(V's POV)
Nasa airport na ako ngayon habang naghihintay nang flight ko. Nang tinawag na ang flight number ko ay agad akong tumayo at naglakad nang matapilok ako at madapa. Mabilis naman akong tumayo at napatawa na lang bigla. Naalala ko yung text ni Vie sa kin kagabi. Nadapa nga ako sa Korea. Nakangiti pa din ako habang nasa loob na ng eroplano. Nang makalapag sa NAIA airport ay agad kong tinawagan si Viennice ngunit di siya sumasagot. Ano na naman kaya ang ginagawa niya o baka naman di niya sinave ang number ko at stranger na naman ako para sa kanya kaya di niya sinasagot. Tinawagan ko naman si Tita.
"Yes anak?"
"Tita can you give me the number of Maam Aira. May itatanong lang ako sa kanya."
"Ok ill send it to you. Are you already in the Philippines?"
"Yes tita. Kakadating ko lang."
"Ok. Ingat ka pauwi dito."
Nang mareceive ko ang number ay agad kong tinawagan.
"Yes V? Why did you call?"
"Ahm kasama niyo po ba si Viennice?"
"Hindi. I called here a while ago and she said may kukunin siya sa office before siya uuwi."
"Office? Ok Maam Aira, thank you."
Nang mababa ang phone ay agad akong pumara nang taxi at nagpahatid sa office. Medyo traffic pa. Naalala ko naman ang lalaking nakita ko kahapon na nakabantay sa labas ng office. I told her na wag sa office niya gawin ang trabaho.
"Manong pakibilisan po."
Nang makarating sa office ay agad kong pinihit ang pinto ngunit nakalock. Pinakinggan ko naman kung may ingay ba sa loob nang marinig kong may sumisigaw ng tulong. Di ako pwedeng magkamali boses yun ni Viennice. Pinihit ko ulit ang pinto at tinulak tulak.
"Viennice!,"sigaw ko habang sinisipa ang pinto. Humanap naman ako nang malaking bato at pinupukpok ang doorknob. Nang masira ito ay agad kong sinipa nang sobrang lakas ang pinto kaya nasira ito at bumukas. Pagkapasok ko ay agad kong nakita si Viennice sa may gilid nang pinto na wala nang malay habang nakabukas na ang butones sa pang itaas niya. Nasa tabi naman niya ang isang lalaki habang nakahawak sa damit niya. Sa sobrang galit ko ay agad ko siyang inambagan nang suntok at marami pang suntok. Halos dumugo na ang mukha ng lalaki sa dami nang suntok ko. Nang makitang nanghihina na siya ay tinigilan ko na ang pagsuntok at pinuntahan si Viennice. Hinubad ko naman ang jacket ko at tinakip sa kanya.
"Viennice gumising ka," tapik ko sa mukha niya ngunit di siya gumigising. Nakita ko namang may dugo sa ulo niya kaya agad ko siyang binuhat at sinugod sa ospital. Nang asikasuhin siya ng mga doktor ay tinawagan ko si tita at sinabi ang nangyari. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ang doktor.
"Dok how is she?"
"She is already fine. Itatransfer na namin siya sa kwarto niya."
"Thank God. Thank you po Dok."
Nang makaalis ang doktor ay dumating naman si tita kasama ang mama ni Viennice at si William.
"Kuya V, ano pong nangyari kay ate Vie?," iyak na tanong sa akin ni William.
"Ok na si Ate Viennice mo. Pupuntahan na natin siya sa kwarto niya. Makikita mo na siya."
Agad naman kaming nagpunta sa kwartong nilipatan ni Viennice. Mas umiyak naman si William nang makita ang ate niya. Nilapitan naman siya ng mama niya.
"Anak, Viennice? Nandito na si mama. Anak gumising ka na."
Lumabas naman kami ni tita. Nadatnan naman namin sa labas ang dalawang pulis.
"Good evening sir. Nahuli na po namin yung lalaking nagtangka kay Miss Atienza. Sabi nang mga witness, matagal nang nagmamanman si Mr. Adorbe sa office na yun kahit hanggang gabi at mukhang si Ms. Atienza ang lagi niyang tinitingnan at binabantayan. Lulong sa alak si Mr. Adorbe at kagabi niya binalak ang gusto niya since walang ibang kasama si Ms. Atienza nang mga oras na yun. Sinampahan na po namin siya nang attempted rape at trespassing."
"Salamat po chief. Pupunta na lang po ako bukas para pormal na magsampa ng kaso."
"Ok po Mr. Kim. Mauna na po kami. Ito nga po pala ang gamit ni Ms. Atienza."
"Uuwi na rin ako anak. Sasabay ka ba?," tanong naman sa akin ni tita nang makaalis ang mga pulis.
"Hindi na po tita. Mauna na po kayo. Uuwi din ako pagkatapos dito."
"Ok. Ingat ka."
"Kaw din tita."
Hinatid ko naman siya sa kotse niya at bumalik sa kwarto ni Viennice. Nang makapasok ako ay nakita kong nakahiga na sa may sofa si William.
"Tita, ito nga po pala ang bag ni Viennice," sabi ko kay tita at inabot ang bag sa kanya.
"Salamat V sa pagligtas sa anak ko. Di ko akalaing kailangan pang mangyari to bago ko marealize na hindi ko kayang masaktan ang anak ko at ngayon muntik pa siyang mapahamak. Halos sinisi ko siya sa pagkawala nang papa niya at dahil dun di ko na siya pinapansin o inaalala. Naging pabaya ako. Kawawa naman ang anak ko," sabi ni tita na umiiyak na nang sobra.
"Wag niyo na pong isipin yan tita. Alam naman po ni Viennice na mahal niyo siya."
"Sana nga V alam niya dahil sobrang mahal na mahal ko siya."
YOU ARE READING
Book 2: Afraid to Fall in Love
FanfictionCast: Kim Taehyung Jannea Viennice Atienza It is about V who can't move on and afraid to fall again because of his past relationship and Viennice who falls in love easily and ready to risk anything for the one she loves. What will happened if Vienni...