Calvin's POV
Kakaibang kumilos 'to ngayon si Yul ah. Nakakapanibago. Ang tahimik nya. Oo tahimik naman talaga yan pero bakit ganun? Iba yung feeling eh."Oy Calvin, ang lalim ng iniisip natin dyan ah."
"Tumigil ka nga dyan Gerald! Wag kang gumulo may iniisip akong importante."
"Marunong ka rin palang mag-isip? Wahahaha!"
"Magtigil ka dyan kung ayaw mong suntukin kita nang wala sa oras."
"Hey, anyare sayo pare? Muka kang nalugi." sabi ni Steven.
"May iniisip ang loko wag kang magulo." natatawang sabi ni Gerald.
Umalis na ako at umupo sa tabi ni Yul na kasalukuyang nakatingin sa kawalan. Ano kayang problema nitong babaeng ito? Naagasan kaya?
Hanggang sa mag-uwian na eh ganun pa rin ang kilos nya. Kausapin ko na lang kaibigan nya.
Nung nakita kong mag-isang naglalakad si Yuu Anne sa hallway kaya...
"WHAAAA!!! SINO KA?! SINO KA?!" binatukan ko naman sya.
"Wag ka ngang OA! Si Calvin 'to!" mukha naman syang natauhan.
"Ah ikaw pala yan. May pahigit higit effect pa kasi eh! Ano bang kelangan mo sa akin?"
"Sumama ka sa akin." at ayun, hinigit ko na sya sa kotse.
"WHAAAAAA!!! CALVIN WAG MO AKONG KIDNAPPIN! OH MY GO--"
"Wag kang assuming. Wala akong pagnanasa sayo. Ayoko sa payat." sabi ko tapos pinaandar na ung kotse.
"Aray naman. Nakakasakit ka ng damdamin. Alam mo un?"
"Manahimik ka nga dyan! Ireserve mo yang boses mo mamaya. May dapat kang isalaysay sa akin."
"P-pero payat din naman si Yul ah? Ibig sabihin di mo rin sya papatulan? Sumbong kita!"
"Ang ingay mo. Sinabing manahimik muna."
"Opo mananahimik na."
-----
"Oh ano ba ung ipapasalaysay mo sa akin? Ung kasaysayan ba ni Magsaysay?"
"Nacucurious lang kasi ako kung bakit ganun kumilos ngayon si Yul."
"Ay sus yun lang pala."
"So bakit nga sya nagkakaganun?"
"Hmmm..ikwento ko na lang sayo ung full story."
"Ge."
"Ganto kasi yun, nung 1st year high school pa lang kami, super bait nyan ni Yul. Napakahinhin, masayahin, di nyan kayang manakit ng kapwa nya, perfect na nga sya eh. Friendly pa nga eh."
"Ganun?"
"Yup. May isa yang lalaking mahal na mahal nya talaga. He is Jonathan. First love nya un, mahal na nya since elementary. Linigawan sya nun and nung time na sasagutin na nya 'to, ayun, nalaman nyang si Jonathan at Lexa na pala. Si Lexa ay yung cousin ni Yul na super kaclose nya...
"After that, lagi na daw yan nagkukulong at ayaw daw kumain sabi nung Mama nya kaya nung kelangan nang umalis nila papunta sa Korea, ayaw sumama ni Yul kaya nagdecide na lang na iwan si Yul sa amin and ayun, nagsama sama na kami sa isang bahay. Ginawa namin ang lahat para maibalik sya sa dati pero di rin nagwork. Para nga kaming walang Yul na kasama sa bahay eh. Ang dating mabait naging sadista na, naging mataray at higit sa lahat ayaw nya na sa mga lalaki. Masyado na yang inis sa lalaki. Alam mo ba kung bakit ganun na lang pakikitungo nya sayo?"
"Bakit?"
"Kasi kaugali mo si Jonathan. Alam mo, gusto ka naman namin para kay Yul kasi alam namin na kaya mo naman syang ihandle nang maayos kahit ganyan ugali mo. Kaya mo syang maibalik sa dati kahit konti lang."
"Ang saklap naman pala ng nangyari dun. Pero pano ko sya maibabalik sa dati?"
"Ikaw na ang bahala dun. Sige uwi na me. Gabi na kaya. Hanapin pa ako ng mga yun."
"Ge. Thanks."
Umalis na sya at naiwan ako ditong mag-isa at nag-iisip pa rin about dun sa kwinento sa akin ng babaeng yun.
Ah basta ang mahalaga alam ko na ung situation ni Yul and somehow, I want to make her feel better.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts (Me and You)
Ficção AdolescenteWhat if 2 opposite things collide? Will it work? Or not?