Yoobin's POV
La la di da di da la la..wala akong magawa..la la di da di da la la..kainip naman."Yhanna, peram nga ng phone mo." sabi ko kay Yhanna na seatmate ko.
"Bakit?" tamo 'to, di na lang ibigay eh.
"Nakalimutan ko kasi phone ko sa bahay. Wala akong makalikot."
"Dead batt na ang phone ko eh. Nakalimutan kong icharge." pagkarinig ko nun, gumunaw na ang mundo ko. Bakit di ko mahiraman ng phone yung ibang members? Wala kasing games sa phone nila bale kaming dalwa lang ni Yhanna ang may games kaya kami kami lang din naghihiraman.
Back sa story, hays. Swear, nakakainip dito sa room, bakit daw wala kaming klase? Awan. Tamad kasi mga teacher dito and busy rin yung iba kaya ayun, nganga lang kami dito sa room. Ay teka, magpapasalamat pa nga pala ako sa CH sa ginawa nilang action para makick out dito sa university yung rapist. Haha!
Linapitan ko yung barkada nila Axle na gwapo na suplado na kasalukuyang nagkwekwentuhan ngayon. Makikisingit muna ako.
"Excuse me guys.." panimula ko. Nagtinginan naman sila sa akin.
"Yes? What can we do for you?" nakangiting tanong ni Gerald.
"I just wanna say thank you sa ginawa nyo kahapon. Naappreciate ko yun."
"Ah wala yun, kam--" naputol yung sasabihin ni Jayson kasi biglang nagsalita si Axle.
"Wag ka masyado matuwa. Hindi para sayo yun kundi kay Shiyah." ouch ha. Ganyanan? Nagthathank you na nga ako eh.
"Ang hard mo Axle pare. Haha! Pero infairness, bagay kayong dalwa." sabi ni Mark na pataas-taas pa ang kilay.
"At bakit naman?" intriga kong tanong pero keneleg ako dun, malamang, crush ko yan si Axle kahit ganyan yan.
"Isang kasing masungit at isang loka-loka. WAHAHAHAHAHA!!!!!!!" sagot ni Jexther. Kahit kelan talaga 'to pero at least, tumawa sya!
"Ako nga ay wag nyong isali sa kalokohan nyo." iritang sabi ni Axle kaya tumalikod na sya at nagheadset.
"Pagpasensyahan mo na yan Yoobin at sadyang may period yan araw-araw. Haha!" adik nito ni Janrei pero infairness, improvement na ha, nakakausap na sya ng maayos.
"Ayos lang yun. Mana kay Yul. Haha!" eh totoo naman eh, male version yan ni Yul.
"Oy! Akin lang si Honeybunch ko! WALANG MANG-AAGAW!" sino pa ba magsasabi nyan? Eh di si Calvintot!
"Hoy Calvin Slater Regio! Tumigil ka nga dyan! May sinabi ba kaming aagawin namin sayo si Yul ha?" medyo napalakas ata ang sabi ni Steven nyan kaya biglang lumapit ang leon na si Yul sa amin.
"Ano't nakikinig ko sa mga bibig nyo ang pangalan ko ha?!" sigang tanong ni Yul.
"Yul naman, wala lang yun. Haha!" sabi ko sa kanya kasi baka manuntok na naman 'to.
"Whatever." then nagroll eyes sya. Umalis na sya and bigla namang sumigaw 'tong si Calvin.
"Honeybunch my loves! Wait for me!" and ayun, hinabol nya si Yul. Minsan napapaisip ako kung seryoso ba 'to si Calvin kay Yul o hindi.
Back sa story, ayan na nga, pagkalingon ko kung san nakapwesto yung mga CH, ayun, nagsialisan na lang bigla pwera lang kay Axle na nakaupo lang at nakatingin sa blackboard kaya tinabihan ko muna sya. Hehe. Moment na toh eh.
