CHAPTER 8: MarNami Love Team!

62 0 0
  • Dedicated kay Trixia M. Espina
                                    

 (A/N: Dito ko na po sisimulan isa isa yung mga love story nila bale focus na po sa isang love team ang mangyayari kada chapter.)

Nami's POV
 Andito na kami sa mall ni Mark and namimili ako ng mga sapatos ko. Si Mark, ayun, nakaupo lang. Linapitan ko naman sya. Tulala eh.

 "Anong mas maganda? Etong red or itong orange?" di pa rin sya tumitingin and..

 "Ikaw."

O_____________________________O

HANU DAW???

 "H-ha?" nauutal kong tanong sa kanya. Para naman syang natauhan kaya napatingin sya sa akin.

 "Ano nga ulit yun?" hay. Oo na. Wala sya sa sarili.

 "Sabi ko, anong mas maganda kung ito bang red or orange?"

 "Mas maganda yung orange pero mas bagay sayo yung red."

 "Ah okay." binayaran ko na sa counter yung mga pinamili ko ang pumunta kami sa Korean restaurant. Namiss ko 'to eh.

Nakaupo na kami ngayon at nakaorder na.

"Pssst." tawag ko sa kanya kaya napalingon naman sya.

 "Bakit?"

 "Madami yung inorder ko."

 "Oh? Ano naman?"

 "Babayaran mo lahat ng yun." bigla namang nanlaki mata nya.

 "ANO?!"

 "Oy Mr. Genius! San ka nakakita ng date na yung babae ang nagbabayad ng lahat ng kinain sa date nila? Diba wala naman?"

 "Oo wala pero pag katapos nito, magkakaroon na kasi ikaw ang magbabayad! Ikaw kaya ang nag-akit dito."

"Dali na."

 "Ayoko."
     "Pleeeeeaaaasssssseeeee???????" sinabi ko sa kanya yan sabay nag-puppy eyes at nagpout pa. Malamang kung si Yul kaharap ko ngayon, nasapak na ako un kanina pa.

 "Oo na oo na. Magkano ba lahat inorder mo?"

 "Di yun bababa ng 1,000pesos."

 "Ang takaw mo eh. Oo na! Libre na kita! Pasalamat ka at nasa mood ako ngayon." for real? Ililibre nya ako? Whaaaaaaaaaa!!!! Ang saya saya koooooo!!!!!!!!!

Lumapit ako sa kanya at yinakap ko sya nang mahigpit.

 "Whaaaaaaaaa!!!!!!!! Thank you thank you talagaaaaaa!!!!!!" pagkabitaw ko sa kanya, eh? Bakit sya namumula? "Bakit ka namumula?" nung tinanong ko sya nun, medyo nagpanic sya.

 "H-ha? Ako? N-namumula?"

 "Oo nga. Namumula ka."

 "Ahehehe..w-wala 'to. G-ganto lang talaga ako pag..uhmm..pag.."

 "Pag?"

 "Pag nanlilibre ako. Natural na sa akin ang namumula!"

Mark's POV
 "Pag nanlilibre ako. Natural na sa akin ang namumula!"

 "Ah okay." phew. Buti na lang. Ang adik kasi eh. Kanina pa ako wala sa sarili. Arrgghh..kanina kasi habang tinitingnan ko si Nami habang nagsusukat ng sapatos at tuwang tuwa sya, dun ko napansin na may pagkakahawig sya dun sa ate ko at kanina ko lang kasi sya natitigan ng ganun and kanina ko lang din nalaman na ang ganda nya. Bagay sa kanya yung straight nyang buhok. Kanina nga eh, habang naniningin sya ng sapatos, tuwang tuwa sya, shoe-lover siguro 'to. Pero awan ba, I have this weird feeling na parang..parang--

"Aray! Bakit mo ako sinapok?!" tanong ko sa kanya habang hinihimas himas ang ulo ko.

 "Eh kanina pa kasi kita tinatawag at andito na yung pagkain tapos di ka naman nakikinig kaya nasapok kiya nang wala sa oras! Sige nga Mark John Rosales, anong problema mo at kanina ka pa wala sa sarili mo?"

 "Wala ka na dun!"

 "Okay, bayaran mo na."

 "Oo na!" at ayun, linabas ko na wallet ko at binayaran na yung inorder namin.

-----

 "Masyado pala tayong nalibang. 8pm na oh." sabi nya habang nakatingin sa relo nya.

"Oo nga eh, hatid na kita sa inyo. Turo mo na lang daan sa akin."

 "Ha? Wag na. Commute na lang ako."

"Ano ka ba? Delikado kaya, dun oa ang sakayan ng jeep. Lika na, hatid na kita."

 "Pero--"

 "Byun Nami, I insist. Konsensya ko na lang pag may nangyari sayong masama. Mailibing pa ako ng buhay ng mga kaibigan mo."

 "Grabe ka naman. Oo na. Sasabay na."

Sa kotse..

"So, sama-sama pala kayo sa iisang bahay?"

"Yup."

 "Ayos ah. Sinong nakaisip nun?"

 "Kaming lahat. Hehe." ang cool naman, sama-sama pala sila. Kaya pala sabay sabay silang laging pumapasok.

"Ah okay."

 "Uhm Mark.."

 "Yeah?" response ko habang nakatingin sa daan.

 "Pagpasensyahan mo na pala ako kung makulit ako ha? Hehe. Maybe right now, you find me very weird." sa sinabi nyang yun, napatingin ako sakanya at nakatungo lang naman sya. I smiled.

 "Yeah, I really think you're weird and very annoying kasi ikaw lang ang babaeng nagtangkang kidnapin ako at dalhin ako sa mall but I found out, you're interesting."

Nami's POV
 Napatingin bigla ako kay Mark dahil nagulat ako dun sa last line na binanggit nya. Naksmile lang sya nun.

 "Oh ayan na ba yung bahay nyo? Nakikinig ko na kasi sigaw ni Yuu Anne dito eh. Sige, pahinga ka na. Bye." lumabas na ako ng kotse nya and pumasok na ng bahay.

You're interesting.

You're interesting.

You're interesting.

You're interesting.

You're interesting.

You're inte--

 "Hoy Byun Nami, ginabi ka na naman!" bungad sa akin ni Yuu Anne.

 "Ano ba Yuu Anne, wag mo syang pakielaman. Nakipagdate sya kay Mark eh." sabi naman ni Yul na kasalukuyang nakahiga sa sofa.

 "What? WHAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!! NAMIIIIIIII!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

 "Aray naman Yuu Anne! Ang sakit sa tenga ng boses mo!" reklamo ko sabay upo sa may dining table.

 "Kwentuhan mo naman ako sa nangyari." umupo sya sa harap ko tapos nakahalumbaba na yung tipong excited na excited.

 "Oo na." kwinento ko na sakanya yung whole story and..

 "WHAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!! NAMIIIIII!!!! LEVEL UP NA ANG BEAUTY MOOOOO!!!!!! Pagpatuloy mo lang yan! Ahihihihi. Boto naman ako kay Mr. Genius eh."

 "Ahehehe." and still, parang nag-eecho pa rin sa utak ko ang sinabi nya sa akin na: 'You're interesting.'

Opposite Attracts (Me and You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon