Episode 13: Letting Go

13 1 0
                                    

(Viennice's POV)

Mag isa ako ngayon sa kwarto dahil pinauwi ko muna si mama para makapagpahinga. Darating din naman maya-maya si Cass para makasama ko hanggang bukas. Alas singko na rin at medyo nagugutom na ako. Nagbabasa ako nang libro nang dahan-dahang bumukas ang pinto. Bigla namang bumalik sa isip ko ang nangyari nung gabing yun. May nakita naman akong aninong papasok kaya sa takot ko ay agad akong sumigaw at napaiyak.

"Tulong!!!"

"Viennice, what happened? Bakit ka sumisigaw?," rinig ko namang tanong nang taong humawak sa akin.

"Bitawan mo ko. Bitawan mo ko," sabi ko at nilalayo ang kamay niya sa akin.

"Si V ito Viennice."

Napatingin naman ako sa kanya nang sabihin niya yun. Di ko napigilang umiyak nang sobra dahil sa alaalang yun.

(V's POV)

Naaawa ako sa kanya dahil parang bangungot ang pangyayaring yun para sa kanya. Niyakap ko na lang siya habang umiiyak pa din. Nang tumahan siya ay inihiga ko siya. Nakapikit siya habang may luhang tumutulo sa gilid ng mga mata niya kaya pinunasan ko ito. Makalipas ang kalahating oras ay nagising siya.

"Kumain ka muna," agad kong sabi sa kanya at tinulungan siyang makaupo. Sakto namang dumating si JC.

"Vie sorry natagalan ako," agad na sabi ni JC at ngumiti lang sa akin.

"May emergency kasi sa bahay. Sinugod daw sa ospital si lolo."

"Ano? Eh di puntahan mo na dun."

"Pero wala kang makakasama dito."

"Ok lang ako. Kaya ko naman ang sarili ko. Sige na Cass puntahan mo na si Lolo Fredo."

"Tatawagan ko na lang si Tita para may kasama ka."

"Wag na Cass. Pagod si mama sa kakabantay sa akin. Ok lang talaga ako, promise."

"Ako na lang magbabantay sa kanya JC," agad ko namang singit sa kanilang dalawa. Napatingin naman sila sa akin. Anong masama sa sinabi ko?

"Talaga V?," tanong naman sa kin ni JC.

"Oo naman."

"Hindi na V. Ok lang talaga ako dito," sabi naman niya sa akin.

"Kung hindi ka papayag na siya ang magbabantay sa yo dito tatawagan ko talaga si tita."

"Cass naman. Ok fine. Sige na umalis ka na. Balitaan mo na lang ako tungkol kay lolo."

"Sige alis na ako. Kaw na bahala sa kanya V and thank you."

Nilapag ko naman sa mini desk niya ang pagkain niya nang magsalita siya.

"Ok lang talaga ako V. Pwede ka nang umuwi."

Napatingin naman ako sa kanya kaya nagtagpo ang aming mga mata. Nakikita ko sa itsura niya na medyo takot siya. Takot siya na wala siyang makasama.

"Wag ka nang magpumilit. Sige na kumain ka na."

"Thank you. Kumain ka na din. Sabayan mo na ako."

Sinabayan ko nga siyang kumain.

"Thank you nga pala sa pagligtas sa akin. Kung hindi ka dumating siguro ~."

Di na niya natuloy ang sasabihin dahil umiiyak na naman siya. Agad naman niyang pinahid ang mga luha niya.

"Siguro may masama nang nangyari sa kin kaya thank you," patuloy niya at tumingin sa kin habang nakangiti nang konti. Nginitian ko rin siya at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos ay humiga na siya at inayos ko na din ang higain ko. Kahit di ako sanay sa sofa matulog ay kinomportable ko na lang ang sarili ko.

"V ok ka lang ba jan?"

"Oo. Ayos lang ako," sagot ko pero pabaling baling ako dahil di ko makita ang komportableng pwesto.

"Nga pala V, bakit ang bilis mong bumalik galing Korea? Binisita mo ba parents mo?"

"Hindi. Sina lolo at lola ang binisita ko pati si Lhianna."

"Sino si Lhianna? Girlfriend mo?"

Nagflashback naman sa isip ko lahat ng happy moments namin ni Lhianna.

"Hindi. Ex-girlfriend ko na siya. Kasal niya nung araw na umalis ako."

"Eh anong ginawa mo?"

"I let her go and make myself free."

"You made the right decision V. Sometimes we need to let go the person we love cause maybe we are not meant to be with them. They are meant to be with someone else. Wag nating hintayin na may madamay sa pinaglalaban nating pagmamahal na dapat matagal na nating pinakawalan."

Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong may luhang tumulo sa mga mata niya.

"Matulog na tayo. Goodnight," sabi niya at tumagilid ng higa patalikod sa akin. Ramdam kong umiiyak siya.

"Goodnight din," sabi ko na lang at pumikit na din.


Book 2: Afraid to Fall in LoveWhere stories live. Discover now