Episode 4: His Personality

17 1 0
                                    

(Viennice POV)

Nasa sulok lang siya habang hawak hawak ang phone niya at nakayuko. Hmm may problema kaya siya? Inaanak siya ni Mrs. Arevalo pero rinig kong tita ang tawag niya dito nang magkausap sila sa phone kanina.

"Ok na ba lahat guys. Parating na si Mrs. Arevalo and we're going to start in an hour."

"Yes maam Aira. Ok na po."

"Yung mga damit ok na ba? Yung mga models?"

"Maam Aira," sabi ni Zen na hinihingal sa harap namin. Siya nakatoka sa dressing room with the models.

"Bakit Zen? Is everything ok?"

"Di daw po makakarating ang model natin para sa main dress. Nagkasipon at ubo daw po."

"What? At ngayon lang nila sinabi?"

"Whats happening here?"

Nagulat naman kami nang may nagsalita at nakitang si Mrs. Arevalo pala ito.

"Ahm there is a minor problem maam but we're going to fix it immediately. Lets go Zen," sabi ni Maam Aira at sumama kay Zen.

Bumalik naman kami sa mga task namin. Nakita ko namang pinuntahan ni Mrs. Arevalo yung inaanak niya.

"Maam JV pinapatawag po kayo ni Maam Aira sa dressing room," sabi sa kin ni Mika. Sumama naman ako sa kanya.

"Bakit po maam Aira?," agad kong tanong sa kanya nang makapasok sa dressing room.

"She is perfect for that dress. You can wear it to her."

"Po?," gulat kong tanong sa sinabi ni maam.

"We really need your help JV."

"Pero di po ako model and di po ako sanay."

"Its okay JV. Maglalakad ka lang naman sa stage. Please. We really need you."

"Ahmm.."

Wala na akong nagawa kundi gawin itong favor. Dahil highlight ito sa event I need to do this para di masira ang launching na ito. Natry ko na rin naman magmodel pero sa bahay lang yun. Sa harap ng salamin at sobrang bata ko pa nun. They put make up on me and curled my hair. Meged ako ba to? Pinasuot naman nila sa kin ang dress. Isa siyang cocktail dress na kulay royal blue na may gold liner sa waist area. Napakasimple lang pero sobrang elegant. Napakakomportable din ng tela. Mukha akong royal princess sa aura ko nang matingnan ang sarili ko sa salamin.

"You look perfect maam JV," sabi sa kin ni Mika. Napangiti naman ako.

"Kasama mo mamaya sa stage yung inaanak ni Mrs. Arevalo. Siya yung partner mo. Just relax when you walk, ok."

Tumango na lang ako kay maam Aira. Ako na lang ang naiwan sa dressing room dahil nagsilabasan sila for finalizing the event. Lagi akong napapabuga ng hangin dahil sa kaba. Makakasama ko pa mamaya yung lalaking yon. At least maglalakad lang. After this JV tapos na. Ilang minuto lang yun. Dahil sa sobrang kaba ay naisipan ko munang lumabas. Napansin ko naman yung inaanak ni Mrs. Arevalo na naglalakad papuntang exit kaya agad ko siyang hinabol. Mabuti na lang di pa ako nagsuot ng heels.

"Teka lang," sabi ko nang mahabol siya. Napalingon naman siya sa akin.

"Saan ka pupunta? Bakit ka lalabas?"

"It is none of your business," sagot niya at naglakad ulit kaya hinawakan ko ang damit niya. Napalingon ulit siya sa akin.

"Malapit nang magstart ang launching ng tita mo and yet aalis ka?"

"I said its none of your business so pwede ba put your hand away from my shirt."

Binitawan ko naman ang damit niya. Magsisimula ulit sana siyang maglakad nang magsalita ako kaya napahinto siya.

"Ilang buwan naming pinaghandaan tong event para maging successful. Kahit ang tita mo naglaan nang oras para maging perfect ang mga ilalabas niyang damit. Narinig kong makakasama kita mamaya sa highlight yet aalis ka at iiwan mo ang event na to? Gusto mo bang masira ang event ni Mrs. Arevalo? Ang pinagpagurang event ng tita mo? Siguro you want to leave because of an important matter pero sana isipin mo din na importante din to sa tita mo," nasabi ko na lang at naglakad pabalik sa dressing room. Hay panu na to mamaya?

(V's POV)

Napalingon ako sa kanya pero nakita ko na siyang naglakad paalis. Tama siya importante to kay tita pero kailangan kong bumalik ng Korea. Kailangan kong puntahan si Yanna. Kailangan ko siyang makausap.

(Viennice's POV)

Nagsisimula na ang event at sobrang kinakabahan na talaga ako. Sana maging successful to kahit papanu.

"Presenting the new design that Mrs. Arevalo made," announce sa labas kaya pumuwesto nako. Lima kaming lalabas at ako ang huli since nasa akin ang highlight.

"Nasaan ang inaanak ni Mrs. Arevalo?"

"Di ko po siya makita maam Aira. Kanina ko pa po siya hinahanap."

"What? No this can't be."

Napayuko na lang ako. Umalis nga talaga siya kaya kailangan ko tong galingan. Nang ako na ang susunod ay inihanda ko na ang sarili ko. Nang umakyat na ako at naghihintay na lang na bumalik yung pang apat ay napansin ko siya sa kabilang side. Medyo nagulat ako nang makita siya. Nakasuot siya ng amerikana na same ng kulay sakin.

"Ikaw na JV. Kaya mo yan. Smile ka lang. Stay close to V," rinig kong sabi ni maam Aira. V? Lumabas na nga ako kasabay siya at nagtagpo kami sa gitna. Nagulat nalang ako nang hawakan niya ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya. Para kaming prince and princess. Ngumiti siya sa akin.

"Lets make this event a successful one so you should also smile and don't give me that look," bulong niya sa akin. Agad naman akong tumingin sa mga audience at ngumiti. Nilink naman niya ang kamay ko sa braso niya at naglakad na kami sa stage. Todo ngiti ang binigay ko habang puro flash ang camera ang nakikita ko. Nagpalakpakan din sila at may naririnig pa akong mga positive comments like "bagay na bagay sa kanya", "ang ganda naman ng damit niya" at "they look good together". Hmmm i think yung huli medyo negative.

Book 2: Afraid to Fall in LoveWhere stories live. Discover now