Seo's POV
Grabe ha? Ganun ganun lang un, di man lang naappreciate ni Axle yung ginawa o yung effort ni Yoobin dito.Napatingin ako kay Yoobin, ayun, nakasimangot. Eh sino ba naman kasi ang di sisimangot dun sa ginawa ni Axle? Ikaw ba naman ang itulak di ka sisimangot o magagalit nang ganun?
"Seo." napatingin ako dun sa nagsalita.
"Ano na naman?!"
"Wag mong kalimutan, may shooting tayo mamaya. Sa bahay daw muna namin. Magdala ka na pati ng meryenda para sa grupo natin bago ka pumunta dun." pagkatapos nun, pumasok na sya ng room.
Pesteng yun! Ako yung bisita tapos ako yung magdadala ng pagkain?! Pesteng lalaki yan!
"Uso ba talaga nakasimangot ngayon? Sabihin nyo lang, makikiuso ako." sabi bigla ni Yuri.
"Oo nga, makiuso tayo daliii." sabi ni Yuu Anne.
"Che! Magsitigil nga kayo!" suway ko sa kanila.
"Eh bakit ka ba naman kasi nakasimangot?" -Shiyah
"Kasi naman si Gerald eh..."
"Ano? LQ na naman kayo?" -Yul
"LQ ka dyan! Di naman kami lovers eh."
"Eh ano? Soon-to-be palang?"
"Hindi ah!"
"Achuchuchu. Tamo, maya-maya, magkakadevelopan din kayo." -Yuri
"Hay nako Yuri, itigil mo muna yang kakirihan mo."
"Hindi ako kiri. I'm just thinking about the possibilities." sabi nya sabay ngiting aso.
"Possibilities, possibilities. POSSIBILITIES MO MUKHA MO!" pagkatapos nun, pumasok na ako sa classroom. Nabubuang lang ako sa mga kaibigan ko.
Gerald's POV
"Seo, nakasimangot ka na naman. Sige ka, di ka na maganda nyan." sabi ko sa kanya pagkaupo nya sa upuan nya."CHE!"
"Nakakatuwa kang asarin alam mo yun?"
"Shut up."
"Galit na eh. Ung shooting natin mamaya ah, wag mong kakalimutan."
"Tsk. Anong oras?"
"Mamayang pagkalabas. 2pm."
-----
Nagshooshooting na kami ngayon and nagkakagulo na kasi di kami magkaigi sa camera. Pano ba naman kasi, di dinala ni Jayson ung memory card nung camera nya. Tanga lang.
"Balik ka sa bahay mo aba. Di tayo makakapag start." sabi ko.
"Oo na. Babalik na." bumalik na sya sa kotse nya and umalis na. Kami naman naiwan lang dito.
"Asan si Seo? Tawagin mo nga." -Yuu Anne
"Bakit ako?" -Yuri
"Basta."
"Si Gerald na lang. Oy Gerald tawagin mo nga si Seo." utos sa akin ni Yuri. Sumunod na lang ako and hinanap si Seo nang may makinig akong tugtog na malakas and nanggagaling yun sa likod ng puno. Tiningnan ko kung sino un and...
PFFFFFFFFTTTTTTT!!!!!!!!!!!!!
HAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!!!!!!
SI SEO SUMASAYAW PARANG BALIW!!!!
Hindi ko na muna pinaalam sa kanya na nandun ako, instead, pinanood ko syang gumiling na parang baliw, kinuha ko na din ung phone ko at vinideo sya. Hahaha.
Sayaw lang sya nang sayaw mag-isa and nung matapos ang kanta, pumalakpak ako kaya napatingin sya sa likuran nya.
"KANINA KA PA DYAN?!"
"Oo. Galing mo ngang sumayaw eh. Gusto mo gayahin ko pa? Ganto oh."
Seo's POV
Nagsasayaw na sya at nagkekembot sa harap ko na ginagaya nga yung steps ko kanina. UWAAAAAAA!!!!!!!!!! Nakakahiya."Ano ba, itigil mo nga yan."
"Ayoko nga." and ayun, lalo pa syang kumembot. Parang bakla. Ang galing, talo pa nya babae. Eh di sya na!
![](https://img.wattpad.com/cover/6610419-288-k653149.jpg)
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts (Me and You)
Teen FictionWhat if 2 opposite things collide? Will it work? Or not?