Yoobin's POV
"Turuan mo kasi ako maggitara!" kanina ko pa kinukulit tong Axle na to. Ayaw kasu ako turuan! Pfft.
"Maya na lang." yan naman lagi isasagot nya. Well..kamusta kami? Buhay pa naman. Hehe. Di na naman sya masyadong masungit pero masungit pa din. Konti nga lang.
"Bahala ka nga jan! Kay Janrei na lang ako magpapaturo!" magselos kaya to? Sana..hihi.
"Wala yun ngayon. Kasama si Shiyah. Nasa canteen."
"Eh di kay Jexther!"
"Di pa un ganun kagaling maggitara!"
"Eh di kay Ronald na lang." si Ronald..stalker ko pero magaling maggitara. Talented kumbaga. Basta. Gwapo din. Hehe.
Tatayo na sana ako kaso hinigit ako bigla pabalik ni Axle.
"Oo na tuturuan na kita!"
"Sapilitan?"
"Aish. Manahimik ka na nga lang at makinig." nanahimik na nga lang ako at baka masapak pa ako ng kumag na ito. Ahehehe.
After ng pagkahaba habang turuan..natuto naman ako ng konti. Hehe.
"Oh? Alam mo na?"
"Yup. ^_^"
"Ano pa?"
"Hmmm..tugtugan mo ako?"
"Ng anong kanta?"
"Ikaw bahala."
"Okay." nagstart na sya magstrum ng gitara.
(NP: Ikaw at Ako)
"Hawakan mo ang kamay ko..~~" tuloy lang sya sa pagkanta at ako naman ay tuloy sa pagtitig sakanya.
Ang gwapo nya talaga. Ang tangos pa ng ilong. May pale white syang balat and emo na buhok. Ano kayang itsura ng magiging anak namin? Gwapo't maganda kaya? Ahihi.
"Ikaw at ako..oh woah oh..
Tayo'y pinagtagpo.."
A minute passed and natapos na ung kanta.
"Yoobin." napatigil ako sa pagmumuni muni. Hehe.
"Yes?"
"Tayo na ha."
"Oh sig--TAYO NA???!!"
"Oo bakit ayaw mo?"
"Gusto pero..TAYO NA TALAGA??!!"
"Oo nga sabi eh."
"You mean katulad nung kina SteveAnne..ShiJan..MarNami??"
"Oo." at lumapit naman sya saken at hinawakan ang kamay ko. "At tayo ang YooXle. :)"
"YooXle??"
"Yup. Di ako papayag na maging YooNald yan! Ang panget!" natawa naman ako dun sa sinabi nya. Ano daw?? YooNald?? Yoobin at Ronald??
"Baliw ka."
"Haizt. Ikaw at ako ang para sa isa't isa."
"Wag ka nga ganyan. Di ako sanay."
"Eh ano pala gusto mo? Lagi kitang sinisigawan at sasabihan ng tanga tuwing matatapunan mo ako ng soda??" natawa naman uli ako nun.
"Kelangan bang ipaalala?"
"Tss."
"Pero sorry ah kung natapunan kita nun."
"Oo na."
"So bati na tayo?"
"Oo."
"Di mo na ako tatawaging tanga?"
"Oo."
"Yehey!!"
"Basta ba wag mo akong iiwan. Tanga ka na lang kung iwan mo ako."
"Ay ganun??"
"Oo ganun na nga."
"Baliw."
"Tanga."
"Oi oi oi. Di naman kita jan iniiwan ah? Bakit mo ako tinatawag na tanga?"
"Kasi gusto ko."
"Meanie boyfriend!!"
"Stupid girlfriend!!"
"Pfft. :3"
"Tss. =_="
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts (Me and You)
Teen FictionWhat if 2 opposite things collide? Will it work? Or not?