"I wonder kung bakit ang sungit mo Axle." narinig nya ata yung sinabi kong yun kaya tinanggal nya headset nya at tumingin sa akin as in yung titig. OHMAYGASH!!! I NEED WATER!!!
"Eh ano naman kung masungit ako?" T___T grabe, ang ganda ng sagot nya. Tiningnan ko rin sya and nagtitigan kami tapos medyo malapit rin mukha namin sa isa't-isa.
"Well, sayang ka kasi. Perfect ka na sana. Masungit ka lang."
"Oh? Pakeelam ko kung hindi ako perfect?" sinusubukan ata ako nitong lechugas na toh ee.
"Mr. Ramos--"
"Alam mo Ms. Wu, wala ka na dun kung masungit ako or what..di mo naman hawak buhay ko diba? So who cares?"
"Oi..mas--"
"Wag ka nang magsalita kung ganyan rin naman sasabihin mo saken kasi wala ako sa mood makipagtalo ngayon."
"Di nam--"
"At isa pa..wag ka magpacute."
"Hoy! Di kaya ako nagpapacute!" then nagpout ako.
"Eh anong tawag mo dyan? *turo sa labi ko* Di ba yan pagpapacute?"
"Its natural kasi babae ak--" tumayo na sya and nagsalita.
"You don't need to do that. Wag na wag mo ako papacute-an kasi ang ayoko sa lahat, yung pacute pero di naman cute. Alalahanin mo..DI KA CUTE!!!"
"T___T"
"Di ka cute kaya wag ka na gumanyan okay?" umalis na sya and pumunta sa tabi ni Janrei.
Axle's POV
Ang sarap lang mang-asar ng babae. Konting asar lang kasi, feeling mo naman, magugunaw na mundo nya. Aizt.
"Anong ginawa mo kay Yoobin at ganun itsura?" tanong saken ni Janrei habang nakatingin sya kay Yoobin.
"Wala. May sinabi lang ako."
"Ano bang sinabi mo?"
"Di sya cute."
"Adik mo talaga dude. Pati ba naman yun. Tamo nga, di maipinta mukha."
"Pakeelam ko?"
"Alam mo dude, wag mo na pakawalan si Yoobin."
"Ano bang pinagsasasabi mo? Si Janrei ka ba talaga?"
"Oo naman. Si Janrei toh nuh. Bakit?"
"Eh kasi di ka naman ganyan magsalita dati."
"Dati yun."
"Ang gay kasi." tumayo naman sya bigla.
"Bawiin mo sinabi mo."
"Haha! Chillax. Umupo ka na nga." umupo naman sya and pinagpatuloy discussion saken.
"Back nga sa sinasabi ko, yan na nga si Yoobin, wag mo na pakawalan. For sure maraming naghahabol dyan, sa ganda nyang yan? Sige ka. Maagawan ka pa dude."
"Pakeelam ko kung maagawan ako? At isa pa, wala akong gusto kay Yoobin okay? She's annoying and very stupid."
"Grabe ka naman pre. Baka sadya lang talaga yung ganun sa babae, tamo nga si Shiyah, tatanga tanga student of the year." nakangiti si Janrei nun kaya kahit harsh at masungit ako, naintriga pa rin ako kasi..
"Hoy Janrei Ocampo, tapatin mo nga ako, kaya ka siguro nagbabago ay gawa ni Shiyah noh?" medyo nagblush naman ang loko, may gusto nga toh kay Shiyah.
"I-ikaw nga dyan ay t-tumigil. Ah basta! Makaalis na nga." tumayo na sya and lumabas ng room. Iwasan sa topic? Medyo napaisip naman ako dun sa sinabi nyang wag ko na daw pakawalan si Yoobin. Lokong yun ah! Ginulo pa utak ko? Tss.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts (Me and You)
Fiksi RemajaWhat if 2 opposite things collide? Will it work? Or not?