Episode 29: Saving You

11 1 0
                                    

(V's POV)

Dumiretso ako sa bahay nina Viennice nang makarating ako. Naabutan ko naman sina Cass at Kento.

"Ano nang balita Cass?," agad kong tanong.

"Wala pa ring update ang mga pulis V."

"Nasaan na kaya si Viennice?," sabi naman ni Tita Alecks at napaiyak na kaya nilapitan ko siya at pinaupo. Nagring naman ang phone ni Cass.

"Company number ni Viennice," sabi naman ni Cass kaya napatayo ako.

"Sagutin mo Cass," sabi sa kanya ni Kento.

"Hello. Viennice?"

"Nasaan ang kaibigan ko?"

Napatingin naman sa akin si Cass at binigay sa akin ang phone.

"Hello. Where is she?," agad kong tanong.

"Opss excited. Nandito siya sa tabi ko. You want to talk to her."

"V wag mo siyang susundin. Pabayaan mo na ako," rinig kong sigaw ni Viennice.

"Viennice," sigaw ko naman.

"What do you want?," tanong ko sa kanya.

"I want you alone. Pumunta ka sa lugar na itetext ko sayo nang walang kasama. Pag nalaman kong may pinagsabihan ka, hmm siguro naman alam mo na kung anong pwede kong gawin kay Viennice."

"Ok. I understand."

"Anong sabi niya V?," agad na tanong sa akin ni Kento nang maibaba ko ang phone.

"Sorry Kento but I need to do this alone or else Viennice may hurt," sabi ko na lang at umalis na.

Nagpunta ako sa lugar na tinext sa akin. Isa siyang abandonadong building. Nang makapasok ako ay dalawang lalaki agad ang sumalubong sa akin at hinawakan ako. Pinalakad nila ako hanggang sa makarating kami sa area kung nasaan si Viennice.

"Viennice," sabi ko at pupuntahan sana siya pero di ako binitawan nung dalawang lalaki.

"V bakit ka pa nagpunta dito?"

"So were united now. Hmmm dahil nandito na siya. Lets begin the party now," sabi naman ni Mark at hinawakan ang baba ni Viennice. Hinahawakan niya din ito sa mukha. Kitang kita ko naman ang takot sa mukha ni Viennice.

"Bitawan mo siya Mark. Wag mo siyang gagalawin," sigaw ko at siniko ang lalaking humawak sa akin at sinipa ang isa pa. Napatigil naman ako nang tutukan niya nang baril si Viennice.

Napapikit naman si Viennice.

"Sige lumapit ka V at papuputukin ko ang ulo nito."

Nakita ko namang umiiyak na si Viennice at hinawakan ulit ako nung dalawang lalaki.

"Please, I am begging you. Pakawalan mo na siya."

"Hmm.. Ok sa isang kondisyon. You're not going to fight back."

"V please. Don't do this," sabi naman ni Viennice.

"I need to just to protect you. Close your eyes Vie and never open it."

(Viennice's POV)

"Ok simulan niyo na."

Nakita ko namang sinuntok na siya at sinipa nang dalawang lalaking humawak sa kanya. Pati ang dalawang lalaking nagbabantay sa akin ay binubugbog na din siya. Di man lang siya lumalaban. Napaiyak na ako nang sobra.

"Please tama na," nasabi ko na lang habang nagpupumiglas sa upuan ko.

"Close your eyes Viennice," narinig kong sigaw niya kaya napapikit ako habang umiiyak. Puro suntok at sipa lang ang naririnig ko. Wala naman akong nagawa kundi umiyak lang.

"V!," rinig kong sigaw kaya napamulat ako. Nakita ko naman na sinusuntok na nina Mike, March at August ang apat na nambugbog kay V. Tinutukan naman ako ng baril ni Mark pero agad itong nahablot ni Kento at naitapon. Sinuntok naman agad niya si Mark hanggang sa mawalan ito nang malay. Kinalagan naman ako ni Kento.

"Ok ka lang ba Vie?," tanong niya nang makalagan ako. Agad ko naman siyang niyakap at umiyak.

"Its alright. Everythings ok now."

Kumalas naman ako sa kanya nang maalala ko si V. Nakita ko naman siyang nakahandusay at duguan. Agad ko siyang nilapitan.

"V," nasabi ko lang nang maiangat ko ang ulo niya ng konti. Nahihirapan naman siyang magsalita.

"Bakit di ka lumaban? Bakit mo hinayaang saktan ka nila?"

Di siya sumagot at hinawakan lang ang kamay ko.

"Viennice," rinig ko namang sigaw ni Kento at paglingon ko ay nakita kong nakahawak na nang baril si Mark at nakatutok sa akin. Napapikit na lang ako at hinintay ang bala na tatama sa kin ngunit biglang gumalaw si V at humarang sa kin. Narinig ko naman ang pagputok nang baril. Binuksan ko ang mga mata ko at nakitang nakahandusay na sa sahig si Mark at duguan. Dumating pala ang mga pulis. Inalog ko naman si V na nasa harap ko.

"V."

Di siya gumagalaw kaya sinubukan ko siyang paupuin at nakita ko na lang na may dugo na ang kamay ko.

V," nasabi ko ulit at inalog siya.

"V," sabi ko ulit at umiyak na. Lumapit naman sa akin si Kento.

"V," sabi din ni Kento ngunit di talaga siya gumagalaw. Niyakap ko na lang siya at umiyak.

Book 2: Afraid to Fall in LoveWhere stories live. Discover now