Jexther's POV
"Tawagan mo si Calvin." utos sa akin ni Mark."Wala na akong load."
"Pambihira naman Jexther oh! Yaman na yaman mo tapos wala kang load? Ano na?" -Jayson
"Kung kayo na lang kaya ang tumawag 'no? Tutal may load naman kayo."
"Di nga namin dala phone namin! Naiwan namin sa bag namin! Nasa classroom!" -Janrei
"Eh di pumunta kayong classroom!"
"Ah tumigil na nga kayo dyan, ako na lang tatawag! Dala ko naman phone ko eh." dinial na ni Axle number ni Calvin nang napatigil sya.
"Oh? Bakit ka napatigil sa pagdial?" -Steven
"Wag mong sabihing wala ka ring load?" -Gerald
"Tanga hindi! Naalala ko lang, hindi nga pala dala ni Calvin yung kanyang phone ngayon, nakalimutan nya sa condo nya."
-____-
Yhanna's POV
"Tawagan nyo si Yul." -Nami"Teka teka, bakit ba natin tatawagan si Yul?" -Yoobin
"Eh kasi, oo nga 'no? At bakit pati natin sya hinahanap?" -Yuri
"Ewan. Tara na nga sa classroom." -Seo
"Oo nga, tara na." umalis na kami sa garden at pumunta ng classroom.
-----
"Ano? Nahanap nyo yung dalwa?" bungad sa amin ni Jexther.
"Hindi eh. Hayaan nyo na yung dalwa."
"Sa bagay." pagkasabi nya nun, umupo na sya.
"Ayan na pala sila oh! Oy san kayo dalwa nanggaling?" napatingin naman kami sa pintuan nung sinigaw ni Gerald yun. Andito na nga sina Yul. San kaya itong dalwang 'to nanggaling?
"None of your business." obvious naman siguro kung sino nagsabi nyan 'no?
Umupo na sila sa kani-kanilang upuan and saktong dating ng prof.
"Good afternoon. Magkakaroon nga pala tayo ng activity, I'll group you into 2 bale 10 members per group. Group 1 will be Mr. Salcedo, Ms. Magpantay, Ms. Kim Yuri, Mr. Lusterio, Ms. Kim Yuu Anne, Mr. Sykes, Ms. Kim Seo, Mr. Go, Mr. Ramos and Ms. Wu and the remaining students will be the Group 2. So anong gagawin? Simple lang, you have to make a music video, 5 music videos, kayo ang bahalang pumili, kayo rin ang kakanta dito okay? That's all. Submission will be on the last week of the month so it means you have 3 weeks to do that okay? I'll go na muna and pagmeetingan nyo ang gagawin nyo. Bye class."
Umalis na si prof. and nagproceed na nga kami sa groupings bale ang kagrupo ko pala ay sina Yul, Nami, Shiyah, Janrei, Mark, Calvin, Jexther, Alice, and Robert. Okay.
"Pano ba yan honeybunch? Destined talaga tayo oh. Magkagrupo tayo." -Calvin
"Shut up." -Yul
"Oh mamaya na yung LQ na yan. Pag-usapan muna natin kung anong kanta ang pipiliin natin at gagawan ng video." sabi ko sa kanila.
"Anong kanta?" -Janrei
"Wait, ganto muna gawin natin, hatiin natin yung grupo natin into 5 tapos ung pair na un, lalaki't babae ang leading character sa video and sila rin ung kakanta bale yung iba, extra dun sa video and ung iba naman, ung nagvivideo agree?" -Mark
"AGREE!" sabi naming lahat.
"Oh pairings na." -Nami
"Kung sino katabi nyo ngayon un ang kapartner mo." -Mark
![](https://img.wattpad.com/cover/6610419-288-k653149.jpg)
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts (Me and You)
Teen FictionWhat if 2 opposite things collide? Will it work? Or not?