Epilogue

15 1 0
                                    

(V's POV)

Nakalabas na ako nang ospital at sa bahay na lang ako ni Tita nagpapagaling. Lagi ko namang kasama si Vie and sometimes dito na din siya natutulog. Siya ang nag aalaga sa akin. Personal nurse ko daw siya. Pinakilala ko na din siya sa grandparents ko, kina mama and papa at sa mga co-members ko and they are happy for me. They really want to see her personally. Bumaba ako mula sa kwarto ko nang di siya agad nakabalik.

"Vie?," tawag ko sa kanya pero wala siya sa sala kaya lumabas ako at nakitang niyakap niya si Kento. Yumakap din naman sa kanya ito kaya agad akong lumapit at hinila si Kento gamit ang damit niya kaya nagkahiwalay sila.

"Sobra na bro," sabi ko at tumawa lang silang dalawa.

"Anong tinatawa tawa niyo?," galit ko namang tanong.

"Alagaan mo sana si Viennice V at wag na wag mo na siyang sasaktan kundi aagawin ko talaga siya sayo at hinding hindi ko na ibabalik," banta naman niya sa akin.

"Oo naman. Di rin naman ako papayag na makuha mo siya," sagot ko at tinago si Vie sa likod ko. Tumawa naman si Kento sa harap ko.

"Mauna na ako sa inyo. Mag iingat kayo always. Tatawagan na lang kita Vie." Napakunot naman ang noo ko sa huling sinabi niya.

"New number na siya pagdating mo nang Japan. Sige na umalis ka na baka malate ka pa. Ingat bro," sabi ko at pinagtulakan siya.

Kumaway lang siya at sumakay na sa kotse at umalis. Nakita ko namang sinundan talaga ni Vie ang kotse nito kaya napacross-arm ako habang nakatingin sa kanya.

"Anong problema mo?," tatawa tawa niyang tanong.

"Bakit ikaw ang unang yumakap sa kanya?"

Tumawa naman siya nang malakas.

"Ano ka ba naman. Syempre aalis na yung tao at matagal natin siyang di makikita. Goodbye hug lang yun."

"Goodbye hug at kung siya naman makayakap sayo parang kulang na lang isama ka niya," pagmamaktol kong sabi.

Natawa naman ulit siya.

"Bakit ka na naman tumatawa?"

"Ang cute cute mo kasi magselos. Nakakagigil."

"Ganun. Cute pala," sabi ko sa kanya at agad siyang binuhat na parang sako.

"V ibaba mo ko," sabi niya pero binuhat ko siyang ganun hanggang sa kwarto ko. Nang maibaba ko siya sa kama ay napahawak ako sa may sugat ko.

"Masakit ba? Bakit mo pa kasi ako binuhat? Umupo ka jan at lilinisan ko yan."

Nang makalabas siya mula sa banyo ay dala dala na niya ang maliit na palanggana at bimpo. Tinanggal niya ang damit ko at pinunasan ang may banda sa sugat ko nang bigla siyang tumigil kaya napatingin ako sa kanya. Nang iangat ko ang ulo niya ay umiiyak pala siya.

"Bakit ka umiiyak Vie," agad kong tanong sa kanya nang mapunasan ang mga luha niya.

"Naalala ko lang kung paano ka nasaktan nung niligtas mo ako."

"Mas ok sa akin na ako ang masaktan kesa ikaw kaya wag mo nang isipin yun," sabi ko sa kanya habang nakatitig sa mukha niya at niyakap siya.

"Vie?," tawag ko sa kanya habang nakayakap pa din siya akin.

"Hmmm?"

"Mukhang gustong gusto mo na nakayakap sa katawan ko ah," tukso ko naman sa kanya kaya agad siyang kumalas sa akin at pinalo ako sa may balikat ko.

Natawa naman ako at nagbihis.

"Ok pwede ka na ulit yumakap," sabi ko sa kanya at inopen wide ang kamay ko.

"Ayoko."

"Nahiya ka pa," sabi ko at hinila siya para yakapin. Tumawa naman siya pero yumakap pa din.

"Vie I want to stay with you like this everyday. Can you come with me in Seoul?," tanong ko sa kanya kaya agad siyang napatingin sa akin.

"Nagbibiro ka ba?"

"Of course not. I want to be with you and I want to marry you." Nagulat naman siya.

"Are you serious about that V?"

"Yes and definitely yes. Are you willing to be my wife Jannea Viennice Atienza?"

Napansin ko naman na maiiyak na siya.

"Of course Kim Taehyung. I want you to be my husband," sabi niya at niyakap agad ako nang mahigpit.

"Ouch," sabi ko kaya kumalas siya at tumingin sa akin.

"What happened," tanong niya ngunit agad ko siyang hinalikan. Nanlaki naman ang mata niya sa gulat kaya hinalikan ko ulit siya.

"V," sabi lang niya at tumawa.

"Mahiyain ang asawa ko," sabi ko naman kaya tumingin siya sa akin.

"I love you so much my wife."

"And I love you too my hubby."

"Hubby? Hmmm. I like it," sabi ko sa kanya at kiniliti siya. Thank God I find my forever destiny and that is my Vie.

(The END)

Book 2: Afraid to Fall in LoveWhere stories live. Discover now