chapter 30

2.2K 36 2
                                        

Ganadong mag update lately.  I find it hard to relate sa crisis ng love story ni Daniel at Cassandra.  Good thing nagawa ko pa rin 😀
I feel sorry for Monette.  Ganun talaga, rendahan next time ha para di na makapuslit pa LOL.  Salamat sa patuloy na pagmamahal sa kwentong ito.  Love you all... muah!

Kasalukuyan kaming nasa faculty meeting.  Ito yung yearend review ni Dean sa previous performance ng school.  Naging positive naman ang feedback. 

It produces good quality of graduates na mas lalo nagpadagdag ng mga enrollees.
But the school wanted produce a fine graduates na promising on their field.  Magiging mahigpit ang kanilang pamantayan sa pagtanggap ng incoming at new students.  So, the school executives agreed that every new students should undergo physical test, medical exam, at skills test.  They will further go through interview to assess their determination in the field and to check if they have the passion towards it.  That's basically the process before they can enroll themselves.

The school did all those requirements to surpass if not equate the kind and quality of fashion schools abroad.  That makes them now the prestigious school of fashion design and modelling in the Philippines and in Asia.

Masaya na finally nagkaroon na rin ng eskwelahan ang dati ay pangarap lang niya.  Hindi na nila kailangan pang pumunta ng Paris para makakuha ng katulad na kaalaman sa pagdedesinyo at pagmomodelo.

Pagkalabas ng school, nakita nya kaagad  Daniel na nakasandal sa pintuan ng kotse niya.  Mukhang may inaantay.  Ano drama nito at di pumasok sa loob?
"Hello there beautiful!" malapad ang ngiti nitong lumapit sa akin.
"Ba't dito mo ako inantay.  Pumasok ka na lang sana sa loob."
"It's okay hon.  Kararating ko lang din. Let's go."  Di na ako nag abala pang dalhin ang sasakyan since hatid sundo niya ako.
"Saan tayo ngayon?  Pwedeng deritso na tayo sa condo kasi inaantok na ako eh." I settled on the car seat.  Sarap ng matulog.
"Yes hon, you're the boss." sumaludo pa sa akin.  Parang timang lang.
"Ewan ko ba, lately parang i easily feel exhausted. Baka ibigay ko na kay cheska ang load ko ng klase sa fashion school.  What do you think?" nilingon ko sya nung wala akong sagot na narinig.  He chewed his inner check to suppress his smile.  Hinampas ko nga sa braso.
"What?" and his grin finally showed up.
"Anong tinawa-tawa mo dyan?" nakasimagot na tanong ko sa kanya.
"Wala." He  chuckled.
Kinurot ko sya ng kinurot.  Nanggigil ako sa kanya.  Naiinis ako sa mukha niyang nakangisi sa akin.  Tinigilan ko na siya nung nagmakaawa na at tinakot pa akong baka mabangga daw kami.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng drugstore. 
"Hon,  saglig lang.  May bibilhin lang ako sa loob."  tumango lang ako habang nakapikit.  Para akong nahihilo na ewan.  Di ko matukoy saan particular ako may discomfort.
Sumisipol pa siya nung nakabalik na sa sasakyan na may dalang supot.
"Ano yan" sabi ko.
Sinagot lang niya ako na secret daw at kumindat sa akin.  Ay kahit kailan, pa cute lang talaga ang alam mo Daniel.

Inalalayan niya ako pababa ng saksakyan hanggang sa paglabas ng elevator na para ba akong babasaging bagay.  Pinaupo niya ako sa sofa at sinabihang siya na ang bahalang mag prepare ng dinner.
"Honey, ano ba yang niluluto mo? May halo ba yang bagoong? Ambaho eh." hindi ko mapigilang magreklamo. 
Nung tinawag na niya ako, lumapit na ako sa kusina.  Naduduwal ako sa amoy ng pagkain na nakahain sa mesa.  Oh God not now.  Tutop ko ang bibig ko patakbo sa comfort room malapit sa kusina.
Hinagod niya ang likod ko.  Jeez! Wala pa nga akong nakain, halos lumabas na ang sikmura ko sa pagsusuka.  Napapikit ako.  Pawisan na rin ako.  Inalalayan niya ako palabas ng banyo at pabalik sa sofa.  Pinunasan niya ako.  Binuhat na niya ako paakyat sa kwarto.  Kumuka kaagad siya ng kanyang oversized shirt at yun ang ipinampalit sa akin. 
"Ano ba yung niluto mo?"  balik kong tanong sa kanya. 
"Chicken curry."  maiksing sagot niya.
Bakit ganoon ang amoy nun?  Nanghihinayang ako kasi paborito ko pa naman yun, I sighed. 
"Anong gusto mong kainin hon?"  nag-alala niya akong tiningnan.
"I want roasted chicken stuffed with veggies.  Tsaka green mango salad.  Ngayon na agad, please."  naglalaway na ako sa ganoong pagkain. 
"Okay hon." tumayo siya at may tinawagan.
"Can you wait for five minutes.  Pinakamabilis na yun nila hon.  I made it double fast from them.  Sabi ko masama kang gutumin."  pagbibiro niya sa akin.
Inabot ko kanyang mukha at hinalikan siya.
"Hmmm... thank you honey!"
"I love hearing you with that endearment.  Sige pahinga ka muna."
Pumikit ulit ako.  Narinig kong binuksan ang pintuan. 
"Teka, yung ulam ha, ayoko nun.  Paano yan." Nalungkot ako bigla kung itatapon lang.
"Don't worry hon.  Bigay ko nlng kay manong guard para maiuwi niya sa pamilya niya.  Pa take out ko sa kanya.  Gisingin lang kita pag andito na ang pagkain at ng makakain na tayo."
I just nod at him in reply.
Mainit na halik ang nagpagising sa akin.
"Wake up sleepyhead" masuyong sabi sa akin ni Daniel.
Magana kaming kumain dalawa.  Iniligpit pa niya ang sobrang ulam.  Ayokong e share ang green mango salad.
Napainom na lang si Daniel ng tubig.  Mukhang naasiman siya sa kinain kong salad. 
"Wow,  this is good!  But I don't want to share it." nakanguso kong sabi.
"It's okay hon." Binuksan niya ang TV.  Sports channel.
"Maalala ko, car racer ba yong pinsan mo na si Chad?"
"Uhuh.  Ba't mo naitanong?"
"Ahm, parang may something sa kanila ni Freya eh.  Ano ba ang work niya before?"
"Their family is into shipping industries.  Sila yung napapakiusapan ko pagdating sa mabilisang shipment." aniya.
"Ah ganun ba."  Kaya pala nagagawan niya ng paraan na mabilis makarating ang order. niyang materials.
"But Chad is not yet into their family business.  Meron siyang pinapatakbong car industry. Mostly, custom made cars." 
"Maloko ata yun sa babae eh." usisa ko sa kanya.  Pumasok na ako ng banyo para maghilamos at mag toothbrush.  Pagkatapos nun,  humiga na rin ako.
"Hindi.  Misunderstood lang yun kagaya ko."  at tumabi na siya sa akin.  Nagsumiksik naman ako sa kanya.  Gusto ko talaga ang amoy niya ngayon.  Pakiramdam ko pampakalma ko siya.  I was on the same thoughts when I went to deep sleep in his arms.

Silent TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon