Episode 5: Broken Heart

21 1 0
                                    

(V's POV)

Pagkatapos nang event ni tita ay agad akong nagpaalam sa kanya na babalik muna ako nang Korea. Pinayagan naman niya ako at agad akong nagpunta sa airport at bumili ng ticket. Makalipas ang 1 oras na paghihintay ay nakasakay na rin ako nang eroplano at nakaalis na ng Pilipinas. Nang makalapag ang eroplano at makalabas ng airport ay agad akong nagpunta sa condo ni Yanna. Kumatok ako nang kumatok at binuksan niya nga ang pinto.

"V?," gulat niyang bungad sa akin.

"Yanna please mag usap tayo," agad kong sabi sa kanya nang hawakan ang kamay niya.

"Sino yan Y?," rinig kong tanong sa kanya nang boses lalaki sa loob ng condo niya.

"Wala to L. Labas muna ako. May bibilhin lang ako."

Nang makalabas siya ay hinila niya ako. Nagpunta kami sa rooftop nang condo building. Nakatalikod siya sa akin ngayon. Agad ko siyang nilapitan at niyakap mula sa likod.

"Yanna, ano bang nangyari sa atin? Bakit mo ba ako iniwan? Sino yung L?"

"V please wag ka nang pumunta dito," sagot niya at tinanggal ang pagkakayakap ng kamay ko sa kanya. Humarap naman siya sa akin.

"Akala ko ba tayo hanggang dulo. Sabi mo di mo ko iiwan pero bakit ganito?"

"V may mahal na akong iba," sabi niya at umiyak na.

"Hindi ako naniniwala sa yo Y. Di ka iiyak nang ganyan kung totoo ang sinasabi mo. Alam kong ako pa rin Yanna," sabi ko at niyakap ulit siya.

"Sorry V for hurting you. I need to do this. I need to let you go."

"What do you mean?," tanong ko at tiningnan siya. Umiiyak pa rin siya.

"L needs me. May sakit siya sa puso and I need to be with him kaya please V wag ka nang babalik dito." Agad ko naman siyang niyakap.

"No Yanna. I love you and I know you love me too. Maghihintay ako sayo. Hihintayin kita kahit gaano pa katagal," sabi kong umiiyak na din.

"V, I don't want to hurt you anymore. You don't deserve a coward girl like me. You can find someone else who can be with you forever and that is not me so please just let me go V," sabi niya at kumalas sa yakap ko.

"Please V wag ka nang bumalik pa dito," huling sabi niya at iniwan na akong tuluyang mag isa. Napasigaw na lang ako sa sobrang sakit. Umiyak lang ako nang umiyak. Iniwan na ako nang babaeng mahal ko.

"Yanna," naisigaw ko na lang at napaupo ako habang umiiyak pa din.

(Viennice's POV)

"Good job everyone. We made it. Launching of Mrs. Arevalo's dresses is a success and we need to have a cheers for that."

Tinaas naman namin ang mga wine glasses namin at nagcheers.

"Ang ganda ganda mo kahapon beshy. Bagay na bagay sayo yung damit at bagay kayo nung inaanak ni Mrs. Arevalo para kayong royal couple," sabi ni Cass habang kinikilig pa.

"Alam mo Janine Cassandra kahit mabilis akong mafall sa isang tao meron pa rin akong tinatawag na exception. At ang lalaking yun ay isa dun. Sa ugali niya pa lang mateturn off ka na."

"Wew? Wala ka talagang nararamdaman sa kanya?"

"Wala. As in walang wala."

"Sus ganyan din sinabi mo sa kin nung kay James at kay Patrick. Naku maiinlove ka din sa lalaking yun."

Napailing na lang ako sa sinabi ni Cass. Mabilis nga akong mafall pero syempre sinisigurado ko rin kung talagang totoo na ang nararamdaman ko bago ako tumaya sa lakaking mamahalin ko.

(V's POV)

Umuwi muna ako sa bahay namin. Di muna ako pumunta sa dorm. Gusto kong makausap si Grandma.

"Taehyung apo. Kumusta? Bakit ganyan ang mga mata mo? Umiyak ka ba?," bungad sa kin ni Grandma habang nasa garden siya at nakita ako. Agad ko siyang nilapitan at niyakap. Umiyak ulit ako sa kanya.

"Taehyung may problema ka ba?," tanong niya nang tingnan ako. Umupo naman kami.

"Grandma nasasaktan po ako. Ang sakit sakit po dito. Iniwan na po ako ni Lhianna Grandma. May mahal na po siyang iba." Niyakap niya naman ako kaya mas napaiyak ako.

"Taehyung, makinig ka. Lahat ng taong nagmamahal ay talagang masasaktan. Magkarugtong na yan sila. Kung iniwan ka niya ibig sabihin nun pinapalaya ka na niya para mahanap mo ang taong para talaga sayo. Taong di mang iiwan at di ka pakakawalan. Nasa iyo lang kung pipiliin mong malunod sa sakit o magmahal ulit."

"Ayoko nang magmahal Grandma. Ayoko nang maramdaman ang ganitong sakit."

"Apo makakayanin mo rin to. Alam ko kaya mo dahil matapang ka."

Hinahaplos lang ni Grandma ang buhok ko. Ayokong magmahal ulit. Ayokong may pumalit sa kanya. Ayokong mawala nang tuluyan si Yanna. Di ko kaya.

Book 2: Afraid to Fall in LoveWhere stories live. Discover now