chapter 25

2K 37 1
                                        

It was a hell week for me.  Umpisa na ng paggawa ng sketches at pagpili ng mga tela.  I took a one week leave sa school para mapag focus muna sa pag design ko.  Kinakailangan pa kasi gumawa na tema na naayon sa panlasa ng mga possibleng lalahok sa bidding.  Balak ko talaga ma sold out lahat para maitulong sa mga nangangailangan.  Good thing na buhos yung mga ideas ko kaya madali lang sa akin ang matapos yung needed sketches.  The following week ay nakation na sa pagpili ng materials para sa design.  As usual si Daniel na rin ang nag facilitate ng shipment ng lahat na kakailanganin ko na materials.
Appreciated ko talaga si CEO slash boyfriend ko.  Kahit kailan hindi siya nagrereklamo sa schedule ko.  Ako na nga ang naawa sa kanya.  Palagi siyang nagdadala ng take out food galing sa restaurants.  Minsan pag hectic din ang schedule niya,  nagpapadeliver  na lang siya at we always end up eating at my office.  Nagiging normal naman sa akin ang overtime.  Target ko kasi matapos lahat ng gawa ko two weeks before the event.
Nakatanggap naman ako ng tawag galing kay Daniel.  Paalam niya ang isang linggo na business trip niya sa cebu.
"Hon, I'm gonna miss you." naku naglalambing na naman si CEO.  Di na kami nagkita kasi nasa CIM ako at di pa rin siya tapos sa last minute preparation na kakailanganin sa cebu.
"I'll be missing you too.  Take care for me." kahit gaano na kami ka close, naiilang pa rin ako sa kanya na ganito ako ka intimate makipag-usap.
Mumunting mura ang naririnig ko sa kanya. 
"Hon, baka pwede si Raphael na lang ang ipapadala ko duon."
"Umayos ka Daniel.  Manganganak na yung asawa nun.  For sure di yun palayag.  Kawawa din naman yung tao."
"Okay.  Kung kailangan kong e cut short makauwi lang ako ng maaga, gagawin ko talaga." nagmamaktol na sabi niya.
"Honey, madali lang naman ang isang linggo.  Lilipas yun na di mo namamalayan. Tsaka videocall naman tayo eh." pag encourage ko na rin sa kanya.
Maya-maya narinig ko na siyang bumuntonghinga.

Lumipas ang mga araw na wala akong natanggap na tawag galing kay Daniel.  Nagtataka man ako,  di ko na lang binigyan ng pansin since sobrang busy din ako kasi upcoming exam week na rin sa school.  So double time ako sa mga ginagawa ko.
"Hello everyone!" Napaangat ako ng ulo.  Si Freya pala.  Andito kami ni cheska at ibang working team na gumagawa ng mga damit at accessories.  Me dala-dala siyang pagkain.
"Oh dinalhan ko na kayo ng pagkain kasi alam ko nakalimutan niyo naman kumain.  Dinner time na.  Awat na kayo dyan.  C'mon!"  Inaayos na niya ang mga dalang pagkain kasunod ang mukhang delivery boy.  Bigla na rin ako nakaramdam ng gutom at pagod.  Umuunat pa ako bago tumayo.  Nagsilapitan na rin ang mga kasama ko sa table. 
Pagkatapos na iba kumain, umalis na sila sabay ligpit ng pinagkainan.  Naiwan kaming tatlo sa mesa.
"Kumusta na?"  biglang tanong ni Freya sa akin.
Nagtataka naman ako, sinagot ko siya na okay lang.
Patagilid niya akong tiningnan.  Kinabahan tuloy ako.  Niligpit na rin ng team ang mga kalat sa working area at naghahanda  nang umuwi. 
"What's with that look?" maang tanong ko sa kanya.
"Hmmm... kumusta na kayo ni Daniel?"  I was taken aback with her question. 
"Okay naman kami.  Bakit mo naitanong?  Nasa cebu siya for business trip."
Kumakain kami ng dessert,  green tea cheesecake at cheesy crepe.
"Di ba one week lang yun sabi mo?" sinagot niya ako ng isa pang tanong.
Napatingin ako sa kanya.  Kinabahan ako bigla.  Oo nga pala, isang linggo na lumipas.  Di ko man lang napansin.  Nahiya naman ako tumawag kay Daniel ngayon kasi kaharap ko sila.  Ayoko sila mag-isip ng kung ano-ano.  At ikaw, hindi ka ba nag-isip ng kung ano-ano?  Tanong ko sa sarili ko.
"Nakita siya ng kaibigan kong modelo sa LA kahapon during the fashion event."  Lalo nagtatanong ang mga mata ko sa kanya.  Na estatwa ako.  Seriously LA? As in Los Angeles? Bigla nag buffer ang utak ko.  Ayaw mag process nito. 
"Kasama niya si Monette sa event na yun.  That's why I ask you kung kumusta na kayo at kung nagkausap ba kayo ni Daniel nitong mga nakaraang araw." Napayuko ang kaibigan ko na parang di niya makayanan tingnan ako sa mata. 
"Alam na man natin na may issue na sa kanilang dalawa ni Monette, hindi ba?  Dati pa yun naglalaway sa CEO boyfriend mo noh?" hindi napigilan ni Cheska ang sumabat sa usapan.  Kinalikot naman ni Freya ang phone nito.  Nag alanganin ito na iabot sa kanya ang hawak nito.
Wala siyang nagawa kundi abutin ito mula sa kaibigan. 
Ayon sa website ng celebrity news:
Sought-After-Bachelor and business tycon was seen together during the Los Angeles fashion event last night.  Speculations have proven true after the silence about the  existence of relationship that these two famous personality have, after having seen them really sweet together. Does this really mean the couple are finally open about their real status?  Photo of them can prove it right.
Naka insert naman ang larawan ng dalawa na magkahawak kamay habang papasok sa red carpet ng event hall.  Meron din itong picture na naka pose ang dalawa sa red carpet photo booth na nakahawak si Daniel sa bewang ni Monette habang nakahiling ang ulo nito sa dibdib ng binata.  Malapad ang ngiti ng babae sa camera, mukhang enjoy na enjoy ito at sobrang proud.  Hindi man nagpaunlak ng interview si Daniel pero para sa kanya the picture alone speaks for itself.

Gusto niyang ibato ang phone sa galit na naramdaman.  Bumalik ulit ang sakit at poot ng nakaraan.  Lagi na lang ganito.  Kapag naramdaman na niya ang lapit nila ng binata ay siya naman ang buhos nag hinagpis niya.  Ngunit naalala niya na kaharap ang dalawang kaibigan niya.  Kailangan niya gamitin ulit ang galing niya sa pagpapanggap na hindi siya gaano ka apektado.  Naging esperto na siya dito sa hinaba haba ng pinagdaanan niyang sakit ng kalooban.

Gusto niyang sabihin na walang confirmation ang relasyon ng dalawa ngunit ninais na lang niyang manahimik.  Baka maiyak lang siya at yun ang pinaka iniiwasan niyang mangyari.  She doen't want to look pathetic infront of them.  Masyado masikip sa dibdib ang kanyang pakiramdam sa ngayon.  Hindi lang niya pinahalata sa mga kaibigan kasi ayaw niyang mag alala ang mga ito.  Buti na lang meron pang lemonade at tubig sa harapan niya.  Patay malisya niya itong ininom.
She weakly smiled at them.  Nilihis na lang niya ang usapan. Kinuha niya ang suhestyon ng mga ito patungkol sa Poveda anniversary event.  Madami silang na discuss at pansamantala nawala sa isip niya ang sakit na naramdaman.

Silent TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon