(Viennice's POV)
After sa successful event ni Mrs. Arevalo ay mas dumami pa ang costumers namin. Naging sobrang busy ako at halos gabi na umuuwi nang bahay.
"JV can you meet Mr. Sanchez tomorrow? Kailangan lang natin ifix ang schedule ng event niya."
"Ahm restday ko po niyan Maam Aira. May pupuntahan po akong importante eh."
"Ako na lang po makikipagmeet kay Mr. Sanchez maam," sabi naman ni Cass. Napathank you naman ako sa kanya nang tumingin siya sa akin.
"San ka ba pupunta bukas?," tanong sa kin ni Cass nang matapos ang meeting.
"Ipapasyal ko si William sa mall. Nakapangako na kasi ako sa kanya. Nagtatampo na nga yun dahil sobrang busy ko na daw at wala na akong oras sa kanya. Nga pala bestie thank you kanina ah."
"Nu kaba. Walang problema. Mag enjoy lang kayo ni William bukas. Ikurot mo na rin ako para sa kanya."
"Talagang kurot?"
"Ang cute kasi ng kapatid mo."
(V's POV)
"Sir kumain na daw po kayo sabi ni maam," sabi ni Ate Clara mula sa labas ng kwarto ko.
"Pakisabi ate di ako nagugutom. Thank you."
"Anu bang problema mo Taehyung? Lumabas ka jan at kumain kung ayaw mong ibalik kita nang Korea," rinig kong sabi ni Tita. Kapag Taehyung na ang tawag niya sa akin ibig sabihin galit na siya. Di ko rin naman siya masisisi dahil halos dalawang araw na akong di kumakain. Nagkukulong lang ako nang kwarto mula nang makabalik ako galing Korea.
"Anak kumain ka naman. Di mawawala yang problema mo kung magmumukmok ka lang jan kaya please lumabas ka na," rinig ko ulit na sabi niya na umiiyak na kaya tumayo na ako at pinagbuksan siya. Agad naman niya akong niyakap.
"I'm sorry tita. Pinag alala ko po kayo."
(Viennice's POV)
"Ang pogi talaga nang kapatid ko," sabi ko kay Will nang matapos siyang ayusan.
"Of course ate. Mana ako sayo eh."
"Yay nambola ka pa," sabi ko naman at kinurot ang pisngi niya.
"Ouch. It hurts ate."
"Oh sorry bunso. Now lets go?"
"Yey!! Lets go.."
Nagpunta nga kami sa mall para bumili nang toys para sa kanya. Pumasok kami ng Toy Kingdom at ayun takbo siya nang takbo at turo nang turo. Napapangiti ako tuwing nagpapacute siya para bilhin ko ang mga tinuturo niya.
"Ate bili mo ko nito. Please.. Gusto ko nito," pacute niya ulit habang hawak hawak ang isang remote control car.
"Ok. Ate will buy that one."
"Yey!!!," sigaw niya at nagtatalon talon pa.
"I will pay this in the counter. Wag kang lalayo sa kin. Just follow ate ok. Lets go."
Nililingon ko naman siya if nakasunod siya sa akin. Nang mabayaran ko ay dinemonstrate pa sa kin kung paano ito pagalawin at nang paglingon ko ay wala sa likod ko si William.
"Sandali lang kuya. Babalikan ko lang yan."
"William. Bunso nasaan ka?," hanap ko sa kanya.
"Kuya nakita mo ba yung batang kasama ko kanina? Yung medyo mataba na kaganito kaliit? Nakastripe polo siya?"
"Hindo po maam eh."
Kinabahan naman bigla ako kaya napalabas ako sa store. Nagpalingon lingon ako at hinanap siya. Medyo naiiyak na din ako. William nasaan ka ba?
(V's POV)
Nakadisguise ako habang naglalakad sa mall. Naisipan ko ding lumabas muna at mamasyal. Napansin ko naman ang isang bata na umiiyak habang naglalakad kaya agad ko siyang nilapitan.
"Little boy are you lost?," tanong ko nang malapitan siya.
"Yes I am," sagot niya at umiyak nang malakas.
"Sinong kasama mo?"
"Si Ate Vie kasama ko but I don't know where she is."
"Ok i will help you find your Ate. Wag ka umiyak. Lets go."
Hinawakan ko naman ang kamay niya at naglakad kami. Tumigil na din siya sa pag iyak.
"San ka ba galing kanina little boy?"
"Its a store that full of toys," sagot naman niya at nakita ko naman ang store na Toy Kingdom kaya pinuntahan namin. Tinanong ko naman dun if may nawalan nang bata.
"Yes sir. Iniwan niya nga muna yung binili niyang laruan para hanapin itong kapatid niya."
"Ahm could you just give this number to her if she comes back. Tell her that I am going to wait for her call."
"Ok po sir."
Lumabas naman kami nang store.
"Are you hungry little boy?"
Tumango naman siya.
"Where do you want to eat?"
"Jollibee. I want spagetti."
Napatawa naman ako sa reaksyon niya. Ang cute niya namang bata.
(Viennice's POV)
Agad ko namang tinawagan ang number na binigay sa akin nung sales boy.
"Hello," sagot sa kabilang linya.
"Hello sir. I am Viennice. Ate po ako nung batang kasama niyo. Where is my brother?"
"He is with me. Nandito kami ngayon sa Jollibee. Nagugutom na kasi siya kaya pinakain ko muna."
"Ok po. Papunta na po ako jan."
Nagmadali naman akong pumunta sa Jollibee. Para na akong runner sa bilis ng takbo ko. Nang makarating ay agad kong hinanap si William. Nang makita ay agad ko siyang nilapitan at niyakap.
"Thank God you're safe. Di ba sabi ko sayo wag kang lalayo sa kin. Pinag alala mo ko nang sobra."
"I'm sorry ate."
"Thank you so much sir sa pagsama sa kap-," naputol ang sasabihin ko nang makilala ang lalaking kasama nang kapatid ko.
"He is Kuya V ate. Same kayo nang name," sabi naman ni William.
"So you must be the sister of this cute little William."
"Yes. Thank you ulit."
"No problem. What do you want to eat?"
"No thanks. I am ok."
"Ok."
"Ate Vie isama na lang natin si Kuya V mamasyal kasi mag isa lang siya. Wala siyang kasama."
"Huh?"Napatingin naman ako sa kanya at ganun din siya sa akin.
YOU ARE READING
Book 2: Afraid to Fall in Love
FanfictionCast: Kim Taehyung Jannea Viennice Atienza It is about V who can't move on and afraid to fall again because of his past relationship and Viennice who falls in love easily and ready to risk anything for the one she loves. What will happened if Vienni...