Episode 7: His Real World

16 1 0
                                    

(Viennice's POV)

"JV pumunta ka sa shop ni Mrs. Arevalo. May ibibigay siyang papers para sa bagong event niya."

"Ok po maam."

Nagpunta nga ako sa shop ni Mrs. Arevalo. Nang makapasok ay agad akong nagtungo sa office niya.

"Kids outfit are my new design concept. Nanjan na ang mga kakailanganin ko for the event. If you have questions just ask my secretary cause I really need to go."

"Ok po maam. Ingat po."

Binasa ko naman ang iniwan niya. Ang dami naman naming gagawin.

"Excuse me po maam," napalingon naman ako sa nagsalita.

"Pinapahabol po ni Mrs. Arevalo na isama niyo po daw si sir V sa lahat ng preparation niyo."

"Huh?" Napanganga naman ako sa sinabi niya. Teka makakasama? Ibig sabihin... No way... Nagdecide naman akong bumalik na sa office. Nagpalingon lingon naman ako in case makita ko siya pero wala kaya lumabas na ko.

"Hey you! Ate ni William."

Napalingon naman ako sa sumigaw at nakita siya sa loob ng kotse niya habang nakadungaw sa kin. Lumabas naman siya.

"Lets go."

"Huh? At san naman tayo pupunta?"

"We're going to your office,right?"

"At bakit ka naman kasama?"

Nakatingin naman siya sa akin nang masama at doon ko naalala ang sinabi nung secretary. Napayuko naman ako.

"What are you waiting for? Christmas? Malayo pa yun kaya sumakay ka na."

Napaangat naman ako ng ulo nang marinig yun. Teka linya ko ata yun ah. Gaya gaya din siya eh. Wala na akong nagawa kaya sumakay na ako.

"Tara na," sabi ko naman sa kanya nang di pa niya pinaandar ang kotse.

"I told you ayokong umalis hanggat hindi safe ang kasama ko."

Napatingin naman ako sa kanya na nagtataka. Nginuso naman niya ang seatbelt ko at doon ko lang naalala na kailangan ko palang magseatbelt.

"Sorry," nasabi ko na lang after magseatbelt. Pinaandar naman niya ang kotse at bumyahe kami papuntang office. Nang makarating ay nakasunod lang siya sa akin nang iwan niya sa lobby ang kotse niya.

"Thanks JV. Kaw nang bahala kay V. Isama mo siya sa lahat ng lakad mo at lahat ng preparation mo for this event. Si Mrs. Arevalo nagrequest na ikaw ang makakasama niya whole month until this event."

"Po? Bakit po ako? Madami naman kami maam Aira eh."

"Di ko rin alam. This is your task or should I say task niyong dalawa."

"Ok po maam. I'll go na po."

"Enjoy her company V," sabi naman niya kay V at ngumiti lang nang tipid yung V. Pagkalabas namin sa office ni Maam Aira ay nakasunod pa rin siya sa akin. Pinagtitinginan naman kami nang mga kasamahan ko.

"Dito ka na umupo pogi," landing sabi sa kanya ni Kristine. Umupo naman siya sa silyang katabi kay Kristine at nagsimula silang mag usap. Bahala ka jan. Binasa ko naman ang task na binigay sa kin ni maam. I need to find 10 kids na magiging model sa event. Narinig ko namang tumawa nang maarte si Kristine kaya napalingon ako sa kanya. Nakita ko namang tinapik niya pa si V.

"V dito ka nga umupo. May sasabihin ako sayo," tawag ko sa kanya kaya lumingon silang dalawa sa akin. Nakataas naman ang kilay ni Kristine sa akin kaya tinaasan ko din siya. Kala niya siya lang marunong. Lumipat nga siya sa tabi ko.

"Basahin mo yung task natin," sabi ko sa kanya na may pagtataray. Kinuha niya nga sa akin ang papel at binasa. Nagresearch naman ako nang mga kids na nagmomodel na para matawagan ko at makausap.

"Bakit di mo isali si William?"

Napalingon naman ako sa kanya kaya nabitawan ko ang ballpen ko. Sabay kaming yumuko para pulutin ang ballpen ko kaya nagkahawakan kami nang kamay. Nagkatinginan naman kami at doon ko lang narealize na ang lapit pala namin sa isat isa kaya agad akong umupo nang maayos at binitawan ang ballpen. Nilapag naman niya ito sa table ko. Nagpatuloy lang ako sa pagreresearch nang makakita ako nang picture na pamilyar sa akin kaya pinindot ko ito. Mas dumami naman siya nang napindot ko. Nagulat na lang ako nang makilala ang nasa pictures. Napalingon ako sa katabi ko. Napalingon naman siya sa akin nang mapansing nakatingin ako sa kanya. Napatingin siya sa monitor ko at napatingin ulit sa akin na nakatitig lang sa kanya. Hinawakan naman niya bigla ang kamay kong nasa mouse at inexit ang tab na puro picture niya. Artista ba siya? Sikat ba siya? Bakit sobrang pogi niya sa mga pictures na yun?

Book 2: Afraid to Fall in LoveWhere stories live. Discover now