(Viennice's POV)
Nagising ako nang mapanaginipan ko ang nangyari. Napaiyak na lang ako nang maalala ulit yun.
"Anak, Viennice? Kumusta ka na?"
"Mama," nasabi ko na lang at agad niyakap si mama. Umiyak ako nang sobra nang yakapin niya din ako. Matagal ko nang di naririnig na tawagin niya akong anak.
"Anak, patawarin mo si mama ha. Naging pabaya ako sayo pati sa kapatid mo. Sorry kung sinisisi kita sa pagkamatay ng papa mo. Di mo yun kasalanan. Kasalanan ko yun dahil di kita pinigilang umalis nung araw na yun. Pinabayaan kita at di inintindi. Sorry anak."
Bigla namang nagflashback ang nangyari two years ago.
~FLASHBACK~
"Ano? Sige umalis ka. Sundan mo yung lalaking sinasabi mong mahal ka."
Umiiyak ako sa harap ni mama habang sinesermunan niya ako. Sinabi niya kasi sa akin na nakita niya si James na may ibang kasama habang magkayakap pero ayaw kong maniwala dahil di yun magagawa ni James sa akin.
"Vienna naman. Tama na. Nasasaktan na yung anak mo," sabi ni papa at nilapitan ako.
"Ayaw makinig nang anak mo. Sinabi ngang nakita ko yung walang hiyang boyfriend niya na may ibang kasama. Kesa naman magbulag bulagan siya eh hiwalayan na niya."
"Mahal ko siya mama."
"Mahal mo nga. Eh siya mahal ka ba talaga? Viennice naman. Wag ka ngang tanga sa pag ibig."
Agad naman akong tumayo at naglakad papuntang pinto.
"Sige puntahan mo at hiwalayan mo na," rinig ko pang habol ni mama sa akin. Nakalabas na ako nang gate at naglakad papuntang sakayan. Umiiyak pa din ako pero kailangan kong malaman ang totoo. Habang naglalakad ay may humintong kotse sa gilid ko.
"Anak sumakay ka na," sabi ni papa nang makalingon ako. Nang makasakay ay nagtungo nga kami sa bahay ni James at doon ko nakitang may iba nga siyang kasama. Mas umiyak naman ako. Pinigilan ko naman si papang bumaba dahil baka anong gawin niya kay James.
"Papa uwi na lang po tayo," sabi ko na lang sa kanya kaya bumyahe kami pauwi. Habang nasa byahe ay iyak pa din ako nang iyak.
"Anak tahan na. He is not worthy of your love and tears. Tandaan mo, hindi siya kawalan sa buhay mo dahil mas marami kaming nagmamahal sayo."
Napatingin naman ako kay papa.
"Smile sweetheart. We're all here," sabi niya sa akin at ngumiti din nang biglang lumiko si papa nang binalik niya sa kalsada ang tingin. May nag overtake palang van sa amin kaya iniwasan ni papa pero nang pagliko niya ay may paparating palang mini truck at bumangga sa amin. Sa ospital na ako nagising at agad kong hinanap si papa. Si lola ang nagbantay sa akin at siya din ang nagsabing wala na si papa. Iyak lang ako nang iyak nun at hinanap si mama kaso di niya man lang ako dinalaw. Nalaman ko na lang na nilibing na si papa that day nang gumising ko. Umiyak ako at naghintay ng yakap ni mama nang pinuntahan niya ako after ng libing ni papa ngunit di man lang siya lumapit sa akin.
"Kasalanan mo kung bakit namatay ang papa mo. Kung di ka lang umalis nun at pinuntahan yung manloloko mong boyfriend hindi sana nawala ang papa mo. Kasalanan mo Viennice. Kasalanan mo," sabi ni mama sa akin habang umiiyak. Napaiyak naman ako lalo nang sabihin yun ni mama. Tama siya, kasalanan ko yun. Dahil sa pagpapakatanga ko namatay si papa. Mas napaiyak ako nang maalala ang huling ngiti niya sa akin.
~END OF FLASHBACK~
"Ok lang po yun mama. Kasalanan ko naman po talaga ang pagkawala ni papa," sabi ko habang umiiyak pa ding nakayakap sa kanya. Kumulas naman siya sa pagkakayakap at tiningnan ako sa mukha.
"Hindi anak. Wag mo nang isipin yun. Hindi mo kasalanan dahil walang may gustong mangyari yun. Simula ngayon, di ko na kayo pababayaan ni William. Mas aalagaan ko kayo at mas mamahalin. Patawarin mo si mama ok."
Umiyak ulit kami at muling nagyakap.
"Papa, thank you po and pangako lagi mo na kaming makikitang masaya. I love you po," sabi ko sa isip ko.
YOU ARE READING
Book 2: Afraid to Fall in Love
FanfictionCast: Kim Taehyung Jannea Viennice Atienza It is about V who can't move on and afraid to fall again because of his past relationship and Viennice who falls in love easily and ready to risk anything for the one she loves. What will happened if Vienni...