(Viennice's POV)
Alas nuwebe daw siya darating kaya maaga akong naglinis ng bahay. Wala din akong pasok ngayon dahil rest day ko. Nasa work naman si mama. Nang matapos makapaglinis ay nag ayos na din ako nang sarili pati si William ay pinaliguan ko na. Habang nasa kusina ay nagulat ako nang may nagdoorbell. Siya na ata to.
"Hi," bati niya nang pagbuksan ko nang gate.
"Hi. Tara pasok ka."
"Kuya V," agad namang salubong sa kanya ni William nang makapasok sa sala.
"Mukhang ang saya saya mo apo," sabi ni lola na kakalabas lang galing kwarto niya.
"Si V nga po pala lola."
"Ang gwapo namang bata ito."
"Hi po lola. Kumusta po kayo?," sabi sa kanya ni V at nagmano. Alam niya palang magmano?
"Kaawaan ka ng Diyos apo."
"Magkaedad lang po kayo ng grandma ko lola. Namimiss ko na nga po siya eh."
"Nasaan ba ang lola mo?"
"Nasa Korea po siya lola."
"Wag ka mag alala apo. Habang nandito ka sa Pilipinas, ako muna ang lola mo. Ayos ba yun?"
"Oo naman po lola," sabi niya at niyakap ang lola ko. Napakasweet niya palang tao. Malapit siya sa mga bata pati na rin sa matatanda. Halatang family-oriented siyang tao kagaya ko.
"Lets go Kuya V. Marami akong toy sa kwarto," sabi naman ni William.
"Ok. Lets go."
Umakyat nga sila at naiwan kami ni lola sa sala.
"La gusto niyo bang manuod ng drama?"
"Oo apo." Inon ko nga ang tv.
"Maiwan muna kita lola. Pupuntahan ko lang yung dalawa."
"Sige apo."
Umakyat nga ako para silipin ang ginagawa nang dalawa.
"Ate Vie, halika. Sama ka sa amin maglaro nang basketball," agad na sabi ni William nang makita ako.
"Sure bunso," sabi ko naman at pumasok.
"Tayo ang magkasama ate tapos si Kuya V lang mag isa."
"O sige tapos may wish ang mananalo ha," sabi naman ni V.
"Sige. Sige," pasigaw namang sabi ni William at nagstart na nga kaming maglaro. Mini basketball ring siya side to side. Bale kailangan naming mashoot ang bola habang nakaupo lang sa sahig pero dahil medyo maliit pa si William ay nakatayo siya kaya mabilis niyang nashoshoot ang bola. Nakakashoot din si V kahit di siya masyadong malapit sa ring namin. Magaling ata siyang magbasketball eh. 16/16 ang score namin kaya kailangan naming makashoot ni William para kami ang manalo.
"Ate Vie ishoot mo," sigaw ni William sa kin at pinasa ang bola. Agad naman akong nagmadaling umurong papunta sa ring ni V at ishoshoot ko na sana nang itaas niya ang mga kamay niya para harangan ang pagshoot ko at dahil mataas ang mga kamay niya ay di ko maishoot ang bola. Nagulat na lang ako nang agawin ito sa akin ni William kaya naout of balance ako dahil narin nakataas ako nang konti sa sahig. Dire-diretso akong napatumba sa harap ni V kaya pareho kaming napahiga habang nasa ibabaw niya ako. Napadilat ako nang maramdamang may malambot sa labi ko at doon ko lang narealize na sa pisngi pala ni V dumapo ang lips ko kaya agad akong napabangon.
"Yes. We win ate Vie," sigaw naman ni William at niyakap ako.
"Yes bunso. We win."
Bumangon din naman siya. Binaling ko naman sa ibang direksyon ang tingin ko.
"Maghahanda muna si Ate ng lunch natin ok. Dito muna kayo ni Kuya mo. Tatawagin ko lang kayo later."
"Ok po ate. Tara kuya V, lets play cars."
"Ok William."
Agad naman akong lumabas nang di tumitingin sa kanya. Mabilis akong bumaba at agad nagpunta sa kusina. Napahawak ako sa lips ko. OMG. Nakakahiya yun. Sobrang awkward.
"Vie may problema ba?," rinig ko namang tanong ni Lola sa likod ko.
"Wala po lola. Maghahanda lang po ako nang tanghalian."
"Tulungan na kita."
Nang matapos maluto at maihanda ang pagkain ay umakyat na ako para tawagin sila.
"William, kain muna tayo bunso."
"Ok po ate. Tara kuya V kain muna tayo. Masarap si ate magluto."
Napatingin naman ako kay V na nakatingin din pala sa akin. Bigla ko naman naramdaman ang pag init ng mukha ko kaya bago niya pa mapansin ang pamumula ng pisngi ko ay agad na akong tumalikod.
"Tara na," nasabi ko na lang at naunang bumaba habang nakasunod silang dalawa sa akin. Nailang naman akong kumain dahil nasa harap ko siya. Katabi ko kasi si William at katabi naman niya si lola. Nakatingin lang ako sa plato ko habang kumakain.
"Ate pahingi naman ako nung fried chicken," sabi ni William kaya agad ko siyang binigyan ng fried chicken.
"Masarap yung foods di ba kuya V?," tanong naman ni William kay V kaya napatingin siya sa akin.
"Oo William. Masarap pala magluto ang ate mo," sagot niya habang nakatingin sa akin kaya napayuko na lang ako.
"Ate bakit namumula yung pisngi mo? Nagmake up ka ba?"
Nagulat naman ako sa tanong ni William kaya agad akong tumayo.
"Kukunin ko lang yung dessert."
Nang makapasok sa kusina ay agad akong napahawak sa dibdib ko at napahawak sa pisngi ko. Viennice ano bang nangyayari sayo???
YOU ARE READING
Book 2: Afraid to Fall in Love
FanfictionCast: Kim Taehyung Jannea Viennice Atienza It is about V who can't move on and afraid to fall again because of his past relationship and Viennice who falls in love easily and ready to risk anything for the one she loves. What will happened if Vienni...