictorial niya. Naging friends na rin niya ang mga kasama niya. Nang matapos ang group pictorial ay nagsialisan na rin ang ibang mga models. Nasa tabi ko naman si William habang natutulog. Napagod ata talaga siya.

"Thank sa pagbantay sa kanya V," sabi sa kin ni Vie nang makalapit. Sinuot niya ang backpack ni William pati ang bag niya at nilapitan si William para kargahin ngunit agad ko siyang pinigilan.

"Ako nang magbubuhat sa kanya," sabi ko at agad binuhat si William.

"Sa akin na kayo sumabay. Ihahatid ko na lang kayo," sabi ko sa kanya at dumiretso na sa kotse. Dahan dahan ko namang nilapag si William sa backseat. Sumakay naman siya sa likod at inayos si William. Sumakay na din ako at pinaandar ang kotse. Tinuro niya naman ang daan habang bumabyahe kami. Nang makarating ay ako pa din ang nagbuhat kay William hanggang sa kwarto niya. Kinumutan siya ni Vie nang mailapag ko at bumaba na din kami.

"Thank you V sa paghatid sa kanila."

"Wala po yun tita. Nga po pala tita may promise po ako kay William na maglalaro po kami bukas kaya pwede po bang bumalik ako dito bukas?"

"Ay oo naman V. You're always welcome here."

"Sige po tita. Mauna na po ako."

"Ok. Ingat ka sa daan iho."

Hinatid naman ako ni Vie palabas.

"Alis na ako Vie."

"Ah sige. Thank you ulit. Ingat ka."

Sumakay na ako nang kotse at umuwi. Nang makarating sa kwarto ko ay agad akong napahiga. Medyo napagod din ako ngayong araw. Napaupo naman ako nang may nagtext sa akin.

"Nakauwi ka na ba? Thank you ulit." Napangiti naman ako sa message ni Vie at nireplayan siya. Excited naman akong naghintay sa reply niya at nang tumunog ay agad kong binasa pero kay manager pala galing ang message.

"You only have one month left V for your vacation. You need to come back if you still want to be part of BTS comeback, aratji?"

Napaisip naman ako. Of course I love my group. I love all my members. They are like my brothers and I really love to perform and I want my grandparents to see me on tv. Lhianna will be happy too if she know that I still pursuing my dream to be a performer. I will surely come back. Binasa ko naman ang text ni Vie.

"Goodnight then. See you tomorrow."

Book 2: Afraid to Fall in LoveWhere stories live. Discover now