CHAPTER 50: You're Back

19 0 0
                                    

Yul's POV

 "Vin, ayos lang ako. Wag mo na akong ihatid." andito na kami ngayon sa parking lot and eto ngang si Vin, nangugulit. Gusto ay sya maghahatid. "Linalabag mo na ung rules ko."

 "I know but wala ka kasing kasama pag uwi."

 "Haha. Matagal na akong nakakauwing mag isa Vin. Don't worry." wala nga akong kasabay. Hehe. Si Nami kasi, si Mark kasabay and ung S8 umalis na bale kaming dalwa na nga lang ni Vin andito. Gabi na rin kasi.

 "But Honeybunch, paano kung--"

 "Sshh. Kaya ko na okay? Now..uwi ka na rin."

 "Tch. Fine."

 "That's my guy. Hehe. Bye. Goodnight. Sugardreams. I love you." then I kissed him on his cheek.

 "Bye Hobeybunch. Goodnight. Super sugar dreams. I love you more." then he kissed me also on my cheek. I smiled at him.

 Pumasok na ako sa loob ng kotse ko.

 "Take care Honeybunch. Call me if nakauwi ka na."

 "Okay." then inistart ko na ung kotse at umuwi na.

*Smash Eight's Residence..

 "Walang stock na food dito." sabi ni Yhanna habang binubuksan ung kitchen cabinets.

 "Uwaaa!! Kumukulo na tiyan koo!!" himutok ni Yuu Anne.

 "Gutom na rin ako." -Nami

 "Ay hala. Pupunta akong mall okay? Bibili lang ako saglit ng dinner natin." sabi ko.

 "Samahan na kita." presenta ni Yoobin.

 "Wag na. Ako na lang. May dala naman akong kotse." di ko na sila hinintay makasagot at lumabas na ng bahay. Hehe.

-----

 Nakabili na ako ng pagkain at umuwi na rin. Hmmm..kumain na ako sa mall so sila na labg nakain. Makapagpahangin nga muna.

 Kinuha ko ung jacket ko since malamig sa labas at nakasando at pj's lang ako.

 Lumabas ako ng gate and may nakita akong anino ng tao sa may poste sa gilid.

 Di ko na un pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero nararamdaman kong sumusunod ito saken.

Lakad..

Lakad..

Takbo..

Lakad..

Lakad..

Takbo ulit..

Hingal..

Lakad..

 Nakarating na ako sa park sa subdivision namin. Umupo muna ako sa isang swing. Peste ung sumusunod na un! Napagod tuloy ako!! Tss.

 "I can't believe it na ang laki ng inimprove mo Yul." nagulat ako dun sa nagsalita. That voice. That's the first voice I fell in love with.

 Lumingon ako and di nga ako nagkakamali.

Si Jonathan.

Andito sya ngayon sa likod ko.

 Nung nakita ko sya..galit ang naramdaman ko. Tumayo ako at hinarap sya.

 "So..you're back." nakangisi kong sabi.

 "Yes. I'm back for you." sa sinabi nyang un..lalo akong napangisi. The hell.

 "For me? Para ano? Para saktan at gamitin uli ako?"

 "Look. Yul. Its been 4 years since--"

 "Yeah. Matagal na nga un. Tss. Ganun un kadaling kalimutan."

 "Yul." lumapit sya saken at akmang yayakapin ako kaso tinulak ko sya.

 "Don't you even dare to touch me."

 "Haha. Ang laki na nga ng pinagbago mo. Balita ko, iba na daw ugali mo. Masungit ka na daw di tulad ng dati." gawa mo un kaya ako ganto gag*.

 "So? Anong pakelam mo? Umalis ka na nga dito!"

 "Look..I'm sorry sa lahat. Pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko sayo 4 years ago. I'm so sorry and gusto ko sanang bumalik tayo sa dati kaya ako nagbabalik ngayon. Yul..give me another chance."

 "Ang kapal naman ng mukha mo. Paglatapos sa pinsan ko..ako uli? Tss."

*PAAAAKKKK!!*

 I slapped his right cheek.

 "That's for making me suffer for years."

*PAAAAKKKK!!*

 "And that's for saying thank you for making me like this." akma na akong aalis nang may maalala ako. "Oh and by the way, wag ka nang umasa na magkakaigi pa tayo after all of this. Tss. May boyfriend na ako so better back off. Magsama kayo ng pinsan kong malandi." so ayun, pagkatapos nun, umalis na ako ng park at umuwi na sa bahay. Pesteng un! Inantala ang pagpapahangin ko! Tss. Peste talaga!!

Opposite Attracts (Me and You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon