Episode 3: First Meeting

21 1 0
                                    

(Viennice's POV)

Nag aayos kami ngayon sa venue nang event ni Mrs. Arevalo. Kanya kanya kami nang gawain.

"JV can you go to Mrs. Arevalo's shop and get the dresses she needed," utos naman sa akin ni Maam Aira.

"Pero maam mag isa lang po ako? Isasama ko na lang po si JC."

"No. Nandun daw yung inaanak niya. He can help you. Now go. Faster."

"Ok po."

Nagtaxi ako papuntang shop. Nang makarating ay agad akong pumasok. Wala namang tao dito ah. Nasaan yung sinasabing inaanak ni Mrs. Arevalo.

"Hello. May tao ba dito?"

Nang walang sumagot ay agad akong nagpunta sa mga helerang damit na kakailangin sa event. Dahil wala akong katulong ay naisipan ko na lang na ilagay ito sa box para di ako mahirapang dalhin. Nang malapit nang matapos ay nagulat ako sa biglang nagsalita. Nang lingunin ko siya ay bigla akong naout of balance. Akala ko ay hahawakan niya ako dahil lumapit siya pero di pala kaya napaupo ako sa sahig. Yung damit pala ang nilapitan niya.

"Aray ko naman," nasabi ko nang mahawakan ang pwetan ko.

"Anong ginagawa mo? Bakit mo kinukuha ang mga damit nato?" Tiningnan ko naman siya bago ako tumayo.

"Magnanakaw ka no?," pasigaw niyang tanong.

"Excuse me di ako bingi ok. I'm not a thief. Nandito ako para kunin ang mga damit na gagamitin sa event."

"Eh bakit sa box mo nilalagay? Ano yan ipapalbc mo?"

"Tatawa na ba ako sa joke mo? Malamang tinipon ko lahat para mabitbit ko nang sabay. Akala ko kasi may tutulong sa kin dito eh wala naman pala yung inaanak ni Mrs. Arevalo," sagot ko at inilagay ang huling damit sa box.

"Ako ba ang tinutukoy mo?"

Napatingin naman ako sa kanya.

"Owww so ikaw pala yun? Ano pang hinihintay mo? Pasko? Matagal pa yun. Tulungan mo na ako. Kailangan nating magmadali. Buhatin mo na yan," agad kong sabi sa kanya ngunit di siya gumalaw at nakatingin lang sa phone niya. Megad!! Dali dali kong binuhat ang box at lumabas kahit medyo nabibigatan ako. Pumara ako nang taxi at nagpatulong kay manong driver ngunit agad niya itong pinigilan.

"Sorry po manong but we have a car," sabi lang niya at binuhat ang box at nilagay sa kotse. Nagsorry din ako kay manong at sumunod sa kanya. Inuurong ko naman ang box para makaupo sa backseat.

"Sa tingin mo talaga magkakasya ka jan?"

"Anong tingin mo sa kin dambuhala para di magkasya dito?," sabi ko habang tinutulak pa rin ang box.

"I didn't say that. Dito ka na sa tabi ko. Gagawin mo pa akong driver," sabi niya at sumakay na. Padabog ko namang sinara ang pinto sa backseat at sumakay sa front.

"Ano pang hinihintay mo? Sabing matagal pa ang pasko. Malelate na tayo," tanong ko nang di pa niya pinaandar ang kotse.

"Ayokong magmaneho nang hindi safe ang kasama ko."

"What?," tanong ko pero agad siyang lumapit sa akin. As in ang lapit sa kin. Amoy ko nga ang pabango niya. Napapikit na lang ako. Narinig ko naman ang paglock ng seatbelt at doon ako napadilat. Ikinabit niya pala. Makakalimutin kasi talaga akong magseatbelt everytime sumasakay ako. Pinaandar niya na ang kotse at nakarating kami sa venue nang mga 20 minutes. Mabuti na lang mabilis siya magdrive. Kinuha naman niya ang box sa backseat at dinala sa loob kaya sinundan ko siya at tinuro kung saan niya ilalapag ang mga yun. Nakita ko naman ang mga kasama kong babae na kinikilig sa kanya. Well, gwapo naman talaga siya so wala tayong magagawa dun.

"Hoy Viennice," rinig kong tawag sa kin ni Cass. Lumapit naman siya sa akin.

"Sino yang gwapo mong kasama?"

"Yan yung inaanak ni Mrs. Arevalo."

"Alam mo pangalan niya?"

"Hindi. Tanungin mo kung gusto mo," sagot ko at inayos ang mga damit.

"Taray mo ah, meron ka?"

"Tse. Bumalik ka na nga dun," sagot ko at tinulak siya. Tumawa lang siya habang naglakad paalis.

(V's POV)

Nakarating kami sa venue ng launching ni Tita. Pagkapasok ko ay agad akong napansin nang lahat at nakita kong nagbubulungan at kinikilig ang ibang mga babae. Hindi sa pagmamayabang pero sanay na ako na ganyan ang reaksyon nila. Naalala ko pa nga dati sa mga partyng pinupuntahan ko ganito din ang mga babae pero agad nililink ni Y ang kamay niya sa braso ko para ipakitang sa kanya ako. Natutuwa ako pagganun siya dahil alam ko na nagseselos siya. Tumunog naman ang phone ko nang mailapag ang box. Agad ko itong tiningnan. Si Bo Gum hyung pala nagchat. Kinukumusta niya ang bakasyon ko. Naupo ako sa may side habang hinihintay si Tita. Si hyung lang ang kachat ko nang biglang may nagnotify sa kin. Nang tingnan ko ay sa instagram pala ni Y ang notif. Nagulat na lang ako at napayuko dahil sa post niya. Yanna bakit mo ba nagawa sakin to?

Book 2: Afraid to Fall in LoveWhere stories live. Discover now