(V's POV)
Pinasundo lang ako ni Tita sa airport dahil may lalakarin pa siyang importante. Naghihintay ako ngayon sa shop niya. Makalipas ang kalahating oras nang paghihintay ay dumating din si Tita. Agad ko naman siyang nilapitan at hinalikan sa pisngi.
"Napakasweet pa din nang inaanak ko. Kumusta ang mama mo?"
"Ok lang po siya Tita. Namimiss ka na nga eh."
Ninang ko siya pero Tita ang gusto niyang itawag ko sa kanya. Masyado daw nakakatanda ang ninang.
"Eh ako ba hindi mo namiss?," tanong niya sa akin na may pagtatampo.
"Syempre naman tita, namiss ko kayo pero bakit po wala kayo nung last concert namin?," tanong ko naman at nagkunwaring nagtatampo. Fan din kasi si Tita nang grupo namin at ang nakakatampo pa hindi ako ang iniidolo niya kundi si J-Hope dahil nakyukyutan daw siya. Cute din naman ako ah.
"Sumakto kasi yun sa launching nang mga bago kong design kaya di ako nakapunta. Bakit nagtampo ba si Hopie ko?" Napayuko naman ako at nagpapadyak nang paa ko. Kunwari nagtatampo na talaga ako. Narinig ko namang tumawa siya.
"Ok. Wag ka na magtampo. Mas cute ka naman talaga kay Hopie eh."
"Kunwari ka tita pero pagnanjan si Hyung di mo ko nakikita."
"Naku. Tara kain tayo."
"Anong kakainin natin?," tanong kong may tampo pa.
"Watermelon?"
"Di nga tita?" Tumango naman siyang nakangiti.
"Ok kaja." Tumawa naman siya.
(Viennice's POV)
"Hai po mama," bati ko sa mama ko nang makarating nang bahay. Di niya ako pinansin kaya dumiretso lang ako. Sanay na rin ako na ganyan siya. Wala na ang papa ko. Namatay siya two years ago dahil sa isang aksidente.
"Mamila, kumusta ang lola kong maganda?," bati ko kay lola nang puntahan siya sa kwarto niya. Tinabihan ko naman agad siya sa kama at niyakap.
"Oh Jann nandito ka na pala apo. Ok lang ang lola mo. Ikaw, kumusta ang trabaho?"
"Ganun pa rin mamila. Sige na po magpahinga na kayo."
"Magpahinga ka na din apo."
Niyakap ko lang si lola at napaiyak. Mabuti na lang nandito si lola at ang kapatid ko kahit papano masaya pa rin ako sa bahay na to. Nang maramdamang tulog na siya ay bumangon nakot kinumutan siya. Hinalikan ko naman siya sa noo bago lumabas. Nasa sala pa din si mama. Kinuhanan ko siya nang tubig at nilapag sa mesa niya. Umakyat nako sa taas at pinuntahan muna ang kapatid kong si William. Six years old na siya. Inayos ko ang kumot niya at hinalikan siya sa pisngi bago ako lumabas. Nang makapasok sa kwarto ko ay agad akong nagbihis. Nang makahiga sa kama ay napansin ko ang photo na nasa mini table ko. Kinuha ko naman ito.
"Pa. How are you po?" Napaluha ako nang maalala kung paano siya nawala.
"Pa sorry kung hanggang ngayon di pa rin po ako pinapatawad ni mama. Ginawa ko naman po ang lahat Pa pero di niya pa rin po ako kinakausap. Kasalanan ko rin po kasi kung bakit kayo nawala sa amin. Pa sana dumating ang araw na bumalik na si mama sa dati. Sana mapatawad na niya ako." Niyakap ko naman ang frame at umiyak.
(V's POV)
"Dito daw po ang kwarto niyo sir," hatid sa kin ng kasambahay ni tita.
"Thank you po." Nang makapasok ay agad akong nahiga sa kama. Kinuha ko ang phone ko at chinat si Lhianna sa messenger.
"Hai Y Kararating ko lang sa bahay ni tita. Busy ka pa rin ba?"
"Magbabakasyon lang ako dito. Babalik din ako jan."
"I miss you and I love you."
Si Lhianna ang masasabi kong naging long time girlfriend ko. Y ang tawag ko sa kanya dahil Yanna ang nickname niya. Two years na kami last 2 months pero di ko alam kung bakit niya ako hiniwalayan sa mismong anniversary namin. Halos mabaliw ako nang di siya sumipot at nagtext lang na break na kami. Pinupuntahan ko siya sa condo niya pero laging wala siya. Tinatawagan ko pero di siya sumasagot. Halos isang buwan kong ginawa yun. Kahit mga activity nang grupo di na ako nakakapagconcentrate. Si manager na ang pumilit sa kin na lumayo muna at magbakasyon. Pero di ako titigil. Di ako susuko. Babalik ako para sa kanya. Nagscroll down ako sa mga messages ko sa kanya na hanggang ngayon wala pa rin akong nakukuhang reply.
YOU ARE READING
Book 2: Afraid to Fall in Love
Hayran KurguCast: Kim Taehyung Jannea Viennice Atienza It is about V who can't move on and afraid to fall again because of his past relationship and Viennice who falls in love easily and ready to risk anything for the one she loves. What will happened if Vienni...